CHAPTER 89 - CRAZIER

9.8K 166 19
                                    

CHAPTER 89 - CRAZIER

DARYLL'S POV

Ito na ang last day ng pagrereview namin. Bukas na kasi ang competition. Sa wakas naman at matatapos na rin. Nakakatamad na tong ginagawa namin.

"Himala yata at hindi nagbabantay boyfriend mo ngayon." sabi nitong si Dale. Obviously, siya ang partner ko kaya ayan siya lang ang nakakausap ko pag nagrereview.

Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa may tapat ng table namin. Wala nga si Blue ngayon. Saan nanaman kaya naghahasik ng kabaliwan yung lalaking yun? +___+

"Ayos ka lang ba? Bakit nanlilisik mata mo?" ginalaw galaw pa nitong si Dale ang kamay niya sa harapan ng mukha ko

"Psh! Tabi nga dyan!" sigaw ko dito kay Dale nang magtigil

"Oh anung nangyayari sa inyong dalawa?" tanong ni Ms. Shy. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko at sa mga Fierce na nandito, nakatingin na pala sila sa akin.

"Hehehe wala lang po." ^__^V tsaka na ako yumuko para sumagot ulit dito sa pinasasagutan namin. Habang itong si Dale mahinang tumatawa.

"Kasalanan mo to." bulong ko sa kanya

"Makasigaw ka naman kasi. Nakakatuwa ka talaga." nakuha pang magpacute ha. Pasalamat to at gwapo siya.

Tinuloy ko na ang pagrereview ko bago pa ako mainis sa gwapong to.

Napatingin nanaman ako sa bakanteng upuan na yun. Kung nambabae ang baliw na yun, siguraduhin niya lang na hindi siya magpapahuli. Pero on a second thought, malamang tinamad na yun sa pagbabantay. Mas tamad pa sa akin ang baliw na yun.

"Oy Dale, anu ngang date ngayon?" tanong ko dito sa katabi kong salamat naman at huminto na sa pangungulit

"March1." sagot niya sa akin. March1 na pala. Ang bilis! Ilang linggo nalang graduation na namin. Pero teka, 1 ngayon? Bakit ba feeling ko may something pag 1? Hindi ko lang maalala kung ano.

3pm na! Good thing at break time na namin.

"Wala naman boyfriend mo, sabay na tayo magmeryenda." sabi nitong si Dale

"Kasama ko naman ang mga kaibigan. Ikaw ha, tigilan mo muna pangungulit sa akin. May boyfriend ako at kahit gwapo ka, hindi pwede. Understood?" napanganga naman si Dale sa mahabang speech ko

"Taray ha!" sabi ni Aliss

"Kaloka ka talaga." sabi naman ni Carse

"Dinurog mo ang puso niya." sabi naman ni Mille

"Sinaksak mo ang puso niya." sabi naman ni Micah

"Pinukpok mo ng martilyo." sabi naman ni Lhei

"Binuhusan mo ng asido at pinakain mo sa aso." sabi naman ni Jesx ~__^

"Teka, kumakanta na kayo eh!" sita ko sa kanila tsaka naman sila nagtawanan

"Tama lang naman ang ginawa ni Daryll dahil papansin na yang mga lalaki na yan." sabi naman ni Yvo

"Sus! Ito si sushi boy, affected much ka nanaman ba sa kanila? Halika nga dito!" tsaka naman lumapit si Yvo kay Aliss tapos pinisil niya ang pisngi ni Yvo

"Aray naman sushi girl!"

"Hehe nakakatuwa talagang pisilin ang pisngi mo." asus! Nagsweet-sweetan tong sushi couple.

"Hoy Sky! Diba ikaw madalas kasama ng baliw na yun? Nasaan siya ngayon ha?" sabay pameywang ko pa

"Hindi naman ako hanapan ng nawawalang boyfriend." aba lokong Sky to. Ngiting-aso nalang!

"Namimiss mo siya noh?" panunukso nitong si Carse

"Tse!" sigaw ko sa kanya tsaka na unang naglakad sa kanila.

Yung katamaran naman kasi ng Blue na yun dinadala pa hanggang dito. Pero teka, kung makapagsalita naman ako dito, tamad din naman ako. Haha.

"Oy baliw!" takte! Ang sakit naman sa tenga nung boses na yun >__<

"Oy baliw! Tumingin ka dito! Kung hindi, mas lalakasan ko pa ang sigaw ko dito!" leche naman na yan! Naka megaphone pa yata siya.

"Oy Daryll, tinatawag ka ni Blue." sabi naman nitong si Carse

"Malamang naririnig ko!" sigaw ko tsaka na ako dumungaw dun

"Hindi ka ba--" sisigaw nanaman tong baliw na to

"Eto na oh! Anu nanaman bang problema mo dy--- (O__O)" hindi ko na natapos ang pagsigaw ko dito na mala Gabriella Silang nang manlaki ang mga mata ko sa lupong ng mga mascot na sige sa pagsayaw sa baba. Si Blue naman ayun at nakatayo lang sa gitna.

Sumasayaw sila na sobrang ganado. Iba't ibang naka mascot, may naka bear, naka panda, naka palakang ulo, etc. churva.

Nakadungaw na rin ang mga kaibigan ko pati na rin ang Fierce. Napansin kong mga yung seven handsome guys napatingin na rin. Natatawa naman ako sa mga dance steps nila na sobrang kulit. Maya-maya lang nagstop na sila. Tumalikod sila at nag giggle. How cute! ^__^

Pagkaharap nila may mga hawak na silang banner na may nakalagay na "Happy Monthsary to the craziest girl I love." kaya pala parang may something ngayon, 1 nga pala at monthsary namin nitong baliw na lalaking mahal ko.

"Nabasa mo ha?" tanong ni Blue nang naka megaphone

"Hey baliw! Nabasa mo ba?!" sigaw niya nanaman

"Takte naman Blue! Excited lang? Ineenjoy ko pa pagtitig sa banner na yan at sa mga cute na mascots!" sigaw ko nanaman sa kanya

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko "Umalis na kayo mga panget na mascots! Dalhin niyo na yang banner na yan! Ayokong tumititig ang girlfriend ko sa iba! Alis na dali!" sigaw niya sa mga cute na mascots kaya ayun nagmadaling magsialisan

"Baliw ka talaga Blue!"

"Wala na sila. Sa akin ka lang titig okay?" bakit kaya hindi siya umakyat dito? Napapagod na ako kakasigaw sa kanya.

"Oy! Masakit na lalamunan ko! Umakyat ka na nga dito!"

"Ayoko. Batiin mo muna ako at ipagsigawan mo dito na mahal mo ko."

"Mauna ka!"

"Mauna ka!"

"Ikaw ngang mauna Blue! Isa!"

"Oo na! Oy baliw na Daryll Perez! Happy monthsary! Mahal na mahal kita!" nakasigaw pa rin siya dyan sa megaphone. Lalo naman kinilig ang mga estudyante dito. Naman eh, ako lang dapat ang kinikilig, dami tuloy nakikikilig dito. "Oy! Sabihin mo na rin! Dali!"

"Excited much lang? Hindi ba pwedeng kiligin muna." hingang malalim "Hoy panget, mayabang, baliw na Blue! Happy monthsary! Mahal na mahal din kita!" pagkasabi ko nun nakita kong napangiti siya tsaka siya biglang nawala sa baba. Saan naman kaya pupunta yun?

Paikot-ikot ang mga mata ko sa pagtingin kung nasaan na siya. Nagulat nalang ako na nandito na siya sa taas at nakangiting palapit sa akin.

"Oh bigla ka naman--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila tsaka binigyan ng masarap na halik sa labi.

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante sa baba na kanina pa nanunuod. Nagtatawanan naman ang Fierce at mga kaibigan ko.

"I love you very much." sabi niya pagkatapos ng halik

Napangiti naman ako lalo. Ang saya lang isipin na nababaliw ako sa pagmamahal sa lalaking to. Gwapo naman kasi at ang sweet pa ng kabaliwan. ^__^

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon