CHAPTER 3: Heartbeat

78 62 4
                                    

NANDITO ako ngayun sa aking kwarto, Oo kwarto ko na 'to since nabubuhay naman na ako bilang Clarita ngayun. Malayu man ito sa kinagisnan kung kwarto sa hinaharap e okay na din at least parehong may malambut na kama.

Nandito muna ako dahil sabi ni Nay Juana ay magpahinga muna ako kahit sandali dahil nakakapagod daw ang aming ginawang pamamalengke kahit sya naman talaga ang namili at nakatingin lang ako sa kanya dahil ayaw nya akong pahawakin sa mga kung ano man doon sapagkat marumi raw.

Bakit pa nya ako pinasama kung wala naman akong gawawin dun? Well sabi daw nya ay gusto daw iyon ni ina na isama ako upang ka training daw dahil nasa tamang edad na daw ako upang mag asawa, jusmeyo 21 years old palang ako pag aasawa na agad ang prinoproblema nila.

Speaking of my mother, 11AM na at wala parin sya dito sa bahay. Grabe naman ang kanyang pagbisita sa kaibigan nya, ang dami siguro nilang pinagchismisan at wala pa sya hanggang ngayun.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nun ang isang babae na parang kasing edad ko lang, "Pinapapunta na po kayo ni Nay Juana sa kusina upang magluto." sabi nya sa akin habang hinihintay nya ako sa tapat ng pintuan.

Ano ng gagawin ko ngayun? E hindi naman ako marunong magluto, prito-prito lang kaya alam ko na minsan ay masusunog pa. Kailangan kung umisip ng paraan. Tiningnan ko yung babae sa tapat ng pinto at agad may pumasok sa aking isipan.

"Pumasok ka dito, may sasabihin lang ako" saad ko sa kanya at lumapit naman sya sa'kin. "Ano po iyon Binibini?" tanong naman sya sa'kin nung nakalapit na sya. Agad naman akong nagpanggap na nahihilo, "Pakisabi naman kay Nay Juana na masakit ang aking ulo dahil sa pagud sa pamamalengke kanina, hindi muna ako makakatulong sa pagluluto ngayun, sabihin ko pasensya na."

Tumango naman sya, "Makakarating po binibini, magpahinga nalang po muna kayo rito sa iyong silid." sabi nya kasabay ng aking pagtango bilang sagot, ipinikit ko ang aking mata at naramdaman ko nalang ang mga yabag ng paa na papalabas ng pinto at isinarado iyon.

NAGISING ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba, nakatulog nga ako, marahil ay napagod talaga ako kanina. Naririnig ko ang mga usap-usapan sa baba, siguro ay nakarating na ang mga kuya ko na sinasabi nila.

Nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa na papunta sa kwarto ko kaya nagpanggap nalang muna akong natutulog. Nung makapasok ito ay lumapit ito sa akin, nakaramdam nalang ako na mag umupo sa gilid ng aking kama, may dala syang pagkain na nakalagay sa isang try na gawa sa kahoy.

Hindi ko makita ang kanyang mukha sapagkat hindi ko maidilat ang aking mata ng maayus dahil maka mahalata nya na nagpapanggap lamang akong natutulog ngunit bigla syang nagsalita "Hanggang ngayun ay hindi ka parin magaling sa pagpapapanggap, alam kung hindi ka tulog, gumising kana riyan at kumain na upang mabilis kang gumaling." sabi nya at wala na akong iba pang nagawa kundi idilat ang aking mga mata, ngumiti naman naman ako ng kunti para hindi masyado awkward.

Nagulat ako nung makita kung sino sya, "Kuya Paul?!" medyo pasigaw kong sabi at napabangon ako sa pakakahiga sabay yakap ng mahigpit sa kanya, ilang taon ko na din syang hindi nakikita kaya na m-miss ko na talaga sya, tila nabigla naman sya sa ginawa ko at hindi nakakibo ng ilang segundo pero binalik din naman nya yung yakap ko.

"Kahit dalaga ka na ay mahilig ka padin sa mga ganito." sabi nya at bigla nalang akung nawala sa mood kaya bumitaw ako ngunit mas lalo nyang hinigpitan ang pakakayakap nya sabay sabing "Binibiro lang kita nagtampo ka naman agad." na may kunting pagtawa pa.

"Namiss kasi kita kuya, ilan taon din kitang hindi nakita" sabi ko naman sa kanya. "Na miss? Ano ang ibig mong sabihin?" sagot naman nya sa'kin. Oo na pala, hindi siguro sila nakakaintindi pa masyado ng English sa panahon na 'to. "Ang ibig kung sabihin ay nangulila ako sa'yo kuya, ang tagal kasi nating hindi nagkita." sabi ko nalang sa kanya bilang paliwanag.

Memories Of The Past (Time Traveler #1)Where stories live. Discover now