ALAS-DYES na ng umaga at nandito na ako ngayun sa aking kwarto, tapos na din kaming kumain. Hindi naman sila nag reklamo except doon sa kuyang unggoy ni Clarita. Matabang daw e, gusto sana lagyan ng maraming asin yung plato nya kaya lang baka hindi magustuhan ng magulang ni Clarita ang gagawin ko at isa pa ay nandun din sa Mateo.
Habang tinitingnan ko ang maayus na pagkakalagay ni Mateo nung maliit na tela sa aking daliri ay hindi ko mapigilang mapangiti. Masyado naman syang perfect, marunong na ngang magluto dahil sa bilis nitong matutu ay mukhang may alam din ito sa panggagamot.
Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Clarita at nagkahiwalay sila, kung totoo man ang sabi nila na dating magkasintahan sina Clarita at Mateo.
Suot ko ngayun ang isa sa pinakamagandang damit ni Clarita, nais kong itong paghandaan sa hindi ko malamang dahilan basta kusa ko nalang itong ginagawa, marahil ay kahit hindi ako si Clarita ay nararamdaman ko parin ang nararamdaman nya.
Pagbaba ko sa unang palapag ay nakita ko Mateo sa tapat ng pinto sa labas at nakaharap ito sa akin, nasa likod naman nya ang kalesa. Paglapit ko sa kanya ay inalalayan naman nya akong sumakay.
Kami na ngayun ay nakasakay sa kalesa, nais ko sanang itanong sa kanya kung saan kami pupunta ngunit hindi ko kaya. Nakakaramdam ako ng hiya kapag kasama ko sya, ngunit ilang sadali pa ay binasag nya na ang katahimikan.
"Nais ko bumawi sa iyo Clarita, alam ko na dahil sa aking paglisan ay labis kang nasaktan." saad nya sa akin na hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya kasi in the first place hindi naman ako si Clarita.
Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot. Ilang sandali pa tumigil na ang kalesa hudyat na nakarating na kami sa lugar na aming pupuntahan. Namangha ang aking mga mata dahil sa aking mga nakikita.
Nasa gilid kami ng isang malawak na palayan ngayun, malakas din ang ihip ng hangin dahilan upang sumabay ang mga dahun ng palay sa galaw ng hangin na para bang sumasayaw at umaalon.
Sa gitna ng palayan may mayroong maliit na kubo na gawa sa kahoy at dayami, ito rin ay malapit sa isang malaking puno kaya hindi maiinit. Napaka peaceful din ng lugar tanging pagkanta lamang ng ibon ang maririnig.
Pagpasok namin dun sa kubo ay namangha ako dahil kahit maliit la ito ay kompleto naman ito sa gamit, may kusina ito at palikuran na din. Parang gusto ko na tuloy tumira sa lugar na ito sapagkat dito ako nakadarama ng kapayapaan at kapanatagan.
"Ang ganda naman dito Mateo, mabuti at dito mo ako dinala." sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Siya ngang tunay binibining Clarita, napakaganda nga." sabi nya habang nakitingin sa akin, dahilan upang malito ako, ang lugar ba ang tinutukoy na o ako? Pero mas pinili ko nalang itong hindi pansinin.
"Dito tayu unang nagkita Clarita, dito ko unang naranasan ang pag ibig at dahil iyon sa iyo." sabi nya sa'kin, hindi ko naman alam kung anong ang magiging reaksyun ko dahil wala akong alam kung anong nangyari sa kanila ni Clarita.
"Para sa akin ay iyon ang pinaka masayang araw sa boung buhay ko at nais kung balikan ang panahon na iyon at patigilin ang oras binibining Clarita." dugtong nya at kita ang lungkot sa kanyang mga mata.
Magsasalita sana ako ngunit biglang sumakit ang ulo ko at tila ba nawawalan ako ng balanse dahil sa aking pagkahilo, mabuting nalang at nahawakan agad ako ni Mateo, kasabay din nito ang pagpasok sa aking isipan ng mga alaala na hindi ko maintindihan.
Third Person's POV:
"Clarita saan ka pupunta?!" may pag-aalalang sigaw ni Donya Cristina kay Clarita, labimpitong taong gulang pa lamang si Clarita nung mga panahong ito. Ngunit hindi nya pinansin ang tawag ng kanyang ina at patuloy parin sya sa pagtakbo sa kawalan habang umiiyak dahil natanggap nya ang sulat mula sa kanyang ama.
YOU ARE READING
Memories Of The Past (Time Traveler #1)
Historical FictionDo you believe in reincarnation? Mga taong paulit-ulit na pinapanganak sa magkakaibang panahon. Mga taong nais ipanganak ulit dahil sa iba't-ibang kadahilanan. Paano kung magawa mong maalala at mabalikan ang dati mong buhay, maranasang muli ang masa...