NUNG araw ngang iyon ay umalis na sila Marisa, akin pa silang sinamahan papunta sa pantalan kung saan sila sasakay ng barko patungo sa kanilang pupuntahan.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, Marisa." saad ko sa hangin habang tinititigan ang barkong kanilang sinasakyan papalayo sa akin.
Hindi ko malilimutan ang mga alaala naming dalawa mula pa nung pagkabata.
Sila lagi ni Editha ang aking nasasandalan sa tuwing may hinaharap akong problema.
Habang tinatahak ko ang daan pauwi sa amin ay bumabalik sa akin lahat ng pinagsamahan namin ni Marisa.
Nangako kami sa isa't isa nina Marisa at Editha na sabay kaming tatlo at sa isang simbahan lamang kami ikakasal.
Ngunit dahil umalis na si Marisa ay nagiging malabo na ngang mangyari iyon.
Ilang sandali pa ay napadaan ako sa tahanan nina Ginoong Mateo at nakita ko ang kanyang ina sa kanilang hardin kaya agad akong lumapit.
Abala ito sa pag aalaga sa kanyang mga tanin na halaman na may magagandang bulaklak, marami ding paruparo sa paligid na mas nagbibigay ganda rito.
Kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mukha nung makita ko siya sa malapitan. "Magandang araw po, Donya Rosita." wika ko bilang pagbati sa kanya habang nakangiti.
Lumingon naman siya at saka ngumiti pabalik. "Magandang umaga, hija. Ikaw si Binibining Clarita, tama?" tanong niya sa akin.
Oo nga pala, dahil sa madalang lang akong lumabas ng bahay ay matagal na kaming hindi nakikita. Bata pa lamang ako nung huli kaming nagkita.
"Opo, ako nga po ito." saad ko saka matamis na ngumiti sa kanya. "Napakaganda mo ngang tunay binibini.
Kamukha mo ang iyong ina noong kabataan namin." saad niya saka tumawa ng marahan kaya tumawa nalang din ako.
"Kaya naman pala nahumaling sa iyo ang aking anak." saad nito na nagbigay ng kalitohan sa akin.
Sapagkat hindi sa akin nahuhumaling ang kanyang anak kundi sa aking kaibigan na si Marisa.
"Ipagpaumanhin mo ngunit wala na rito ang aking anak, nagkasalisi yata kayo." wika niya sa akin. "Kakaalis lang ni Mateo upang magtungo sa Tondo para sa kanyang pag-aaral." dugtong niya sa kanyang sinabi.
Marahil ay hindi lamang para sa kanyang pag aaral ang kanyang paglisan, marahil ay sinundan niya si Marisa.
Malinaw na sa akin ang lahat, na kahit kailan ay hindi magiging ako sapagkat si Marisa ang kanyang gusto.
Nagpaalam na ako kay Donya Rosita na tulala lamang sa lahat. Tinatahak ko ang daan pauwi habang patuloy ang pagtulo ng aking luha.
Haggang sa bumuhos na lamang ang malakas na ulan na tila nakikiramay sa aking pusong kanya ng iniwan. Hindi manlang siya nagpaalam na siya na ay lilisan, kahit bilang kaibigan manlang.
Nakaramdam na lamang ako na tila tumigil ang pagpatak ng ulan sa akin gayong kay lakas naman ng buhos ng ulan.
"Hawakan mo, para hindi ka gaanong mabasa" wika niya sa akin habang iniaabot ang isang malaking dahon ng saging.
Tatanggi sana ako ngunit nagpupumilit siya kaya wala na akong nagawa kundi hawakan iyon.
Mabuti at dalawang dahon ng saging ang kanyang dala kaya naman ay ginamit din siya para sa kanya.
YOU ARE READING
Memories Of The Past (Time Traveler #1)
HistoryczneDo you believe in reincarnation? Mga taong paulit-ulit na pinapanganak sa magkakaibang panahon. Mga taong nais ipanganak ulit dahil sa iba't-ibang kadahilanan. Paano kung magawa mong maalala at mabalikan ang dati mong buhay, maranasang muli ang masa...