- Kinabukasan . . .
"Oh, Bro? Gising ka na! Ang aga ah? Congrats!" Lyle teased..
Psh. Dati kasi bugnutin ako at walang ibang ginawa kundi mag-utos ng mag-utos. At dati rin, pagka-gising ko handa na lahat. Pero ngayon dahil mag-isa nalang ako dito sa Pinas, kelangan kong maging independent kasi nga wala naman akong made-dependehan kaya kailangan kong gumising ng maaga para ipaghanda ang sarili ko.
"Psh. Nasanay na ako. Patimpla nga ng kape."
"Seriously, Bro?! Utusan mo ba ako? Hindi naman ako nag-apply na katulong mo ah?"
"Tss. Ipagtimpla mo nalang ako. Bayad na rin ng pinakain ko sayo kagabi."
"Ice yan, Bro!" sarcastic na sabi niya pero ipinagtimpla naman niya ako..
"Oh." sabay abot niya ng kape..
"Salamat, Bro."
"Psh."
Pagka-inom ko ng kape . . .
*buga
"Tarantado ka, Lyle!! Ang pait! Takte! Pwe!" pasigaw na sabi ko.
"Hahahaha.. Takte, Bro! Priceless expression! Hahahaha.." tuwang tuwa siya habang sinasabi yan! =___=
"Tapete ka, Lyle!"
"Hahaha.."
"Tsk. Makaluto na nga lang ng kanin at nang makaligo na ako."
"Uy, papasok ka?"
"Obvious ba?"
"Sama ako, Bro! Madaming chicks dun, diba?"
"Langya! Wag na!"
"Salamat! Maliligo na ako!"
At patakbo siyang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ng kuya ko. Kelangan ko nga palang ipalinis yung guest room at buong bahay na din. Dadating nga pala si kuya sabi ni Dad.
Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako para maligo at nang makapasok na ako. Pagkababa ko ay kumakain na si Lyle. Nagluto ata ng itlog?
"Nice, Bro. May alam ka palang lutuin?" tanong ko at napalingon siya sa gawi ko habang ngumunguya siya.
"*munch* Prito lang naman, Bro. *munch*" sagot niya.
"Hahaha.. At buti naagapan mo, muntik nang umitim yang pritong itlog mo at matusta ah?" mapang-asar na tanong ko.
"Psh. Atleast makakain!"
"Hahahaha.. Mapagtiya-tiyagaan!" tawa ko.
"Kumain ka nalang. Gago!" at saka na siya nagtuloy sa pagkain.
Kumain naman na ako at pagkatapos ay dumiretso na ako sa garage ko at kinuha na din ang susi ng motor ko. At dun din naman ipinark ni Lyle yung kotse niya na Ford.
Nakasunod na pala sa akin si Lyle at sumakay na din sa sasakyan niya. Lumingon siya sakin at nagtanong . . .
BINABASA MO ANG
Just Another Try (On-going)
Novela JuvenilA sequel or what-so-ever-you-call-it of the one shot story, "The Untold Words". A sudden change of "I'll try to move on." into "I'll give our relationship just another try." Paul Drave Martinez's Story. AllRightsReserved © 2015