Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming nagtitinda ng mga pwedeng lamunin, agad akong nalandi ng mga binebenta niya. Kaya ano pa bang gagawin ko? Edi magpalandi na rin, tapos landian kami, ay joke.
"oh maria ziriyah anong gusto mo? kwek kwek? fishball? halo-halo? juice? o ako? joke" biro ko sabay tawa. Pati yung nagbebenta nahiya rin sakin eh.
"sige ikaw" banat niya na wala naman pinapakitang emosyon.
Saan ka ba talaga pinaglihi ni tita?
"ha? hakdog, ate dalawang fishball at buko juice po (para matae si ziyah, joke)" utos ko sa tindera, bili pala, sabay abot ng bayad.
Pagkabili namin ay naglakadlakad muna kami dito sa loob ng barangay namin.
"hoy shuta ang sarap ng fishball noooo? parang ako masarap" —oh hindi pa ako natapos magsalita tawang-tawa na ang tarantado.
"oo masarap, masarap akong magluto" natatawang banat ko at hindi sinasadyang mabatukan ulit siya.
Hays, buhay nga naman, parang bilog ang mundo ko sakanya, joke.
"sinasadya mo talaga eh, nakadalawa kana ha, yung panghuli nito ako na" reklamo nitya at gumanti sa' kin at nagpatuloy sa paglalakad.
Ouch. Pain. Hinagpis. Kirot.
"ubos na yung sa' kin" ani niya at tinapon ang basura sa sidewalk.
"ikaw talaga ang tagasira ng ekonomiya ziyah, pulotin mo yan" maawtoridad kuno na utos ko at tumawa kunti.
"ito naman ma'am, biro lang" nagtataray-tarayan pa na sambit niya bago pinulot.
"tara! dun sa waiting shed, sa kabilang kanto ng tindahan ni aling marites, boring naman sa bahay eh" yaya ko at syempre sumama rin, ano pa nga ba.
YOU ARE READING
The Stranger That I Only Met Once
Teen Fiction"The Stranger That Only I Met Once" -plagiarism is a crime @peachesss This story is only composed of few chapters.