Chp 3

4 2 0
                                    


Lumipas nga ang ilang araw ramdam kong nagiging komportable na siya sakin pero hindi sobra, para bang kaibigan na niya 'ko ganon. Masungit pa rin sya at bossy, ang nagbago lang e' nakikipagbiruan na sya minsan.

"Okay, let's take a 15 minutes break."

Pagkarinig ko non ay lumapit ako sa kanya. "Gusto mo ba ng malamig? Ibibili kita sa labas."

"No, just hand me the towel."

Pinagmamasdan ko lang siya pero agad ding nabawi nang marinig kong tawagin ako ng ibang staff. They showed me some of outfits that could be a sub if ever Qzein won't like the first choice.

This one is great..

Also this one..

"Miss Winter, ito na lang kaya?" sabi ng isang babae habang nakaturo sa damit na nasa dulo.

Tama, bagay nga sa kanya 'yan!

Tiningnan ko ng buo ang damit at kung susuotin niya 'to, sigurado akong medyo exposed ang dibdib nya dahil kailangan unbuttoned ang tatlo nitong butones.

Pumili rin kami ng pang ibaba at inaayusan na siya ng make up artist pagbalik ko.

"Which one do you like? Itong first choice o itong sub?" I asked.

He pursed his lips while thinking. "The second one, Rui."

I felt my cheeks flushed.

Tumalikod ako agad pagkaabot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nag rereact ako sa tuwing tinatawag niya ako sa second name ko, nakakapanibago kasi! Siya pa lang ang naging komportable tawagin ako ron.

"Chin up! and look to the left."

Napalunok ako ng sunod-sunod niyang ginawa ang sinabi ng director. He's indeed a breathtaking view!

Natapos ang shoot na halos lahat kami rito ay manghang-mangha sa itsura niya.

"Ayos ba?"

Ayan na naman siya! kung pwede lang irecord 'to gagawin ko na ngayon.

Tumango ako at inabutan siya ng tubig. "Mukhang sanay ka naman mag tagalog tapos panay ka english sakin!"

"I'm not a pure Filipino, Rui. Hindi ako sanay."

Habang naglalakad kami palabas iniisip ko pa rin ang sinabi niya. As usual, siya ang nasa driver seat at bago ako umupo sa tabi niya, Inilagay ko muna ang ibang gamit sa likuran. I stared directly to his amber eyes. "U-uhm, Ano palang lahi mo? I mean, are you mixed or what?"

He smiled a little. "I'm a pure Italian."

Wow.. Alam ko namang hindi talaga siya Filipino pero hindi ko naisip na italian siya. Ang nasa utak ko e' posibleng american, o korean o 'di kaya french?

"Amazed, huh?"

"I just didn't expect it. Wala sa mga choices sa utak ko eh," saad ko na ikinangiti na naman niya.

Akala ko didiretso na kami ng uwi pagabi na rin kasi pero heto kami sa Mall. He told me he wanted to eat but he can't think of any so I suggested Mang Inasal.

"Mang- What?" kunot noo pa nyang tanong.

"Inasal. Hindi mo ba naririnig 'yon kahit saan?"

He looks like thinking, "I do heard it before and I knew that was a restaurant. But, I haven't tried it."

Halata naman.

Andami niyang inorder sigurado akong may matitira. We just ate silently and I'm also watching him if he will like the food. And he does.

"I want... another rice."

Goodness, he's cute!

Tinawag ko 'yung crew na nag aabot ng unli rice at nagpalagay ako sa plato namin. "So, that's how it works.."

"Kanina ka pa gumaganyan para kang ignorante," pang aasar ko pero hindi niya pinansin.

Naglilibot kami ngayon hindi ko nga alam kung may specific ba syang bibilhin kasi wala raw syang makitang gusto niya. May nakita akong stuff toy sa blue magic kaya wala sa sarili akong pumasok doon. Dinampot ko si rainbow dash 'yung sa little pony, paborito kasi 'yon ni Mori. Nagulat ako nang bigla niyang kunin 'yung mas malaki non.

"For your little sister, right?" tanong niya kaya tumango na lang ako.

I was about to tell him not to buy it but too late, he already gave it to the cashier.

Nakangiti akong lumabas doon habang nakatingin sa paper bag, excited na akong ibigay 'to sa kapatid ko. Sigurado akong tuwang-tuwa iyon.

"Thank you pala rito, ha? Ikaltas mo na lang sa sahod k-"

Mahina niyang pinitik ang noo ko, "Silly. It's on me don't worry. Your sister is cute and so as you when you smile like that."

"Wews, close tayo?"

Hindi nya na pinansin 'yon at nauna nang maglakad. Papunta pa lang kami sa parking lot nakakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan.

He was about to hop in but stopped just to check on me, "Something's wrong?" he asked.


Umiling ako at sa dahil nakaharap siya sakin nakita ko sa malayo ang isang hindi kilalang lalaki, hindi ko nakita ang itsura dahil bukod sa madilim may suot din siyang mask. Natauhan nalang ako nang inamba niya ang hawak niyang dos por dos na sana'y tatama sa likod ng lalaking nasa harap ko.

Wala sa sariling niyakap ko sya para ipagpalit ang pwesto namin. I felt him shocked while I'm waiting for something hit my body.. but then I feel nothing. Narinig kong tumama 'yung kahoy pero hindi sakin, pinilit kong tumingin at halos maiyak akong makitang sinangga niya ang braso nya para hindi humampas sa ulo ko.

"Q-qze.."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Dahan dahan niya lang akong inilipat sa likod niya at hinarang niya ang isang kamay sa gilid ko. "Stay here and don't do anything."

Sumugod ulit ang lalaki samin pero bago pa man sya magtagumpay, nasaktan na sya. Qze hit him on his stomach and grab his shirt as he keep on punching that bastard's face. Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari dahil halos pumikit ako sa sobrang kaba. Napaupo ako habang hinihintay kung ano man ang mangyari hanggang sa may kamay na humawak sa mga braso ko.

"Are you okay? Are you hurt? Tell me.."

I opened my eyes and saw him looked so worried. "A-ayos lang ako, w-walang masakit.."

I saw the guy who attacked us laying on the floor with his own blood.

Ambilis ng mga nangyari.

"You're shaking... He's not dead, calm down."

Hindi maalis ang kaba ko ramdam ko rin na iiyak ako. "Rui, listen to me. Nandito ako, tapos na wala na.."

He pulled me for a hug and that moment I stopped shaking and all my worries leaves my head, I felt safe. This man saved my life.

Kinamusta nya ako kahit sya naman talaga ang target, kahit na sya ang sinaktan.

Nasa loob lang ako ng kotse habang kinakausap niya ang mga pulis sa labas.

"Ayos ka na? Do you want to go home? Ihahatid na kita."

Tumango na lang ako at narinig na nakahinga naman sya ng maluwag. Ngayon ko lang naalala ang braso nya kaya agad kong inabot 'yon. Namumula at may pasa.

"I-i'm sorry.. M-masakit ba? Huminto ka sa convenience store mamaya, b-bibili ako ng gamot.."

"I'm fine, it doesn't hurt that much, okay?" pilit niya pa pero hindi naman ako papayag na uuwi syang ganyan.

Buong byahe iniisip ko 'yung nangyari pero hindi ko ipinahalata sa kanya. 'Yung sugat niya, 'yung pagprotekta niya sakin kanina ang bilis non, kung paano niya pinatumba 'yung lalaki.. Para bang sanay na sya.

Pinikit ko ang mga mata ko ang haba ng araw ngayon, gusto ko nang makita ang kapatid ko. Gusto ko na umuwi.

Dulce Periculum Where stories live. Discover now