CHAPTER 24 "RESCUE"

10K 111 4
                                        

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*


..

SHENRON'S POV

"Execuse me!" Giit namin nangunguna si Christian at Harry para hawiin ang mga tao na nasa pinto. Malapit na kami ng marinig ko ang sigaw ni Yvonne na umiiyak kaya agad akong tumakbo at nakipag unahan kay Christian at Carlo ganun din si Gerald. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, ying tipo na dati hindi ako marunong magdasal pero ngayon ewan ko ba lahat na yata ng santo nabigkas ko na.

"Ate!!!" Rinig ko pang sigaw ni Yvonne, pagbungad na pagbungad ko pa lang ay kita ko na si Yvonne na nakalupagi sa sahig habang hawak hawak ang ulo ng kaniyang ate.

"Yvonne!!" Nag-aalalang sigaw ko agad ko siyang inalalayan habang sila Christian naman ay agad na pinulsuhan ang narinig kong ate ni Yvonne. Hindi ko alam na may ate pala siya ngayon pa lang.

"Buhay pa siya may pulso pa, tumawag na ba kayo ng ambul_"

Hindi na naituloy pa ni Gerald ang sasabihin ng marinig namin ang tunog ng ambulansiya pati ng pulis.

Awang awa ako kay Yvonne dahil para siyang lantang gulay, haggard na haggard at duguan ang kaniyang damit pati ang kaniyang katawan.

Umakyat na ang mga pulis at mga nurse pinagtulungan nilang isakay sa stretcher ang tatlong sugatan. Naiwan si Yvonne dahil kailangan siyang tanungin at imbistigahan ng mga pulis.

May mga witnessed naman at may ipinakitang video si Yvonne na nakalagay sa kaniyang jacket ang isang hidden camera. Pati na ang mga message sa kaniya dalawang buwan na ang nakakalipas pati ang call nito kahapon at marami pang iba.

Matapos ang lahat ay sinamahan namin si Yvonne na pumunta sa hospital kung saan nadoon ang kaniyang ate pero pinaligo at ipinagpalit muna namin siya ng damit. I mean si Gerald pala ang nag-asikaso sa kaniya kasi ayaw niya akong kausapin at ayaw niya akong tumabi sa kaniya ni ayaw nga niya akong makita. Masakit iyon pero dahil may pinagdadaanan siya kaya hindi na lang ako nagsalita. Nasa hospital kami ng mga oras na iyon okay na ang ate ni Yvonne na nakilala kong Kara. Hindi naman daw tinamaan ang ano mang ugat at malayo daw sa puso ang tinamaan ng baril kaya safe ang ate nito. Meron lang itong trauma dahil sa asawa nito pero kailangan lang daw nito ng teraphy para gumaing na ng tuluyan. O-obserbahan pa daw ito at kapag okay na ay pwede na namin itong i-uwi.

YVONNE'S POV

Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil ligtas na ang ate ko, akala ko ay habangbuhay kong hindi mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyare.

Kung hindi lang sana ako nagpadalos dalos eh di sana hindi ngayon nakaratay sa hospital si ate!

Kung sana ay hindi ko na binuksan pa ang cellphone ko eh di sana hindi nakuha ng galunggong na yon ang baril na hawak ko!

"Yvonne kain ka muna!" Napairap ako ng makita si Shenron na may dalang sinangag at tocino.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Paborito mo eto oh! Kumain ka para may lakas ka!"

"Sorry pero hindi ko na iyan paborito.. isa pa! Wala akong gana dahil busog ako.. isa pa wag mo na akong bibigyan ng kahit ano dahil kahit gutom ako o paborito ko man iyan never ko iyang tatanggapin.. kainin mo na lang!" Galit na singhal ko sa kaniya.

Isa pa siyang walanghiya! Wala siyang pinagkaiba kay Ronald mga demonyo. Pinalis ko agad ang nagbabadyang luha sa mga mata ko dahil hindi niya deserve iyakan.

"Bakit ka nga ba nandito? Baka mamaya hanapin ka pa ng future wife mo ako ang pagbuntungan at mapagkamalan pang kabit mo! Kaya pwede ba lumayo layo ka sakin?" Hindi ko na napigilang isumbat sa kaniya actually gusto ko siya saktan para mabawasan kahit papaano ang nraramdaman kong sakit pero wala akong karapatan.

My Playboy BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon