THE LETTER

30 6 1
                                        

Hi, April!

I don't really know where to start. But I am sure, by the time you are reading this letter, you are wondering why I wrote this instead of telling you everything in person.

It is also hard for me to write everything I want to say to you. But this is the only way I could confess my affection to you, for now. Because I will be gone for a while to fix my life and heart.

Noong una kitang nakita, hindi ko inakala na magkakaroon ako ng interes sa 'yo. Bukod sa hindi ko puwedeng hayaan na mahulog ang puso ko sa tao, ang tanging gusto ko mangyari ay malaman mo ang ginagawa ni Aster sa likuran mo.

Pero sa bawat subok ko na lumapit sa 'yo para ipakita ang mga ebidensya na dapat mong makita, hindi ko magawa. Napapaatras na lang ako bigla. Hanggang sa nawalan na ko ng lakas sabihin lahat at hayaan ka na malaman iyon sa sarili mong paraan.

Pero noong araw na nakita kitang umiiyak sa harapan ng bahay mo, sensitive man pakinggan o mabasa pero natuwa ako. Hindi dahil sa nasasaktan ka. Dahil alam kong nakawala ka sa taong hindi kayang maging tapat sa sarili niya.

Sa tingin ko, doon nagsimula lahat kung bakit nagkaroon ako ng pakialam at pag-aalala sa 'yo. Hanggang sa dumating 'yong araw na hindi na ko makaahon kaiisip sa 'yo.

Ang baduy, 'no? Pero mamimiss ko 'yong mga panahon na parati akong dumadaan sa village niyo para lang silipin ang kalagayan mo.

At ngayong sa tingin ko na nagiging maayos ka na, siguro ito naman 'yong panahon para sarili ko naman ang ayusin ko. Para kapag tuluyan ka ng naghilom sa nakaraan mo, makakasabay ako sa 'yo. At sa pagbalik ko, pantay na tayo ng lalakaran.

Hindi ako nangangako. Dahil mahirap patunayan ang isang bagay o buhay na walang kasiguraduhan. Wala naman himala na makapagbibigay ng motibasyon para umusad at magpatuloy lang. Lahat ng bagay, nangyayari ng biglaan at hindi inaasahan, depende sa kung ano ang nagawang hakbang.

Kaya siguro...gagawin ko na lang ang makakaya ko sakaling magtagumpay man ako sa desisyon at gagawin ko.

Matagumpay man o bawiin ng kapalaran ang kasiyahan ko, hihintayin kita sa parke, sa tapat mismo ng bahay mo, kung saan madalas akong tumatambay para sumilip at mag-abang sa 'yo.

Nandoon lang ako simula ala-singko ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi.

So if you ever decide to accept this letter, please keep the two jewelries that were hidden under your pot.

See you soonest on Our Summer Night, my soon-to-be Dahlia.

Please be happy even when I am gone.

I adore you, so much.

Damien Harper


TO BE CONTINUED...

Daisy in the MeadowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon