Chp 4

4 2 0
                                    

"Mabuti na lang pala nandon ang knight in shining armor mo!" ani ni Ciel.

Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari nung nakaraang araw at imbis na mag alala sya, hayan at kinikilig pa sya. "Kung ano-ano na namang sinasabi mo dyan, alam mong wala akong panahon sa ganyan."

"Tanda mo na nbsb ka pa rin, mag enjoy ka naman baka tumanda kang mag isa!" pang aasar nya. Inirapan ko na lang sya at binaling ang atensyon sa pagtitipa sa laptop.

Eh ano kung tumanda akong mag isa? Kaya ko naman ang sarili ko.

Nagpaalam na kami sa isa't isa bago ko tinahak ang daan papunta sa condo ni Qzein. Bumili na rin ako ng lunch dahil alam kong hindi pa kumakain ang loko.

I carefully put the food on the table and to my shocked, I saw him again topless! He's doing his exercise routine!

Hindi ko alam kung matagal ba akong napatitig sa katawan nya pero hindi agad ako nakaiwas. Mabilis akong tumalikod sa pagkataranta.

"A-ano ba!? Sana man lang nagsalita ka dyan para hindi ako nagugulat!" singhal ko.

"Don't overreact. Aren't you used to see me like this?"

Sa pagsasalita nya parang wala lang sa kanya. "Bakit ko naman sasanayin ang s-sarili ko? Babae pa rin ako 'no!"

"Chill, Rui. It's just my top and it's not like I would do something to you," he claimed.

Malay ko ba 'di ba?

Nagsuot sya ng t-shirt tsaka umupo para kumain. Inayos ko 'yung mga labahin nya, nagpalit na rin ako kurtina at sofa sheet. Nung makita ko syang tapos na kumain, nagpatulong din ako sa pagtutupi ng bedsheet para sa kwarto nya dahil sya naman ang mismong magkakabit non, ayaw nyang may pumapasok sa kwarto nya.

"Hawakan mo sa kabilang dulo, ambigat kaya" utos ko sa kanya.

Itinali ko saglit ang buhok ko bago ko tupiin ngunit naputol nang hatakin nya ang sheet dahilan para mapunta ako sa kanya.

I looked directly to his eyes but I can't name the emotions shown. I don't know if I'm just being delusional or his face is leaning towards mine?

"Bro!!"

What the—

"Oh, something's going on here.."

Napapikit ang lalaki. "Damn. Can't you knock before entering my place!?"

"Hindi naman namin alam na may ginagawa kayo," sabi ng isang lalaki bago ako tapunan ng tingin.

Bakit parang iba ang meaning ng salitang ginagawa sa kanila? And who the hell are they??

Para akong nanliit dahil nakapalibot sakin ang tatlong mga lalaking 'to. Hinigit ko na ang sheets tsaka ko ibinalik sa basket, bahala na sya mag ayos nyan!

"Oh, I guess you're his assistant, right? By the way, I'm Russle and this guy beside me is Daewi."

Tumango ako. "Yeah, I'm Winter."

Ipaghahanda ko sana sila ng kape kaso ayaw daw. Kung titingnan ko 'tong dalawa, parang may mga lahi rin.

"Baka matunaw kami nyan," saad nung Russle.

Ganon na ba ako katagal nakatingin?

"S-sorry.." Rinig kong tumawa sya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Napapitlag ako nang maramdaman ko si Qze sa gilid ko. "Did they make you uncomfortable?"

Umiling ako, "Hindi naman." Nagkatinginan ang tatlo na para bang nag uusap sila na hindi ko maintindihan. Lumayo ako ng kaunti at pumunta sa kusina, kunwari'y may inaayos. I can't stand them, awkward!

Dulce Periculum Where stories live. Discover now