CHAPTER 88 - SWEET CHEEZYCAKES
LHEI'S POV
I'm so egzoited and I just can't hide it! Teka, kanta yata yun. Ah basta, excited ako walang pakialamanan. ^__^V
May date kasi kami ngayon ni cheezycake. Today is February24, our special day!
"Uso pa pala ang snail mail. May sulat ka Lhei." sigaw ni Carse nang makapasok sa sala
"Bunganga naman nito! Pakihina nga volume." sabi ko naman sa kanya sabay abot nung sulat
~ Instructions on how to find me *teka! Adik ng cheezycake ko na to. Nagtago pa talaga. Hide and seek pa talaga ang trip niya. Naman eh!* Solve that puzzle *tae! Ayoko ng mga puzzle!* ~
Padabog kong nilapag sa sahig yung mga puzzle pieces.
"Anu naman yan?" tanong ni Aliss
"Trip ni cheezycake na pagurin muna ako bago kami magdate. Asar!" sabi ko sabay ayos ng puzzle pieces.
"Hahaha! Go Lhei!" pagcheer naman sa akin ni Daryll
"Oha! Tapos ko na!" napasigaw pa talaga ako. Galing ko naman kasi talaga.
"Teka, anu nanaman yan?" tanong naman ni Jesx
Tinitigan ko ng mabuti at yung place na to ay sa garden ng Empire Academy.
"Garden ng Empire." sabi ko sa kanila
"Oo nga noh. Oh dali na pumunta ka na dun bago pa mainip dun si Lei. Haha" sabi naman ni Mille
Ako naman imbis na magmadali, nag-ayos muna ako syempre. Dapat magandang maganda ako sa harapan ng aking gwapong cheezycake.
Pagkatapos kong mag-ayos dumiretsyo na rin ako agad sa Empire. Sunday ngayon, buti at napabukas niya to. Sabagay, mayaman nga pala at kaibigan nga naman niya si Ash na anak ng may-ari ng school.
Pagdating ko sa garden, namangha ang mga mata ko sa ganda ng paligid.
May table for two sa gitna. Kahit di ko pa nakikita si cheezycake, agad na akong lumapit sa table tapos umupo na ako. Bakit ba? Nakakapagod kaya magpunta dito.
"Hoy cheezycake! Alis ka muna dyan!" sigaw ni cheezycake na nakapagpagulat sa akin. Leche to! Makasigaw! Mukhang naka microphone pa yata.
"Pagod ako kaya paupo na dito. Wag ka ng kokontra!" sigaw ko naman kahit di ko pa alam kung nasaan siya
"Kailan ba kita matatalo? Nakakainis naman cheezycake!" sabi niya nanaman
"Naiinis ka? Geh, aalis nalang ako!" sigaw ko naman
"Joke lang naman. Di ka na mabiro. Hahaha." sabi naman niya. Ako naman nagsmirk sabay crossarms.
"Nasaan ka na ba kasi? Lumabas ka na!" sigaw ko ulit
"Chill! Wag masyadong excited." sabi naman niya. Asus! Excited daw ako. Haha. Excited nga talaga.
"Wag kang tatawa sa gagawin ko ha." sigaw niya nanaman
"K dot. Pakibilis. Mainipin ako."
Maya-maya lang, tumunog ang nakakalokang music. Hahahaha!
Tsaka naman lumabas si Wachilei! Hahaha! Yes, si Lei po na cheezycake ko ay si Wachilei. Literal, dahil ginaya niya ngayon yun. Haha. Ang kulit niya! ^__^
Sinayaw niya yung Can¡¦t Lose You ng F4, yung may Oh baby! Baby! Haha ^___^V
May pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman. F4 na F4 ang dating. Hahaha.
He never failed to make me laugh. Nakakatuwa talaga siya. ^__^
After niyang sumayaw, ako naman tawang tawa pa rin sa kanya.
"Sinabi ko ng wag kang tatawa." sabi niya sabay alis ng wig na suot niya
"E kasi naman hahaha adik mo talaga! Hahaha"
Napangiti naman siya bigla "Your smile is the prettiest." >////////<
Lumapit naman siya sa akin sabay hawak ng kamay ko, tumayo naman ako.
"Happy Monthsary cheezycake. Hindi mo alam ang saya na binibigay mo sa puso ko. I love you." sabi niya na talagang nagpalabas ng kilig hormones ko
"Masayang masaya din ako palagi dahil sayo. I love you too cheezycake."
"Cheezycake may gift ako sayo." sabi niya sabay labas ng isang malaking box na nandun sa may likuran ng puno
"Anu naman yan?"
"Buksan mo." sabi niya habang nakangiti. Ako naman tong excited sa pagbubukas. Nanlaki naman ang mga mata ko ng may life size teddy bear na laman yung box, ang nakakaloka pa, imbis na mukha ng teddy bear ay picture ni Lei ang nasa mukha.
"Adik ka talaga. Bakit picture mo ang nandito?"
"Para pag gabi namimiss mo ko, edi pwede mo yan halikan."
"Kapal mo rin noh. Haha." niyakap ko yung teddy bear. *sigh* Ang swerte ko talaga na may napakabait at masayahin ankong boyfriend.
Nagulat naman ako ng maramdaman kong niyakap niya rin ako mula sa likuran ko.
"Ang sarap yakapin ng cheezycake ko."
"Syempre naman nuh. Ako din may gift sayo. Pikit ka dali." sabi ko sa kanya tsaka na ako humarap sa kanya
"Bakit kailangang pumikit?"
"Basta! Dali na! Pikit na!"
Pumikit naman siya. Ako naman tong nakasmile habang tinitignan siya.
"Thank you and I love you." sabay kiss ko sa forehead niya
"Thank you and I love you." sabay kiss ko naman sa left cheek niya
"Thank you and I love you." sabay kiss ko naman sa right cheek niya
"Thank you and I love you." sabay kiss ko ngayon sa tip ng ilong niya. Napansin ko namang nakangiti na siya.
"Thank you and I love you." this time hinalikan ko naman siya sa lips sabay nun ang pagyakap ko sa kanya. "Thank you for making me very happy."
"Mas pinapasaya mo ako. I love you very much Lhei Lopez." sabi niya while hugging me
Mahal ko talaga si Cheezycake. Napakasarap talagang mahalin ng taong mahal mo. Try niyo! Dali! ^__^