CHAPTER 16"confusing text"

10K 114 2
                                        

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

..

YVONNE'S POV

"S-Shenron..?" Nabigkas ko na lang hindi ko akalain na nalaksan ko pala ang pagtawag ko dahil bigla itong lumingon. At gulat ang remihistro sa kaniyang mukha.

"Yvonne?!" Tawag niya bago bahagyang tinulak ang babaeng kasama niya at dahan dahang lumalapit sa akin kaya bago pa man siya makalapit sakin ay agad na akong tumakbo. Dahil ang bagal na bumukas ng elevator ginamit ko ang hagdan para mapabilis ang pagtakbo ko, ayaw ko siyang makita mas lalong ayaw kong makita niya akong umiiyak at nasasaktan.

Rinig ko ang mga yabag ng paa ni Shenron, nakakainis lang, bakit niya ako hinabol? Bakit hindi na lang niya ituloy kung ano man ang kanilang ginagawa kanina?

Wala namang kaming label at dahil doon nagpapasalamat ako dahil ngayon pa lang nalaman ko na hindi siya loyal at kontento sa isa. Binilisan ko pa ang takbo ko kahit sobrang hingal na hingal na ako at feeling ko ay bibigay na ang tuhod ko ano mang oras. Panay ang punas ko sa mata ko dahil sa pag-agos ng mga luha ko.

Ano ba! tanginames talaga oh! Wag ka ngang umiyak for goodness sake! Hindi niya deserve iyakan! Sigaw ng isip ko pero parang may sariling utak ang mata ko dahil patuloy pa din ang pag-agos nito.

Malapit na ako sa parking lot pero naririnig ko pa din ang pagtawag ni Shenron sakin.

Bakit niya ba hinahabol? Kung hinahabol niya ako para magpaliwanang. Pwes, wala siyang aasahang second chance. Hindi ako tanga..

Pagod na akong tumakbo kaya halos jogging na lang ang ginagawa ko nanginginig na pati ang mga kamay ko ng mabuksan ko ang kotse ko. Papasok na ako ng bigla akong hawakan ni Shenron at iharap sa kaniya kaya agad kong pinunasan ang luha kong pumatak.  

"Don't touch me Shenron!"

"I can't.. baby i'm sorry.. it's not like that.. she kiss_"

"_i don't need your explanation Shenron.. oo nga pala naparito ako para sabihin sayong stop courting me! Were not suitable to each other.. bye!" Taas noo kong sinabi ang mga katagang iyon, nakaangat ang mukha kong hinarap ang bawat titig niya na tila hindi ako naapektuhan sa mga nasaksihan ko kahit na durog na durog ang puso ko sa nakita ko dahil kahit wala pang kami ay minahal ko na siya.

Nakita kong hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya sa mga narinig niya mula sakin, hindi na niya ako nagawang pigilan hanggang sa makasakay at makaalis na ako, nagawa ko pang tumingin sa side mirror at para siyang tangang naestatwa sa pagkakatayo doon.

Nakakatawa lang isipin na hindi pa nga nagiging kami game over na agad? Kasalanan naman niya kung bakit kami naging ganito.

Ang sakit pala.. kase hindi pa nga kami nangbababae na siya what more kapag naging kami na?

Napailing na lang ako.. panay pa din ang tingin ko sa cellphone ko naghihintay ng message at call ni Shenron para magpaliwanag siya sakin. Pero bakit hanggang ngayon walang text man lang kahit sorry?

Meessssaagggeee... (Ringtone)

Dali dali kong inopen ang text kasi unknown number ito, inisip kong si Shenron ito pero..

Napangiwi ako.. ano to?

Unknown number

Help me! Please!!

Sino kaya tong humihingi ng tulong! Inisnab ko na lang kasi naalala ko nung nakaraang linggo pa ito nagchachat sakin hindi ko lang pinapansin kasi baka mamaya scam lang ito. Marami pa naman ang nababalitang nagkalat daw ang mga scammers. Bahagya pa akong natawa kasi ano naman ang maiiscam nila sakin eh wala din akong pera.. hahaha

My Playboy BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon