Chapter 5: BROMANCE

18 1 0
                                    


Nagising ako na bukas pa rin pala ang TV. Nakatulog na pala ako hindi ko man lang namalayan.


Pinatay ko ang TV at saka tumayo sa pagkaka-salampak ko sa sahig ng kwarto ko.


*yawn


"Paano naman ako nakatulog sa lagay na yun?"


Tss..


"Anong oras na ba?"


Binuksan ko ang sarado kung kurtina. Pagabi na?!

Tumingin ako sa wall clock ko. Alas-singko na pala? Haaayyy..


Pumunta akong banyo para maghilamos at nang makapagpalit ako ng damit.

After doing such, bumaba na ako..


Hindi pa pala ako nagluluto..


"Sa labas na nga lang makakain ng dinner."


Parang nalipasan ako ng sobrang gutom, nag-lunch naman ako kanina. Haaayyy.. Madali talagang ma-ubos ang kinain mo kapag natutulog ka.


Uminom muna ako ng tubig bago bumalik sa kwarto ko para kuhanin ang wallet at cellphone ko.

Pagka-baba ko ay pumunta na ako sa mini garage ng bahay ko. Its space is enough to handle one regular car. Kaya lang wala akong kotse kaya sobrang luwang nito para sa motor ko.


Pinindot ko ang red button malapit sa parang doorway ng garage ko para bumukas ito at saka sumakay na sa motor ko at inilabas ito sa garahe. Hinintay ko munang sumara mag-isa yung parang doorway ng garahe ko.


Dumiretso ako sa isang fastfood na malapit sa subdivision na tinitirahan ko.

Isang large fries at isang burger steak lang naman ang in-order ko.

"Here's your order, Sir. Paki-hintay nalang po ang burger steak niyo for 5 minutes and here's your number, Sir." sabi nung babaeng cashier.

Tsk. Ba't sa dinami-dami ng pwedeng number na ibigay niya ba't number 6 pa?! Ba't yung date pa ng pagsagot niya sa akin ng 'oo'?! Fash!

"Problema natin, Bro? Ba't naka-kunot ang noo natin?" Huh?!


Pagtingin ko, may lalaking naka-upo sa tapat ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko.


"Woah, Bro! Don't tell me hindi mo na ako naaalala?! Nagka-amnesia ka ba hah?!"


Binatukan ko siya. May amnesia pang nalalaman eh. Comedy talaga ang trip ng isang 'to.


"Aray!"


I chuckled.


"Bro, you're back! Kelan ka pa dumating?"

"Tss. Well, obviously nandito na nga ako. At kahapon lang ako dumating dito sa Pinas." sagot niya.

Just Another Try (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon