Pagkatapos ng one week event. Balik school na naman. Parang isang araw lang yong one week huh. Ang dali lang ng araw. Nagmadali akong maligo para hindi malate sa class kong 7:30 sa foreign language. Magja-japanese na naman ako nito. Pagtapos ko magbihis ay kumain agad ako at nagtootbrush.




Nagmadali akong magpahatid sa school para makaabot pa sa klase. Nasa loob ng campus nadaw yong dalawa kaya magisa akong papasok ng campus ngayon. May line habang papasok ng campus dahil may inspection ng bag.




"Ang gwapo ni Jace kahapon habang naglalaro, alam mo ba every time nakaka-shoot siya ngumingiti siya ang ganda ng smile!" rinig kong usapan ng dalawang babae dito sa harap ko. Hindi naman maipagkakaila ang ganda talaga ng smile niya. Nakakatunaw.





Agad ko binuksan ang bag ko para sa inspection. Pagkapasok ko ay nakasalubong ko yong Blake, wearing black headphones at nagce-cellphone. Pupunta ata ng Engineering department. Ano course nito? Engineering? Architecture?





"You have a crush on him?" nagulat ako ng tumabi sakin si Jace habang naglalakad. Napansin niya kasing nakatingin ako kay Blake. He's wearing BISU uniform. Ang linis tignan at suot ang maroon na ID sling. Mas gwapo siya ngayon compare noong SCUAA event.





"Huh? hindi!" pagtatanggi ko agad. Ang cold niya hindi ko type.





"But you're staring at him" kapag nakatitig may crush agad? sabagay ganoon din naman ako sa kaniya noong event.





"Wala! may picture ka ulit ng mga buwan?" tanong ko para may conversation kami. Ehe!





"Yeah, marami mahilig din ako sa mga buwan, langit at sunset" ngumiti siya. Ang ganda talaga ng ngiti huhu. "Want me to send it?" tumango ako sa kaniya. Napatigil ako sa paglalakad ng may marealize ako. Agad ko siya tinignan kaya napalingon din siya sakin, napatigil siya sa paghahanap ng picture sa album ng phone niya.




"Anong course mo ba?" takang tanong ko.




"Huh? ah..." hindi siya makasagot. Napalingon ako sa ID niya. CEA department 'to bakit siya naglalakad kasabay ako papunta rito sa CBAS building. "Engineering. Civil Engineering. Ikaw? Tourism?" tanong niya. Bakit niya alam?




"Paano mo nalaman?" pagtatakang tanong ko. Ito stalker 'to. Kinikilig naman ako.




"Hula ko lang!" hula? taray manghuhula.





"Pumasok ka na doon, CBAS building 'to hindi sa inyo" agad siya natawa. Anong nakakatawa roon?




"Bawal na pala kaming mga engineering dito sa building niyo? sige una na ako" nginitian niya ako bago siya bumalik papunta sa CEA building. Agad ako nagmadaling pumunta sa third floor para e kwento sa dalawa ang nangyayari.




"'Wag mo na e kwento baka mausog" pambabara agad sakin ni Reign ng magsasalita na sana ako.




"May new crush na ako!" nakangiting kwento ni Sheena. At sino na naman ang bagong crush nito?




"At sino na naman 'yan?" sungit kung tanong.




"Guess who? cold siya pero gwapo" naalala ko tuloy si Blake. Di kaya si Blake tinutukoy niya?




"Sino ba 'yan? daya niyo alam niyo yong sakin pero sa inyo hindi?" agad sila napalingon sakin.





"So crush mo na si Jace? hays halos lahat rito sa campus crush siya eh. Pinagusapan siya kanina na ang galing daw ng laro niya kahapon kaya nanalo sila. Daming awards yong Main Campus" pagkwento niya. Sino ba naman hindi magiging crush si Jace? ang gwapo na ang bait pa.





Chasing Love in College Where stories live. Discover now