CHAPTER 73 - ASHMILLE MOMENT

26.5K 407 42
                                    

MILLE'S POV

"Uy bruha! Magkwento ka na kasi!" sabi ni Jesx

"Oo nga, anung nangyari? May nangyari ba?" tanong naman ni Carse

"May abs ba siya?" tanong naman ni Daryll

Kanina pa nila ako kinukulit sa kung anung nangyari sa amin kagabi ni Ash.

"Diba kayo lang ni Ash ang magkasama kagabi sa bahay niya, ibig sabihin---" sabi ni Lhei

"KYAAAAAAAAAHHHHH!" sigaw nilang anim

"Wag nga kayong nagiisip ng kung anu."

"Oo nga naman, anu naman sa inyo kung may nangyari na sa kanila?" biglang sabi naman ni Blue

"Tingin mo ba mas baliw may nangyari sa kanila?" tanong ni Daryll kay Blue

"Masaya si Ash kaya malamang nakajackpot siya." sabi ni Blue sabay akbay kay Daryll

"Walang nangyari sa amin. Ang dumi ng isip niyo. >//////////<" grabe naman sila! Hindi lang ako umuwi kagabi, may nangyari na agad?

"Baka nga naman wala. Oh Mille, magkwento ka naman." sabi naman ni Lei

"Wala nga sabi >/////////<"

"Namumula na si Mille. Hehe." sabi ni Aliss

"Baka naman naiimagine niya ulit. Haha." sabi naman ni Micah

"Sinabi ko ng wala talaga. Kumain lang kami tapos natulog na."

"Natulog ng magkatabi. Haha" sabi ni Nick

"Magkatabi nga kayo?" tanong naman ulit ni Carse

"Oo magkatabi kami sa kama niya."

"KYAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw nanaman nilang anim.

"Masaya ba?" tanong naman ni Yvo

"Pinagsasabi niyo ba?!" sigaw ko na sa kanila.

Pinagpaalam naman ako ni Ash sa kanila kagabi. Sabi ko na nga ba at ganyan ang iisipin ng mga to. Nakakahiya tuloy >//////////<

"Pulang pula na si Mille." sabi naman ni Cliff

"Wag niyo ng pansinin baka lalong mamula." sabi naman ni Cloud

"Pabayaan niyo na kasi." sabi naman ni Sky

"Salamat Sky sa pagtatanggol." sabi ko sa kanya ng nakangiti

"Pero anung feeling?" tanong naman ni Sky na nakapagpalaki ng mata ko (O_O) lokong mga to!

"Bakit niyo pinapalibutan ang girlfriend ko?!" si Ash yun! Yehey at nandito na ulit siya!

"Oh ayan na si leader, blooming! Haha" sabi ni Eli

"Tigilan niyo nga kami." sabi ni Ash tsaka siya umupo sa seat sa tabi ko sabay akbay sa akin

"Oh tutal nandito na rin si Ash, ikaw nalang magkwento kung anung nangyari sa inyo kagabi." tanong bigla ni Max. Akala ko pa naman matino yang si Max ( _._)

"Kagabi? Hmmmm" nagiisip naman si Ash at tumitingin sa akin "Anu nga bang ginawa namin kagabi?"

"Uy kunwari pang nakalimutan! Hahaha" sabi ni Daryll kay Ash

"Masarap." sabi bigla ni Ash na nagpalaki ng mata ko

"Wow! Masarap daw! Hahahaha" sabi ni Lei

"Ogags! Masarap yung cake na kinain namin kagabi. Dumi ng isip niyo."

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon