Prologue

11 0 0
                                    

                     
This is a work of fiction. All of the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are all products of the author's imagination used in fictitious manner. Any resemblance to an actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

                        Prologue



"Bisu Main! Bisu Main! Bisu Main!"


Lahat sila nagsisisigaw rito sa AC. Basketball championship kasi between Bisu Balilihan Campus at Bisu Main Campus. Kawawa naman yong kabila walang nagche-cheer dahil Bisu Main ang host ng SCUAA event mas maraming students from Main Campus ang naririto at nagche-cheer.


"Huy cheer ka naman diyan! ang galing ni Jace oh, lagi nakaka-shoot" siniko pa ako ni Reign dahil kanina pa ako rito tahimik. Ayaw ko nga, bakit ko eche-cheer? deserve ba niya?



Pinagkrus ko nalang ang dalawang kamay ko sa dibdib ko habang nakaupo rito sa harap. Pinilit kasi ako nitong Reign na ito na manood dahil may bet na namang bagong player sa Balilihan Campus. Kapag nakaka-shoot si Jace wala na akong reaksyon. Sanay naman na akong nakikita siyang nakaka-shoot kapag naglalaro hindi na bago sakin at hindi na ako nagugulat. Kapag nakaka-shoot nagsisigawan ang mga babae. Napailing nalang ako habang nanonood.


"'Bakit ba kasi pinilit mo pa 'to baka hindi maka move on 'yan!" sinulyapan ko si Sheena na alam kong ako ang piparinggan niya sa sinasabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero natawa lang siya.


"Gusto mo ba manood tayo ng on the spot poster making contest?" tinaasan ko siya ng kilay at agad naman nawala sa mukha niya ang mga malalaking ngiti kanina. Pati rin ito hindi maka move-on.


"Huy 'wag baka makita niya drawing 'non mainlove ulit" pang-aasar ni Reign kaya agad tumaas ang kilay niya samin. Akala niya ha. "Paano kapag mukha mo naka drawing doon?"



"So ganda kong 'to? hindi niya maguguhit!" I rolled my eyes at hindi na pinansin ang mga corny niyang lines. Sakto pagharap ko nakapagshoot ng three points si Jace at agad ngumiti sa mga babaeng nasa harap niya. Ugh, yong ngiti na naman niya hinihila na naman ako pabalik sa kaniya.



Third quarter na ng game at lamang parin ang Main Campus dahil lang naman kay Jace. Pinagmasdan ko siyang maglaro mas ganado siya ngayon. Agad ko iniwas ang tingin ko ng malingon niya sakin ang mga paningin niya.


"Jace! ano ba?!" agad ako napalingon ng marinig ko ang sigaw ng ka team niya malapit rito sa inuupan ko. Pinasahan pala siya ng bola pero hindi niya nakuha dahil nakatulala rito sa gawi ko. Agad kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. Focus ka sa laro bobo wag sakin.



"Jace focus!" rinig kong sigaw ng coach nila. Mukhang kailangan ko na talagang umalis dito para makapag-focus siya sa laro. Talo ang Main Campus sa basketball  last year sana ngayon ipanalo naman niya.



Napasigaw nalang ako ng matamaan ng bola ang mukha ko. Agad ako napapikit sa sakit at  tinakpan ang kaliwang mata ko ng isang kamay ko dahil sa sakit. Ano ba? ang malas ko naman ata ngayon sa dami ng pwedeng tamaan ako pa? Pwede namang si Lyra doon sa kabilang upuan ah?


"Hala, Haze okay ka lang?" rinig kong tanong sakin ni Reign pero hindi na ako nakasagot dahil mas inuna kong damhin yong sakit sa kaliwang mata ko.


"Shit! Haze are you okay? may masakit ba sayo?" kumunot ang noo ko ng magtanong sakin si Jace. May masakit ba sayo? natamaan yong kaliwang mata ko tapos tatanungin niyang may masakit ba sakin? adik ba 'to?

Lumuhod pa siya sa harap ko at hinawakan ang isa kong kamay na nakapatong sa binti ko. Agad ko binawi ang kamay ko ng makita ang tingin sakin ng Bisu Main President sa may stage kaya agad ako tumayo at lumayo kay Jace.



"Let's go, dadalhin kita sa clinic" hinawakan ulit ni Jace ang kamay ko pero binawi ko ulit. Ano bang gusto niya? itigil yong laro para masamahan ako sa clinic? ganoon ba kakapal ang mukha niya para maging concern ulit sakin pagkatapos ng ginawa niya?

"Hindi mo ako kailangang samahan kaya ko sarili ko"



"Hindi mo kaya-"



"Jace, we need to continue the game. Galit ng nakatingin satin ang Bisu Main President!" mahinang sabi ng coach nila kaya napatingin ako sa gawi sa upuan ni President Verano, masama ang tingin rito sakin.


"Kaya ko dahil sinabi ko, at tsaka mag focus ka nga sa laro kapag yong Main Campus natalo ng dahil dito. Hinding-hindi na kita papansinin"


Inirapan ko si Jace at agad hinila ang braso ni Reign at Sheena para masamahan ako papuntang clinic.





Chasing Love in College Where stories live. Discover now