MILLE'S POV
I'm worried! Nagaalala talaga ako kay Ash. Bakit ba kasi hindi nalang nila ako hinayaang sumama?
"Hey Mille, okay lang yun si Ash." sabi bigla ni Micah
"Sana nga."
"Wag ka ng mag emo dyan. Hindi bagay." sabi naman ni Lhei
"I know. Hehe. Pero pagbigyan niyo na ako ngayon, kinakabahan kasi talaga ako."
"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong naman ni Carse
"Kasi, hmmmmm---"
"Sasagutin mo na si Ash noh?!" sabi bigla ni Daryll
"Oh talaga? Matutuwa yun sigurado." sabi naman ni Jesx
"Oo, sasagutin ko na siya mamaya. Sana nga dumating siya sa sinabi kong lugar."
"Dadating yun. Loves ka nun eh." sabi naman ni Aliss
"Natatakot lang naman ako na baka gaya noon, hindi rin siya dumating."
"Anu ka ba Mille? Dati, one sided love lang, ngayon alam mo ng mahal ka niya kaya dadating yun." sabi ulit ni Micah
Buti nalang nandito ang mga kaibigan ko taga cheer. Kailangan ko yan ngayon dahil baka di ko kayanin ang kaba na nararamdaman ko.
This is it! Sasagutin ko na si Ash. Grabe! Sasagot nalang ako ng oo kinakabahan pa ako. Ganito ba talaga ang epekto ng lalaking yun sa akin? Bumabalik ang lahat. *sigh*
"Oy tama na yan pageemo mo. Uuwi na kami dahil mukhang di naman kami mahahatid ng mga boyfriend namin ngayon." sabi ni Daryll
"Hindi niyo ba ako sasamahan?"
"Kaya mo na yan!" sabi ni Jesx
"Bye Mille! Aja! Payting!" sabi nilang anim na nakapagpangiti sa akin.
Oh siya! Kayang kaya ko na to. Kung dati nga na walang kasiguraduhan nagawa ko. Ngayon pa kayang sigurado na? AJA! Hwaiting!
Nagpunta na ako sa lugar kung saan ko siya ulit pinapunta.
"Napakaganda pa rin talaga dito."
Ito nanaman ang puno na to.
~ March04 I will forget everything about you ~
Napapangiti nalang ako ngayong nakikita ko to. Siguro masasabi ko namang nagawa ko yun kahit papaano.
"5pm na. Siguro papunta na yun."
*inhale*
*exhale*
*inhale*
Hindi ako dapat kabahan. Naman eh! Hindi ko pa nga alam kung anung sasabihin ko.
Siguro naman okay na yung, tayo na Ash? Pwede na ba yun? KYAAAAAAAAAHHHH! Nakakastress naman talaga!
5:30 na, wala pa rin siya? Naibigay na ba ni Max? Baka mamaya hindi niya naman nabigay. *sigh*
6pm na pero wala pa rin siya. Think positive Mille. Dadating yun.
Nakaupo lang ako dito sa bench sa tabi ng puno. Hindi naman ako mabibigo ulit ngayon hindi ba? Hindi naman ulit.
*sigh* Wag kang iiyak Mille! Dadating nga sabi siya.
Hindi ko na napigilang di umiyak nang makita kong wala ng tao dito sa park. Nagiisa nalang ako at 9pm na.
Para nanaman akong sira dito na naghihintay sa wala.
Ganitong ganito din dati. Naiwan akong mag-isa dito na naghihintay sa taong di ko naman alam kung dadating.