'WELCOME TO BISU MAIN CAMPUS VISITORS, TEACHERS AND STUDENTS'

Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang dalawa kong kaibigan. Nauna pa ako rito kaysa sa kanila. Sabi noong isa on the way na siya pero kanina pa ako kakahintay wala pa naman rito, yong isa naman kakasakay pa daw ng tricycle ang babagal!


Napalingon nalang ako sa phone ko ng tumunog ang messenger ko. Nag chat sa gc yong isa.



Sheena: Antayin niyo ako ah, Cortes na me ehe!



Cortes? malapit na ba yon o malayo pa? Ewan wala akong alam sa mga lugar-lugar rito hindi naman kasi ako lakwatsera. Padami na ng padami ang mga tao muntik kong kalimutan may event pala dito ngayon sa school. Pumunta lang kami para lang maging display dito sa AC taga hawak lang ng flag para suporta sa mga atleta.




Reign: Nasa gate na ako mga bakla, papasok na.



Hinintay ko ang isa kong kaibigan na nasa gate na daw. Narito ako sa upuan malapit sa AC at sa may registrar. Marami ng tao ang dumadaan nakasoot ng white shirt at black pants. 2nd year din ang mga ito dahil ganito ang soot, ito kasi costume namin mga flaglets ngayon. Ginawa pa talaga kaming display ang init-init wala namang makikitang gwapo.




Napasimangot ako dahil wala ngang gwapo pero nawala rin ng dumating sa harapan ko ang funny kong kaibigan. Natawa na agad ako sa pagmumukha niya, ito kasi pa-iba iba ng mood. Tatawa tapos mamaya malulungkot, mamomroblema tapos tatawa ulit parang baliw lang. Pero sanay na ako na ganyan siya. Sarap ipa-mental.



"Oh si Sheena? wala pa ba? ang tagal bakla magsisimula na yong event" natatawa niyang sabi. Tumawa nalang din ako para sabayan siya.



"Ewan ko ba 'don ang tagal. Tsaka hindi pa 'yan magsisimula uy, 7:30 palang naman 9:30 pa 'yan"



"Pala desisyon ka ikaw may gawa ng event?" pilosopo to ah. Pero sabi ko nga sanay naman na ako sa kaniya.


"Guys! I'm here!" napalingon kami sabay kay Sheena na nakangisi na ngayon. Kumakaway-kaway pa habang nagmamadaling maglakad papunta rito sa amin.



"Nagsimula na ba?" nakangiti niyang tanong habang inaayos ang flag na dala niya.




"Tapos na gurl! Bakit ba ang tagal mo?" sigaw ni Reign kaya agad napasimangot si Sheena at natawa ako.



"Eh kasi nagka-problema ako sa may entrance, may naapakan akong importanteng bagay" sabi niya kaya mas napasimangot siya. Ano naman naapakan niya? hindi naman siguro tae yong naapakan niya diba? hindi na rin namin pinansin yong sinasabi niya dahil busy kami kakahanap ng gwapo rito.



"Saan tayo kakain ng lunch?" biglaang tanong ko kaya napalingon sakin ang dalawa.



"Anong kakain? di pa nga nagsisimula yong event lunch na iniisip mo" pambabara sakin ni Reign. Ito kahit kailan may problema sa bawat sinasabi ko. Tumawa nalang ako.



Maya-maya nag announce na sa AC, magsisimula nadaw ang event. Nagsidatingan na rin ang ibang athletes mula sa ibat-ibang campus. Maraming bus na narito sa loob sakay ang ibat-ibang athletes at teachers. Bakit puro girls na athletes ang nakikita ko? nasaan yong mga boys? bakit nakatago? bakit hindi ipinapalabas, asan sila? ilabas niyo! charot lang.



"Uy bakla wala akong nakikitang gwapo" komento ni Reign. Palinga-linga pa sa mga athletes na lumalabas mula sa mga bus.



"Sayang naman pinunta natin rito" komento ni Sheena, natatawa ang itsura. Hanggang ngayon di pa maayos-ayos ang dalang flag.




Chasing Love in College Where stories live. Discover now