"Just for Fun"

27 3 0
                                    

ONE SHOT STORY #2

~~~

Nasa isang amusement park ako nang makita ko ang psychic machine na ito. It's basically an arcade game kung saan patutunayan mo na mali lahat ang hula ng psychic master pero kapag natalo ang character mo, may card na lalabas sa machine kung saan may spell na ica-cast para sa iyo ang psychic master.

Just for fun, naisip kong subukan ito bilang katuwaan lang.

Pahirap nang pahirap ang bawat stage pero na e-enjoy ako dahil ang cool ng game. Nasa last at pinnacle stage ako ng game nang bigla akong ginulat ng mga kaibigan ko.

"Shit! Aghh!!! Andrei, wag ka ngang manggulat, natalo tuloy ako. Arghhh!! Nakakainis ka talaga! Papansin" Naiinis at pinagsasapak ko si Andrei sa braso niya. Tumawa lang naman sila na kinairap ko.

Natalo ako kaya nag-cast ng spell ang psychic master.

"Spirits will follow you, terrify and kill you within a day."

Napatawa naman ako ng mabasa ang nakasulat sa card. Idinaan ko na lang ito sa tawa dahil alam kong laro lamang ang card, maging sila Andrei ay nagtawanan at pabiro pa akong tinakot.

Tsk, what a joke

Hindi ko sinasadyang nasulyapan ang tagiliran ng arcade machine. Nanginig ang buong katawan ko nang mapansin kong hindi ito nakasaksak sa outlet.

Masyado na akong nabagabag at natakot ng pangyayaring iyon. Hindi ko lubos maisip kung paano gumana ang machine na iyon na walang kuryente.

Dahil doon, naisip ko nang umuwi ng maaga. Nawalan na ako ng ganang sumama sa mga kaibigan ko dahil pakiramdam ko may kakaibang nangyayari sa paligid ko.

Habang ako ay papauwi ay hindi ko matanggal sa isip ko ang nangyari.

Tanginang psychic machine na 'yon.

Alas diyes na ng gabi noon. Napansin ko na ako lamang ang naglalakad sa mahabang covered walk na iyon pagkalabas ng amusement park.

Napatili na lang ako ng biglang isang itim na pusa ang bumungad sa harap ko at dumaan. Napatakbo ako sa pagkagulat at takot. Siguro dahil may pagka-mapamahiin din ako kaya iniisip kong may ibig sabihin ang pagsulpot ng pusa.

Binilisan ko lalo ang lakad ko at pinanlakihan ang mga hakbang. Pakiramdam ko kasi, napakalayo pa ng lalakarin ko papunta sa daan kung saan ako makakasakay ng taxi.

Natigilan ako sa paglalakad ng may marinig akong mga footsteps sa likuran ko. Nilingon ko ito sa pag-aakalang may makakasama na ako sa paglalakad pero mas lalo lamang nanginig ang laman ko sa takot ng wala akong nakitang tao.

Dinoble ko ang bilis ng aking mga hakbang. Patakbo-takbo kong binagtas ang aking dinadaanan. Humihinto lang ako kapag medyo hinihingal na.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng makalakas na ako. Huminto ako sa ilalim ng street light at nagpasyang magpahinga muna saglit. Maliwanag ang street light kaya nabawasan kahit papaano ang takot ko. Naisip ko na kung may lalapit man sa akin, madali kong makikita dahil maliwanag.

Palinga-linga ako sa paligid. Nang makumbinsi ko ang sarili ko na maaring guni-guni ko lang ang lahat, tumuloy na ako sa paglalakad.

Hindi pa man ako nakakalayo sa street light ay kumurap-kurap ito na parang mapupundi na ang bombilya. Kumaripas uli ako ng takbo.

Mabuti naman at sa wakas ay may dumaang taksi sa aking harapan kaya dali-dali ko na itong pinara. Nang huminto ito sa harap ko ay nagmamadali akong sumakay dito.

"Manong sa Condominium Davao lang po" agad kong sabi sa driver na hinihingal.

"Bakit kayo hinahabol ng mga 'yon, ma'am?" Tanong sa akin ng driver pagkatapos pasibarin ang taxi.

"Sinong 'yon ho?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Yong dalawang lalaki ma'am"

Agad bumilog ang dalawang kong mata. Sa sinabi ng driver ay nagtayuan uli ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

~~~

A ONE SHOT STORY by
Mizz H

ONE SHOT STORIES [ALL GENRES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon