WARNING! This part contains mature scenes that are not suitable for young readers. Reader's discretion is advised.
ONE SHOT STORY #3
~~~
Tahimik akong naglalakad dito sa madilim, tahimik at abandonadong daan ng kalye trese. Walang masyadong dumadaan dito dahil sa kumakalat na mga sabi-sabing nakakatakot ang daang ito .
Madami na ang mga hindi inaasahan at kababalaghang nangyari dito. Marami na ang mga ginahasa dito noon, ninakawan, binugbog, tinatakot at higit sa lahat pinapatay kaya wala ni isa ang nagtatangkang dumaan dito maliban sakin. Matapang kasi ako!
Hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi nila, baka nga gawa-gawa lang nila 'yon para may ika marites sila. Maniniwala lang talaga ako kapag may nangyari na sa akin dito pero imposible.
Matagal na akong dumadaan dito at salamat sa diyos wala pang nangyayaring masama sa akin. Pinili ko 'ring dito dumaan dahil tanging ang daang ito ang shortcut para madali akong makauwi sa boarding house na tinutuluyan ko pagkatapos kong magtrabaho sa bar. Ang layo kasi ng lalakbayin ko kung sa Sta. Ana Street ako dadaan. Kailangan ko pang mag commute at ayaw kong magbawas ng sahod dahil nagtitipid ako.
Hindi kuripot ka lang talaga! Pati nga inaanak mo bente pesos lang bigay mo tuwing Christmas at New year!
KAKALABAS ko lang sa Honeys Bar na pinagtatrabahuan ko at pauwi na ako ngayon sa bahay na tinutuluyan ko. Alas diyes na ng gabi at malapit ng mag alas onse.
Kagaya ng nakasanayan ay ako parin mag isa ang naglalakad sa daang ito at wala akong kasama. Nakakapanibago dahil kakaiba ang pakiramdam ko ngayon dito. Naninibago ako. Pakiramdam ko kasi may nagmamatyag sa akin ngayon habang naglalakad ako.
Baka kakanood ko lang to ng mga gore movies at horror movies kaya kung ano-ano na nararamdamam ko. Baka nga!
Hindi ko alam pero mas maayos kong bilisan ko ang lakad ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pilit pinakalma ang sarili at sinasabi sa sarili na baka guni-guni ko lang iyon. Siguro tinamaan lang ako ng kaunti sa alak na ininom ko kanina sa bar kaya kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko ngayon.
Agad akong napatingin sa likod ko ng biglang may natumbang isang bagay sa likod ko dahilan para gumawa ng ingay. Agad na naman akong binalot ng takot.
"Tanginang basurahan naman yan!" Inis akong napatingin sa mga nangangamoy na basura.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa takot at gulat. Ang lakas ng kabog nito at pinagpapawisan na ako.
Napasign of the cross muna ako bago tinalikuran ang natumbang bagay at nagsimula ng maglakad.
Magkasiklop ang dalawa kong palad na nasa may bandang dibdiban ko. Ramdam ko ang panginginig, paninigas at paginaw ng kamay ko dahil sa kaba.
Marahan lamang ang mga lakad ko pero sinisigurado kong malaki ang mga hakbang na ginagawa ko. Hindi ako mapakali kaya palinga-linga ako sa buong paligid na binabagtas ko.
Biglang umihip ang marahan pero maginaw na hangin dahilan na magtayuan ang mga balahibo ko. Natatakot na ako. What if totoo talaga ang mga sabi-sabi tungkol sa daang ito. At what if isa ako sa mga masasali sa mga taong nabiktima rito?
No! Hindi! Hindi totoo ang mga sabi-sabi! Echos lang nila yun para matakot ang dadaan dito!
Naiihi na ako sa takot. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang gusto ko na lang mangyari ay ang makaalis na ako sa kalyeng ito na walang masamang mangyayari sa akin. Gusto kong matapos na ito.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES [ALL GENRES]
Short StoryREMEMBER! This book is intentional for One Shot Stories only. Enjoy reading mwa!! 💋