NANDITO ako ngayun sa classroom at walang ka buhay buhay na nakikinig sa Biology subject namin kay si Robles. Mga 1am nung nagising ako dahil sa paulit ulit kong panaginip na iyon, oo paulit ulit talaga dahil gabi-gabi na lamang ay ganuon ang panaginip ko, hindi ko na matandaan kung ilang beses akong namatay sa panaginip ko at hindi na ako nakatulog pa pagkakatapos ng mga iyon.
"Ms. Costalina? Ms. Costalina?" Pagtawag sa akin ni sir Robles dahilan upang magising ang aking diwa. "Kanina kapa tulala dyan, kung wala kang pakialam o gana manlang na makinig sa klase ko, the doors are open at pwede ka nang lumabas" pagpapatuloy nya, "Sorry sir" yun nalang ang nasabi ko ang nagpatuloy na sya sa pagtuturo.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang klase namin kay sir Robles. Kasama ko sir Claire ang ilan sa mga classmates ko ngayun dito sa canteen. "Cass, okay ka lang ba talaga? Kahapon kapa talaga ganyan, sabi mo susunod ka sa canteen pero hindi ka naman pumunta, nag text ako sayu na wala ng pasok at yayain sana kitang pumunta muna sa mall pero hindi ka naman nag reply" mahabang pagsasalaysay nya sa kanyang mga hinaing.
"Pasensya kana Claire, gusto ko lang talagang mapag-isa kahapon tyaka umuwi din kasi ako agad, babawi nalang ako sa susunod" sagot ko naman sa kanya. "Mamayang 2pm diba wala na tayung klase? Mamasyal muna tayu sa mall or kahit saan, deserve naman siguro natin yun" sabi ni Claire na sinang-ayunan naman ng ibang classmates namin. "So ano, g ka?" Tanong nya sa'kin. Wala na akong ibang nagawa kung hindi pumayag.
ILANG minutes nalang may klase na, nagpaalam muna ako kay Claire na susunod nalang ako at maydadaanan muna sa teacher's office dahil pinapatawag ako ni sir Robles. Nang mapadaan ako sa library bigla kung naalala yung librong hiniram ko, hindi ko pa pala nababasa yun tyaka yung letter na naka ipit dun nakalimutan ko ding basahin.
Pagdating ko sa teacher's office ay agad din akong pumasok, bumati muna ako sa mga teachers dun bilang paggalang na djn bagu dumiretso sa table ni sir Robles. "Ms. Costalina, mabuti at nandito kana, hindi na ako mapapaligoy-ligoy pa. Delikado ang grades mo hindi lang sa subject ko kundi pati sa iba naring teachers mo, kung hindi kapa okay because of the incident happened to you a month ago sabihan mo lang kami" mahabang sabi ni sir Robles.
Totoo naman talaga ang sinabi nya, maging ako ay nakakapansin din sa pag iba ng performance ko sa school. Ewan ko ba, after that incident kasi doon nagsimula ang mga panaginip ko kung saan nakikita ko ang sarili kung walang buhay. "Okay na po ako sir, babawi nalang po ako sa mga susunod na araw" sabi ko bilang sagut kay sir at tumango naman sya. Nag paalam na ako sa kanya at lumabas sa teachers office.
PAGKATAPOS ng lahat ng klase ko, agad ding lumapit sa'kin si Claire at ang ilan sa mga classmates ko kasi nga sabi niya kanina "Mamayang 2pm diba wala na tayung klase? Mamasyal muna tayu sa mall or kahit saan, deserve naman siguro natin yun" sabi ni Claire na sinang-ayunan naman ng ibang classmates namin. "So ano, g ka?" Tanong nya sa'kin. Wala na akong ibang nagawa kung hindi pumayag. Kaya nandito kami ngayun sa isang mall malapit sa school namin.
Punta didto, punta doon. Turo dito, turo doon. Bili dito, bili doon. Paulit-ulit na ginagawa namin, ilang oras na kami dito at ang sakit na ng mga paa ko pero wala parin silang kapaguran. Nag enjoy naman ako kahit papaano, madami-dami din akong nabiling libro na tiyak ikagagalit ng kuya ko dahil ubos na ang allowance ko.
Sa dami ng librong dala ko, medyo nahihirapan na din akong dalhin yun dahil sa bigat. "Agatha, punta muna ako ng cr, pahawak naman niyo please" sabi ko sa isang classmate ko at agad naman nya itong tinanggap.
Habang papunta ako sa cr bigla nalang akong nakarinig ng pasigaw "Harangin mo!" Sigaw ng isang lalaki sa akin dahil may isa ding lalaki na papatakbu papunta sakin. Teka, magnanakaw ba to? Agad namang nag react ang katawan ko at iniharang ko ang paa ko sa dadaanan niya dahilan para matumba sya.
YOU ARE READING
Memories Of The Past (Time Traveler #1)
Historical FictionDo you believe in reincarnation? Mga taong paulit-ulit na pinapanganak sa magkakaibang panahon. Mga taong nais ipanganak ulit dahil sa iba't-ibang kadahilanan. Paano kung magawa mong maalala at mabalikan ang dati mong buhay, maranasang muli ang masa...