Winter Rui.
Alas onse ng tanghali at tinatalian ko ngayon ang kapatid ko. May pera akong naitabi galing sa sweldong natanggap ko nung nakaraan kaya balak ko siyang ipasyal.
"Akala ko ba'y may schedule ka ngayon?" tanong ni Auntie.
Ngumiti ako, "Mamaya pa naman 'yon tsaka bihira ko na lang mailalabas 'to baka magtampo."
I heard my sister chuckled. Nakasuot kami ng matching jumper at parehong naka plaits ang tali ng buhok.
"Ang ganda nyo naman," puri niya.
Syempre naman nasa lahi.
"Maganda ka rin po, Auntie," sabi naman ng kapatid ko. Narinig kong natawa siya at umupo para pumantay sa bata, " At dahil diyan may libre kang isang bowl ng champorado."
Pumunta nga kami sa park at hinayaan ko siyang maglaro sa playground. Seeing my sister smiling and enjoying her life is one of the best feeling. She didn't get a chance to make more memories with papa and we're both didn't given a chance to meet our mother. Ngayon, kami na lang talagang dalawa sa buhay.
Ako ang magpapakatatag at lalakad habang sya ang hahawak sa kamay ko.
"Ate, bili tayo ice cream!" masayang sabi niya papalapit sakin. I nodded and bought two vanilla ice cream for us.
Nag picture pa kami at umuwi na para ipaiwan muna sya kay Auntie, pupunta pa kasi ako sa condo. Hinintay ko muna makatulog si Mori bago ako umalis at habang nasa taxi iniisa isa ko na ang lakad ng loko, syempre trabaho ko 'to eh. Ginusto ko naman 'to.
"What took you so long?" Napaiktad ako nang bigla syang bumungad sa pinto.
"M-maaga pa nga ako ng ilang minuto ah!"
Humawak pa sya sa sintindo nya, "Whatever."
Kita mo bastos.
Inilapag ko muna ang bag ko sa sofa at nagsimulang magligpit ng gamit niya. Hindi naman sya makalat na tao pero kung minsan tinatamad.
"Hey.."
Halos magtaasan ang mga balahibo ko aa katawan nang marinig ang boses niya sa likuran ko.
"Ano?" pinilit kong pakalmahin ang boses ko at 'wag mautal. Baka kung ano pa ang isipin nya.
"What's my schedule for this week?"
Maayos akong humarap sa kanya, "Photoshoots, meetings and some private matters."
"Alright." Sa totoo lang hindi ko alam kung ako 'yung mga private matters na ginagawa nya tuwing friday and weekends pero tingin ko naman labas na ako ron.
Agad syang tumalikod at lumakad papunta sa kwarto niya. Habang pinagmamasdan ko ang likuran nya ay hindi ko na naman mapigilan mapahanga. Walang duda, modelo nga.
Okay na sana sa mukha't katawan e' kaso sa ugali, change topic.
"Where's the food?" he asked.
Busy ako sa pagrereply ng mga texts galing sa mga agency kaya hindi ko na sya nilingon, "Nagpadeliver na ako, hintayin na lang."
Hindi siya umimik hanggang sa marinig na namin ang doorbell. Syempre ako ang nagbukas pero sa kanya ang pera, aba dapat lang gipit ako 'no.
"What's that?" nakakunot noo nyang tanong.
"Huh? Ang alin?"
Itinuro nya ang ulam ko kaya hindi ko mapigilan ang pagtawa. "Pinakbet ang tawag dito. Gusto mo tikman?"
YOU ARE READING
Dulce Periculum
RomanceBe careful if you crave with sweets, 'cause some has its aftertaste.