Another Friday, another lesson sa Foreign Language. Nag-aral ulit kami ng mga japanese words.






"Ano nga ulit meaning noong Daisuke?" tanong ni Reign sakin. Nasa left ko siya at nasa right ko si Hazel napapagitnaan ako ng dalawa.






"I really like you" sagot ko habang nagsusulat ng notes.





"Okay class may gusto ba kayong matutunan na bagong Japanese words?" agad napatigil ako sa pagsusulat ng makita kong nagtaas ng isang kamay yong kaklase namin. "Yes, Eric anong bagong words ba ang gusto mong matutunan?"





"Maam, ano po ba japanese ng 'you are beautiful'?" tanong ni Erick kaya nagsigawan kami.






"You are beautiful? simple lang 'Anata wa Kirei desu'"





"Aray!" agad ako napasigaw ng kurutin ako ni Hazel sa braso. Ano ba problema nito?



"Anong sabi?" gulat na tanong niya.






"Maam pakiulit raw po hindi po narinig ni Hazel" sigaw ko kaya kinurot niya ulit ako.






"Anata wa Kirei desu" paguulit ni Maam. Agad napaawang ang bibig niya. Bakit ba siya gulat na gulat.






"Bakit ba? may problema ka ba sa words na 'yon?"






"Ang sabi niya 'saan tayo pupunta' meaning 'non" bulong niya pero rinig ko pa rin. Huh? hindi ko siya maintindihan. Umiling nalang ako dahil hindi ko siya maintindihan.







Pagkatapos ng class ay naglaro kami ng volleyball para sa PE class. Pinagpawisan kami pagtapos ng laro kaya nagpunas kami at uminom na rin ng tubig. Habang umiinom ng tubig nakita ko si Blake na papasok ng library. Naisipan kong gulihin siya. Nagpaalam ako sa dalawa na papasok muna ng library. Nakita ko siya sa last table kaya umupo ako sa tabi niya. Nakasuot siya ng gray hoodie at gray jogging pants terno lang.






"Gagawin mo?" napalingon siya sakin, nakakunot ang noo.






"Wala kang pakialam" ito na naman ang cold icecream.





"May pakialam ako kaya nga ako nagtatanong sayo diba?" lumingon siya sakin at tinanggal ang suot na headphones mukhang naiinis na sakin.






"'Wag ka magulo" ginulo niya ang buhok ko kaya napunta lahat sa mukha ko. Mukha ako ngayon multo. Naka white shirt pa naman ako.






"Guguluhin kita kapag hindi mo ako pinansin" inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya para mas marinig niya bawal kasi maingay dito sa library. Pero hindi parin ako pinansin, hindi niya naman sinuot ang headphones niya siguro para marinig parin ako.







"Ang sabi mo nong last week may bibilhin ka kaya ka sumusunod sakin pabalik ng campus. Anong binili mo at parang wala ka namang dala?"






"Wala akong nakikitang tindahan bibili sana ako candy" agad akong natawa. Anong candy? "Why? bawal bumili ng candy lang?" tinaasan niya ako ng kilay. Valid naman reason niya sige, baka nagc-crave lang ng candy pero natawa parin ako.







"Sige, tatanggapin ko na rason mo. Tsaka may tanong ako kasing lamig mo ba yong milk tea sa milk tea shop niyo?" lumingon siya sakin nakakunot ang noo.






"What?"





"O mas malamig ka pa sa milk tea niyo?"





"Stop asking nonsense question, Sheena" agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sheena? Tama ba narinig ko? tinawag niya ako sa pangalan ko?






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Love in College Where stories live. Discover now