CHAPTER 79 - EPIC FAIL PLAN

15.7K 307 33
                                    


DARYLL'S POV

Long time no see talaga kami ng mga seven handsome guys na to. Hindi ko talaga akalain na dating nakakalaban namin sila mukha silang mga nerd, pero ngayong huli naming pagkikita biglang ganyan pala sila kagwapo kaya naman ang dating seven nerd guys, instant seven handsome na ngayon.

Hindi pa nga nagsasawa ang mga mata ko sa mga kagwapuhan ng mga to tsaka naman biglang dumating ang mga gansters na to slash boyfriend na inuuna pa ang gig kaysa sa mga magagandang girlfriend.

"Boys, pumasok na kayo." kairita naman ang secretary na to. =___= Ganyan ba kagwapo ang mga lalaking yun?

Hindi na kami nagulat nang iluwa ng pinto ang sampung gwapong nilalang na kilalang kilala namin. Sino pa nga ba?

"Cream, nandito din pala kayo." sabi ni Cliff ng makita si Micah

"Teka nga, dito ba ang gig niyo?" tanong ko naman sa kanila sabay tingin ng masama kay Blue na umiwas naman ng tingin sa akin. Baliw talaga to. =___=

"I smell something fishy." sabi naman ni Micah habang nakacross arms

"Teka! Anung ginagawa ng mga lalaking yan dito?" sigaw ni Lei sabay turo sa mga gwapong nilalang na kanina pa namin pinagsasawaan ng tingin

"Tss. Mukhang hindi tayo makakapaglalaki." bulong nitong katabi kong si Jesx, tsaka naman ako napa tsk tsk. Tama nga naman kasi siya, hindi pa nga kami nakakapaglalaki biglang sulpot naman ng mga to.

Agad naman lumapit si Ash kay Mille na nakatayo sa tabi ni Dustin.

"Stay away from my girl." sabi ni Ash nang makalapit sabay hawak sa kamay ni Mille

"Pasalamat ka nga at hindi ko hinahayaang may makalapit sa kanya." sabi ni Dustin sabay tingin niya dun sa gwapong lalaki na nakikipagshakehands kay Mille kanina

"Teka snickers problema mo?" biglang sigaw ni Carse, oo, sumigaw siya, umiral nanaman pagiging palengkera bigla kasing hinila ni Nick palapit sa kanya.

"Dito ka lang sa tabi ko snickers." sabi ni Nick kay Carse

"Bakit ba nakikipagusap ka sa mga panget?" tanong naman ni Yvo kay Aliss. Si Aliss naman napatingin sa mga gwapong lalaki na parang pinaprocess ang salitang panget.

"Panget? Nasaan dyan ang panget?" tanong ni Aliss kay Yvo kaya naman halos mapakunot ng noo si Yvo

"Cheezycake, wag kang nakikipagusap sa mga yan baka mahawa ka sa ugliness nila." sabi naman ni Lei kay Lhei. Yung totoo? Bulag ba ang Fierce para di makita ang kagwapuhan ng mga to? =___=

"Tss. Tigilan mo nga ko!" sigaw ni Lhei kay Lei. Irita pa rin yan at halata kong mas irita yan ngayon dahil hindi siya nakapanlalaki. Hahaha!

"Oh Sky, ikaw anung sasabihin mo?" tanong ni Jesx kay Sky na lumapit sa kanya

"Wala. Masama bang lumapit lang?" cold na sagot ni Sky. Wasak dyan si Jesx. Hahaha!

"Ulap! I miss you." agad namang nakayakap tong si Cherry kay Cloud. Ayan tuloy, ngiting ngiti si Ulap, teka, bakit nakikiulap ako? Tss.

Napatingin naman ako kay Eli at Jessica, hala! Bakit parang may spark sa mga mata ng mga to? Uy wag kayo! Hindi spark na inaakala niyo kundi galit na spark na parang may thunder at lighting na kasama. ^___^V

Si Max naman as usual, dakilang tagamasid. Sobrang nakakacurious ang pagiging misteryoso nito.

Teka nga, nakahalata na yata ako. Bakit ba ako daldal ng daldal dito sa isipan ko? Nakakapagod naman. >__<

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon