Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*
..
Yvonne's POV
Sobrang hiya ko ng malamang nakayakap ako sa kaniya kanina habang nakaunderwear lang.. yakkk.. kakahiya.. kainis..
Naalala ko na kung anong nangyare hindi ako makapaniwalang nakatulog ako habang yakap ni Shenron. Ano ako bata, ang alam ko sa novel lang iyon nangyayare hindi ko ineexpect na mangyayare iyon sakin hahaha. Mahilig kasi ako magbasa ng wattpad isa lang naman akong reader.
Okay back to present..
Naligo na ako bago at ginawa ang usual rutten sa umaga. Dahil nasa bahay lang naman ako sinuot ko ang isang oversized t-shirt at short na above knee. Bumaba na ako at nakita ko si Shenron na abala sa paghahain, nakakatuwa lang isipin na isang Shenron partida boss ko pa huh! Pinagsisilbihan ang kaniyang staff.. nakakakilig pero siyempre one week pa lang siyang nanliligaw sakin mahirapan naman siya bago makuha ang reward. Kahit gusto ko siya ayaw kong ipakita na isa akong easy to get. Kahit nakuha niya na ang pinakaiingat-ingatan kong perlas.. wala eh nakuha niya na, pero mukha namang sincere siya at mahal niya talaga ako kadi hindi naman siya magsasayang ng oras para pagsilbihan ako kung hindi eh di ba?
Napasinghap ako ng bigla siyang lumingon sakin.
"Anjan ka na pala! Tara na kakain, nainit ko na ang ulam nagluto din ako ng sabaw sa meso para makahigop ka kasi magtatanghali na din eh." Ang haba naman ng kaniyang litaniya pero tipid na ngiti lang ang pinukol ko sa kaniya.. wala eh.. kailangan paminsan minsan magpabebe! Hehehe
Pababa na ako ng hagdan na apat na baitang lang pero lumapit pa talaga siya at inabangan ako sa baba habang nakalahad ang kaniyang kamay..
Wow.. gentlemen! Bulong ng isip ko.. baka ngayon lang iyan ah.. baka bukas itapon mo na ako lalo na kapag sinagot na kita.
Ah so may pag-asa?? Tanong ng mahadera kong utak..
Bakit naman wala? Eh tingnan mo nga pawis na pawis na oh kaluluto! Grabe ka wala kang awa.. sagot pa ng isip ko..
Di ba prang tanga lang.. tanong ko sagot ko din..
"Are you okay?" Tanong sakin ni Shenron.. napakunot noo ko.
"Oo naman bakit naman ako hindi magiging okay?"
"Ah, tahimik ka kasi tapos parang wala ka pa sa sarili mo!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Halata ba naay iniisip ako.. oh shit..
"A-ahh.. heheh wala.. wala naman akong iniisip.. " tumango naman siya kahit halata sa mukha na hindi naniniwala.
"Bakit ka nga pala napasyal dito ng napaka-aga akala ko tuloy si Gerald ka!" Nagulat ako ng bigla nitong binitawan ang kaniyang spoon and fork at tumingin sakin.
Anong problema niya?
Tinitigan ko siya, kinuha niya ang tubig at ininum iyon ako naman ay napatingin lang sa kaniyang adams apple na akyat baba habang nilalagok ang tubig. Napalunok din tuloy ako ng hindi sinasadya at napainum din ng tubig. Nakita ko ang pagngisi niya kaya napaarko ang kilay ko.
Ano to mood swing? Kanina parang galit tapos biglang ngingiti?
Hay naku.. may saltik na nga ata ito.. big news iyon..
Magandang gabi bayan isang owner of popular jewelry sa pilipinas Shenron Hanson nasiraan ng bait??
natawa ako sa inisip ko hindi ko naman alam na napahagikhik na pala ako.
BINABASA MO ANG
My Playboy Boss
RomanceIsa sa pangarap ni Yvonne ang makapasok sa isang popular na jewellrey designer at ito ay ang Hanson Company na pagmamayari ni Shenron. Kaya ng malaman niyang hiring ito as Executive Assistant Position of a CEO ay hindi na siya nagdalawang isip na m...
