From Sheena: Antayin niyo ako ah, Cortes na me ehe!





Pagcha-chat ko sa gc dahil kanina pa nagra-rant tong si Hazel sa gc kung nasaan na kami dahil ang dami ng tao sa loob ng campus. SCUAA event kasi ngayon kaya kailangan naming pumunta sa school. Pagkarating ko sa may gate ay agad ako nagmadali dahil nahirapan akong dalhin ang bag ko at yong flag na dala ko.





Napairap ako ng makita kung gaano kataas yong line sa inspection ng bag sa may guard. Nandito ako sa dulo ng gate naka-line. Sobrang bagal naman nito mag inspection naiinip na ako at gusto ko ng pumasok. Pinapaypayan ko nalang ang sarili ko gamit ang flag na dala ko, made of bondpaper lang naman siya at yong stick, stick lang ng sliding folder inipit lang yong papel na may logo ng school.




Pagkatapos mainspect ang bag ko ay nagmadali akong maglakad papunta sa AC para hanapin yong dalawa kong kaibigan. Napatigil ako sa paglalakad ng may maapakan akong bondpaper na may naka-paint doon. Agad nanlaki ang mga mata ko ng samaan ako ng tingin ng isang lalaki, may suot na headphones at nakajacket ng kulay red at kulay red na jogging pants. Uniform 'to ng mga athletes sa Main Campus ah?






Agad ko nag peace sign sa kaniya pero wala siyang reaksyon. Inilipat ko agad ang tingin ko sa naapakan kong painting niya. Napakunot ang noo ko mukhang pamilyar sakin ang painting na to, mukhang nakita ko na ito dati. Portrait iyon ng isang babae, nakaupo sa may buhangin habang tinatanaw ang paglubog ang araw. Ano meaning nito? Nagulat nalang ako ng lumapit siya akin at hampasin niya ang sapatos ko para maalis ang paa ko sa bondpaper. Hala, nadumihan ko.






"Uy, sorry hindi ko sinasadya hindi ko naman nakita na may-"






"'Wag ka na mag-explain" cold niyang pagkakasabi at pinagpagan nalang ang bondpaper, nakaluhod parin siya sa harap ko. Pero wala naman siyang reaksyon eh.






"Sorry talaga" bahala siya magso-sorry parin ako kasalanan ko naman baka importante sa kaniya ang painting na 'yan. Hindi na siya nagsalita at tumayo nalang tsaka umalis papasok ng CEA building. Architecture siya, confirmed.






Nagmadali na akong pumunta sa may upuan malapit sa AC at registrar nakita ko agad yong dalawa na naguusap kaya kumaway ako habang papunta sa kanila hindi ko parin maayos ang dala kong flag.






Kung ano-ano pa pinaguusapan namin bago mag start ang event. Sobrang init pero keri lang basta may gwapo dito. At may gwapo nga galing nga lang sa Balilihan Campus, nakasoot ng orange uniform mukhang type ni Hazel kaya di na ako nag-abala na gawin yong crush. Gwapo pero hindi ko type. Mas type ko yong kanina char.






"Blake, let's go magsisimula na ang contest" agad ako napalingon ng may sumigaw na teacher sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita yong lalaki kanina, wala na siyang soot na headphones at wala na yong jacket niya he's only wearing the white shirt on top at red jogging pants he looks hotter than earlier.





So Blake pala ang pangalan niya? Bagay sa kaniya na parang cold icecream. Nakatitig lang ako sa kaniya habang binibigyan siya instructions noong teacher. Nakikinig naman siya pero nawala rin ang atensyon doon sa teacher ng mapalingon siya sakin. Nakita niya akong nakatitig sa kaniya kaya agad ko iniwas ang tingin ko. Nagkukunwaring may hinahanap sa bag ko.






"May nawawala ba sayo?" concern na tanong ni Reign. Umiling lang ako dahil wala naman talaga. Inangat ko uli ang tingin ko pero wala na si Blake at yong teacher baka nga nagsimula na ang contest.






"Nood tayo contest" pabebe kong sabi sa dalawa gusto na ata nilang lumabas ng campus eh pero gusto ko manood sa Medicine Building ng On the Spot Poster Making si Blake pala ang contestant ng Main Campus.






Chasing Love in College Where stories live. Discover now