CHAPTER 18"new friend"

10.6K 108 6
                                        

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

..

YVONNE'S POV

Naging busy na si Shenron sa pagreview ng mga documents at projects proposal na gaganapin at pag-uusapan ngayon. Hindi ko alam ang nangyayare pero palagi na itong nakatutok sa mga papel, sa computer hindi ko na din ito nakikitang pagala gala sa labas ng kaniyang office. Minsan tumatanaw ako sa kaniyang opisina at nandon lang ito, lalabas man ito palagi namang nakabuntot sa kaniya si Sammy which is nasusuka ako especally when she call Shenron bhabe! Pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko sa galit at sakit na nararamdaman ng puso ko.

Tsssk.. hindi man lang nagreklamo o sininghalan ng gago.. ibig sabihin gusto din..

Napag-alaman ko din sa mga chismosa kong mga katrabaho na palagi itong nag-oovertime at hinihintay ang kaniyang kuya David at sabay silang lumalabas ng company. Himala talaga kasi naging workaholic siya.

Nagbago na talaga siya, ano iyon after one day nagising na lang siya na naging matured na ang utak? Ano kayang pinakain ng Sammy na iyon kay Shenron at naging ganito eto ka-workaholic hindi naman ito ganito dati. Pero mas mainam ng maging workaholic siya kesa maging womanizer siya.

Tsskk.. hindi pa ba siya womanizer sa lagay na yan? Tingnan mo nga Sammy call him bhabe.. tsssk.. how about you? Pangaral ng utak kong epal.

Dahil ako ang Assistant ni Shenron ay alam ko ang kaniyang mga schedule. He has 2 meetings today at sobra talaga akong kinakabahan kasi i-me-meet up niya ang ilan sa mga investors namin ngayon. At ako talaga ang kinakabahan para sa kaniya ngayon. Gusto ko siya tanungin kung nakapaghanda na ba siya, kung kaya ba niya, hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero hindi lang kasi ako sanay na makita siyang sumama sa mga meetings at sa ilang buwan ko na dito ay never siyang umattend ng meeting kahit makinig ay hindi. Tapos ngayon unang salang niya palang i-me-meet up niya agad ang mga investors?

Can he really do that?

SHENRON'S POV

Ngayon ang araw ng meeting ko with investors kinakabahan ako natural lang iyon lalo na at first time ko itong gagawin pero dahil i'm the C.E.O of this company i need to be confident waering a serious and no emotion look para maging kagalang galang at presentable akong tingnan kapag humarap na ako sa kanilang lahat mamaya.

Ngayon ay mga basics pa lang ang alam ko about sa project na gaganapin ngayon pero sisiguraduhin kong masasagot ko lahat ng katanungan nila dahil pinaghandaan ko na ito kagabi ng dumating ito sa akin.

Nakapagtanong na din ako kay David about this at sa pwede nilang itanong sakin kaya i'm very aware sa mga owede nilang ibatong tanong sakin mamaya.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng magsalita si Yvonne na ngayon ay nasa harap ko na.

"Execuse me Sir Shenron!" Tiningnan ko siya ng diretso sa kaniyang mata gaya ko ay wala din siyang emotion na makikita sa kaniyang mukha. She was so serious na nagpadagdag lalo ng kaniyang karesma, she was so hot and georgeous!

"Your meeting with investors will be start at 30 minutes from now, be ready and good luck!" Matipid na ngiti niya, eto na naman siya. Bumalik na naman siya sa pagiging robot na tipid ngumiti yong tipong halatang napipilitan lang.

Napatingin ako kay Sammy ng tawagin nito si Yvonne. Muntik ko ng makalimutan na nasa right side ko nga pala si Sammy masiyado akong naging busy sa pagtitig kay Yvonne.

"Ms. Yvonne you need to be there right?" Tumango lang ito na walang kaexpre-expression ang mukha.

"Are you aware of the meeting later?" Napakunot ang noo ko sa pinagsasasabi itong babae na'to pero nakita kong tumango uli si Yvonne bago tuluyang lumabas ng walang sinabing kahit ano, tanging tango at yuko lang ang sagot nito sa amin. Gusto ko sanang matawa dahil parang umuusok na ang ilong ni Sammy sa hindi pagpansin ni Yvonne sa kaniya. Pero pinagkibit baikat ko na lang dahil kailangan ko ng pumunta sa conference room.

My Playboy BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon