Chp 2

5 2 0
                                    


I really adore how the sun rises itself to
show us hope day by day. With that, I can clearly saw everything in line even the positive or negative ones. It produces serotonin that boost my mood everytime that I felt like healing.

Mula sa itaas, alam kong tinatanaw kami ni Papa.

"Ate, tara na po baka malate ako!"

Iwinaksi ko na sa utak ang iniisip ko. Kinuha ko na ang bag namin pareho at maglalakad ng sabay papasok.

Mori's smile is one of the most beautiful sight I've ever seen. My sister is just so precious.

Ang liit niya at ang ganda.

Bago pa man ako makaisip ng panibago, napagilid kami nang may sasakyang pumarada sa tabi. Agad ko itong pinasadahan ng tingin, mamahalin, makintab at malinis. Mukhang alam ko na.

Ibinaba niya ang bintana at doon ko na nakumpirma. "Morning.."

Shet.

"A-anong ginagawa mo rito? Baka may makakita sayo," halos pabulong ko nang sabi.

"Hop in."

Hindi man lang pinansin ang sinabi ko?

Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ng batang hawak ko. "Hi kuya, ang gwapo niyo po pala talaga sa personal! Pwede pong picture tayo?"

Malabo 'yan, sis. Arte-arte niyan.

"Thank you, kid. Sure, let's take a picture here inside."

Parang nagningning ang mata ng kapatid ko kaya wala akong nagawa kundi sumunod at hatakin ang pinto. Ako ang nasa passenger seat, dumungaw naman si Mori mula sa likod dahilan para magtabi ang mukha nila ng lalaki.

Natulala pa ako ng saglit pero hindi ko ipinahalata. Ang cute nilang dalawa!

"Thank you, kuya pogi!"

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Qzein kaya bigla akong tumagilid at napahawak sa leeg. Ang gwapo nga.

Isa pang ngiti diyan baka panawan ako!

"Rui, we're here."

Agad akong bumaba, rinig ko pa ang pagtawa ng kapatid ko. "T-thank you sa paghatid.."

"Yeah, go and I'll wait for you here."

"Ha?"

"Ate, ihahatid ka rin daw niya! Ang hina mo naman po eh," saad ni Mori sa gilid ko.

Mahina ko siyang siniko at dali daling inihatid sa gate. Hinalikan ko siya sa pisngi kasabay ng palagi kong paalala sa kaniya.

Ilang beses akong napalunok habang pasakay. I can no longer think of any topic, parang nahihiya ako na ewan!

"She's cute."

"Huh?"

Kunot noo siyang tumingin sakin, "Rui, you look stupid."

Natauhan ako bigla, Ang kapal ng mukha nito ah tinatanga ba naman ako?

"Inaano kita?"

Umiling lang siya kaya hanggang sa makababa ay hindi ko siya pinansin. Pakiramdam ko ay pinagt-tripan ako ng lokong 'to ngayong araw. Dumaan muna kami sa studio para tingnan 'yung mga photo shoots niya nung nakaraan, pati na rin pag usapan ang mga upcoming projects niya.

Sa dami ng gagawin nya sa buhay, ni hindi ko siya nakitang problemado. Palagi lang siyang kalmado pero malamig ang awra, mysterious nga kumbaga.

"Everything is good but uhm, can't we really take another shot? someone suggested it and I think you're better with this category," saad ni direk.

Dulce Periculum Where stories live. Discover now