CHAPTER 1

2 0 0
                                    

Nakaramdam nanaman ako ng pagkabagot dito sa bahay habang nanonood ng teleserye sa sala kasama ang kaibigan ko kaya naisipan ko nanamang lumayas kasama siya. Hindi literal na layas, chill lang.

"ayy ang boring naman here sa bahay, ano ba yan!" reklamo ko kasabay nun ay binatukan ko ang kaibigan kong nasa tabi ko lang rin.

"hoy! ano bang problema mo priyaanaaa" kunot noong reklamo niya. "nananahimik yung tao dito tapos babatok-batukan mo lang" dagdag niya at umalis sa kinauupuan niya na masama ang tingin sa 'kin. Aba kasalanan ko pa? Oo Priyana tama yan, kasalanan mo naman talaga.

"sorry na eh" sabi ko na parang ako pa yung may inis.

Tiningnan lang ako nito bilang sagot.

"ayy ewan ko sa' yo, hintayin mo 'ko may kukunin lang ako, labas tayo" pagyaya ko sakanya na wala sa modong nakatingin sa' kin.

"sige na, bilisan mo" bilin niya at tumalikod sabay labas.

Nakita ko siyang umupo sa balcon bago ako nakapasok sa kwarto.

***

"hoyyy maria priyanaa ano na? may mas matagal pa ba diyan?" pasigaw nitong tawag sa'kin. "sabi mo may kukunin ka lang pero bakit parang dinaig mo pa yung pagong ng kapitbahay niyo?" dagdag niya pa.

"oo na! ito na maria ziriyahh, parang ano naman 'to" sigaw ko din pabalik at lumabas, dinaanan ko na rin si mama sa kusina para makapagpaalam.

Ganyan lang talaga kaming dalawa parang mga aso' t pusa.

"oy mama aylabyu!" bati ko sabay halik sa pisngi niya. "lalayas ako ma, dyan lang sa tabi tabi, babalik rin ako latur muah" dagdag ko.

"oh siah, lumayas ka, ingat ka priyana ha" biro nito na para bang tinataboy ako.

Hindi, overthinker lang talaga ako. Diyan lang naman ako magaling.

"grabe naman 'to parang hindi pamilya ah. ampon ba ako?" eemote emote kong sambit habang naglalakad kami paalis.

"oh ampon ka din naman diba?" inis kong tinarayan yung biro ng tarantado kong kaibigan.

Magaling din magbiro eh, sagad.

The Stranger That I Only Met Once Where stories live. Discover now