Prologue

7 3 2
                                    

Napahawak ako sa sintido ko habang nagluluto ng umagahan. Puyat na naman kasi ako kagabi kakahanap ng trabaho, at siguro malas talaga ako dahil wala pang tumatanggap sakin sa dami ng inapply-an ko.

Hindi ako nakapagtapos ng college. I also don't have any work experience and maybe that's one of the reason why they keep on rejecting me. I'm getting tired of it but I can't give up, and I won't.

Naramdaman kong may humawak sa daliri ko, "Good morning, Ate." kinukusot nya pa ang mata habang humihikab na bumati sakin. She's my younger sister, Mori. Grade one pa lang siya kaya hindi ko pa sya pwedeng iwan lang basta-basta.

I kissed her forehead, "Tara, kain na tayo." Mas lumawak ang ngiti nya nang mapansin ang niluto kong sinangag na favorite namin pareho.

Pagkahatid ko sa kanya sa school nya, dumiretso na ako kila Auntie. Hindi naman kami blood related, but she treated me like we are. Tumutulong kami sa karinderya niya ng walang hinihintay na kapalit kaya lang nagkukusa na siyang pakainin kami rito minsan at nag aabot din ng pera na tinatanaw kong utang na loob.

Nakailang serve na rin ako kaya naupo na muna ako para magpahinga. "Tulala ka na naman, Winter. May problema ka ba?" she asked me.

"Wala pa kasing tumatanggap sakin, Auntie."

Naupo siya sa tabi ko, "Sabi ko sayo Ada na lang ang itawag mo sakin, nakakatanda masyado 'yang auntie. Pero alam mo bang may solusyon na ako dyan sa problema mo?"

Gustuhin ko man na tawagin sya sa pangalan niya, hindi ako sanay parang wala akong manners kapag gano'n.

"Auntie naman, baka mag boyfriend na naman 'yung solusyon na naiisip mo." Madalas kasi sinasabi niya sakin na bente uno na ako't lahat nbsb pa rin, pero masaya naman kasi talagang maging single. May peace of mind at walang kung sinong panggulo.

Mahina nya akong hinampas dahil sa sinagot ko sa kanya, "Gaga! Seryoso ako. Alam mo 'yung Adelia? Naghahanap sila ng assistant, baka tanggapin ka ron!" aniya.

Sino ba namang hindi makakakilala ron? Adelia is the top famous modeling agency here in the Philippines. Kung international naman ang usapan, hindi rin sila magpapatalo dahil pasok sila sa top 5. And for sure, malaki ang sahod don kung matatanggap ako.

Pero sino ba naman ako?

Napanguso ako, "Parang imposible naman, Auntie."

"Subukan mo, wala namang mawawala eh. Kung tutuusin para rin naman 'yan sa inyo ng kapatid mo,"

Tama. Try lang naman eh. Kapag hindi pinalad oh edi wow susubok na lang ulit sa iba.

I checked their official facebook page and followed it right away. I didn't bother to scroll down more, nasa pinned post naman 'yung link and infos. Puwedeng online at walk-in pero tingin ko mas mababa ang chance kapag online mag apply kaya pupunta na lang ako sa venue.

Wait, bukas na agad!?

Balak ko pa man din sana bumili ng bagong damit pero kung bukas na, wala akong choice kundi pumili na lang kung anong meron ako sa bahay. After lunch, sinundo ko si Mori. Sinabi ko sa kanya na may lakad ako bukas at mukha ngang mas excited pa siya kesa sakin.

"Diba ayon 'yung napapanood natin sa TV, Ate? puro magaganda at gwapo nandoon, bagay ka po ron!" masigla niyang sabi.

Natawa ako, "Bilang asistant lang naman ang ipupunta ni ate doon, hindi bilang model."

I wear a simple white dress and a pair of flat shoes. I also tied my hair in a messy bun and put a light make up. Isinukbit ko na ang bag ko tsaka naglakad palabas.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng building ay nanlamig talaga ako, hindi ko alam kung sa aircon ba o dahil sa kaba. Pakiramdam ko nga ay ang dugyot ko dahil hindi naman ako masyadong nagpaganda. Still, I tried to keep myself natural and wear a smile. Nagtanong pa ako kung saan ang room ng interview at sinabing sa second floor, pangatlong pinto.

Bumungad sakin ang maraming aplikante kaya naupo na lang ako at naghintay.

Marami ang lumabas na dismayado ang mukha, siguradong hindi sila natanggap. "Next," rinig kong pagtawag sa loob.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. "First, I would like to inform you that we will take a video recording of your interview because the models are the one who will pick whoever they want to work with."

Ang gara naman pala. Sino kayang pipili sakin?

Nagsimula sila magbato ng mga tanong nung una ay personal details lang hanggang sa palalim nang palalim. "Uunahan na kita hindi lahat ng model dito madaling pakisamahan. Kakayanin mo naman ba?"

Parang nananakot ah, syempre kakayanin ko. Baka Winter 'to.

Nakailang tanong pa sila bago matapos. Naririnig ko pa nga ang mahihina nilang pagtawa sa mga sinasagot ko. Sinabi rin na ie-email na lang ako kung aaklaing matatanggap. I heard those word a lot of times but I need to think positive, baka mas malasin eh. Hanggang sa pag uwi ko dinalahan ko na lang si Mori ng dunkin donuts at ikuwento ang nangyari.

Two days passed. Wala pa rin akong natatanggap na email. Iniisip ko ngang malabo na talaga pero itong si Auntie masyado kasing paasa. As usual, nandito ako sa karinderya para tumulong sa pag aasikaso.

"Ano pong sa inyo?" Abala ako sa paglilista at pagsserve sa mga order nila nang maramdaman ko ang pagkalabit ni Auntie. "Cellphone mo kanina pa tumutunog sa kusina."

Tinapos ko muna i serve yung isang order bago ako tumingin sa kusina.

Email from: adeliamda@gmail.com
To: Winter Rui Licuame

Hi, This is an admin from ADM. You've chosen as a personal assistant of our one male model. Meet him at the restaurant near our building to sign the contract. 8 pm. Please don't be late. Thank you!

"Auntie!!" Nagulat siya sa pagsigaw ko. "Bakit? Anong nangyari?"

"Natanggap ako! May trabaho na ako, 'ti!"

Nagtitinalon kami sa tuwa at agad din kaming napaisip kung sino ang makakatrabaho ko. Hindi naman magiging problema kahit lalaki basta matino 'yung ugali.

Lalayasan ko talaga 'yon agad sinasabi ko na.

Inayos ko muna ang sarili bago pumasok sa restau. Nakakakaba dahil mamahalin 'to at baka magmukha akong ignorante. Luminga linga muna ako sa paligid at hinanap kung nasaan 'yung lalaki, "Here."

I saw a man wearing a black tshirt and a jogger. He's also wearing a cap and shades, and he's kinda familiar. Umupo ako sa tapat niya at napansin ko na 'yung papers na nakapatong sa table. Ang awkward!

"So, what do you want?"

Oh Goodness..

"H-huh?" nagtataka kong tanong.

"Order," tipid niyang sagot.

I was distracted by his deep yet calming tone of voice and take note, his intimidating aura is no joke!

At hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob magsalita, "Uh, I want to know you first."

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. He took off his mask and shades for a minute, and for pete's sake-

He's the one... and only, Qzein Izland Accieta.

Hold on, I really didn't expect that this would happen. I mean, he's way far too much to reach. Ni makita nga sya sa personal ay para ka lang nangangarap na sana umulan ng pera.

I gulped and lowered my gaze.

"Eyes on me. What else do you want, Rui?"

I pursed my lips as my heart stared to pound rapidly inside my chest. And I feel like now, I am in danger.

Dulce Periculum Where stories live. Discover now