Chapter 11: Hapagkainan

3 0 0
                                    

Masaya ako na naging totoo sakin si Maria.

Halata naman na hindi siya okay, at kinakabahan siya na kausapin si Vince pero sa palagay ko napagisip isip na niya na kailangan niya ng harapin si Vince. Pero bakit ako nasasaktan kahit hindi ko toh relasyon? Bakit nakakakirot? Yung tipong gusto ko siyang icomfort kaso di ko alam pano.

"Diyan lang pala kayo, Maria okay ka lang ba?" Tanong ni Biance.

"Biance sorry ah, nagkapanic attack lang ako kanina"

"Alam mo halika, tara duon tau sa coffee shop na yun oh masarap diyan yung tonkatsu nila" hinila ni Biance si Maria papunta sa Aling Torres Karinderya

Sumunod nalang kami nila Vince papunta duon siguro nagugutom narin sila, pero para saakin itong sitwasyon na ito masiyado nakakabagabag para makakain. Mahahalata mo sa galaw ni Maria na hindi siya komportable yung tipong kahit tignan mo siya mahahawa ka sa nararamdaman niya.

"Anong order mo maria, dali na treat ko" biro ni Biance

Tintapik niya pabiro si Maria yung tipong parang close sila. Halata na hindi alam ni Biance kung bakit ganiyan umasta si Maria. Siguro? nagpapanggap lang siya na hindi siya aware? O baka kinocomfort lang niya si Maria dahil concern lang talaga siya. Siguro ito yung mahirap sa sitwasyon naming 4 ngayon, hindi mo alam kung ano yung tumatakbo sa mga isipan namin, nanghuhula ka sa takbo ng panahon kung paano bubuklat ang mga susunod na mga nangyayari. Gusto ko umarte na parang walang problema yung tipong para lang makalma kahit papaano. Pero parang di ko kaya magpanggap.

"Cheese Burger nalang akin tapos isang Milo na mainit nakakamiss yung Vigan kahit wala pang isag araw eh"

"Sige Mari hmm... akin isang Sisig tapos iced tea nalang"

"Babe ako na bahala dito, ako naman nagyaya ng galang toh hmm.. akin bagnet silog nalang tapos iced tea nalang din (Chuckles) ako din namimiss yung vigan"

"Ikaw Merlin?" tanong ni Vince

Kakain ba ako?

Dahil mukhang lahat naman dito mukhang available oorder nalang ako ng-

"Ate Ramen nalang po yung instant, ako naman namimiss yung korea hahaha"

10 MINUTES LATER

Nakaupo na kami sa bilog na hapagkainan habang nakikita ko na naglalakad si nanay dala dala yung mga order. Yung lugar ay simple lang tipong anong madalas na nakikita mo na karinderya sa tondo. Ganito din yung interior sa Vigan eh, yung mga tarpaulin ng smart at TNT na nakasabit sa pader. Menu na nakatarpaulin at nakapaskil lang sa pader, mga tambay na umiinom at nagpapalipas ng oras habang nagyoyosi. Umaalingasaw din yung amoy ng tinolang sabaw na pinapakulo ni nanay. Mediyo matagal na din bago ako nakaramdam ng ganito, yung nostalgia nuong nakatira pa kami dito sa Pinas.

Ramdam ko yung pagktense ng sitwasyon, lahat sila may sari-sariling ginagawa; si Maria nagcecellphone, si Vince at Biance tumitingin sa menu at paligid as if hindi pa nakarating ng Manila. At ako naman. Pasulyap na tumitingin kay Maria. Ganito ba pag nagaalala ka sa isang tao? Yung tipong hindi naman talaga ako involved sa nangyari sa nakaraan pero parang gusto ko na tumulong. Iniisip ko si Vince ba nararamdaman din na si Maria ay hindi pa talaga naka-move on sa nakaraan nila? Kahit anong aspekto naman tignan hindi mo alam kung sino yung may karapatan na makaramdam ng lungkot.

"Ayan na yung food!!"

Binigay na ni manang yung mga pagkain namin, at least shin ramyun binigay ni manang sakin kahit papaano worth it naman yung pg order. Minsan kasi lucky me lang ibibigay tapos 300 na agad yung singil.

"Maria eat up"

"Sige Biance thank you, thank you pala sa inyong dalawa sa pg libre"

"No problem Maria gustong gusto ka naman din makilala ni Biance eh"

Lumipas yung 30 minutes at patuloy lang kami sa pagkain. Halos ang unti nalang matunaw yung Hapagkainan sa tagal ng pag tambay namin. Yung duli lang matanggal sa sitwasyon na ito, ay yung pasulyap sulyap na pagtingin ni Biance kay Maria.

"Maria pwede ba kitang makausap?"

"Yes Biance"

"Alam ko na hindi ito yung tamang sitwasyon or panahon especially na nandito din si Merlin, pero alam ko yung dahilan ng pagtakbo mo kanina. Alam ko naman din na siguro pinagusapan niyo din ni Merlin yung tungkol sa nakaraan"

"Biance let me explain I am so-"

"Maria I am really sorry. Nagbarge ako sa buhay mo without even properly introducing myself. Especially palagi kang kinukwento saakin ni Vince. And ayun kinuwento niya din saakin yung nakaraan ninyo. The promises thing. I told Vince that I want to talk to you that's why nauna siyang pumunta galing baguio. Mediyo tanga lang talaga toh at hindi sinabi na otw na ako."

"Di ko lang maintindihan bakit need mo na magapologize saakin Biance"

"Because me and Vince should have told you much earlier. Kahit man wala kayong naging label Maria nuong umalis si Vince sa Ilocos. May emotions and time parin naging involved sa inyo. That's why I am asking for your blessing Maria. And I also want to know you more"

At sa sandaling panahon na iyon tumahimik and lahat. Kahit ako. Ang pakiramdam ko isa akong stranger na nasama sa grupo ng mga magkakabarkada. Hinawakan ni Biance ang kamay ni Maria at binigyan niya siya ng assuring smile.

Mabait naman si Biance halata na wala siyang binabalak na masama sa relasyon ng dalawa. Sabagay, ano bang kinalaman niya sa nakaraan nila Maria at Vince? Pero base sa paggalaw niya halatang minamahal niya talaga si Vince.

Sa paglipas ng 30 minuto na pagkain namin. Unti nalang ibigay na ni Biance yung lahat ng pagkain niya kay Vince.

"Ito vince tikman mo oh"

"Sarap diba???"

Hindi naman siya nainvolved sa nakaraan pero siguro gusto niya na makipagpayapaan kay Maria. Siguro dahil alam niya yung nararamdaman ni Maria ngayon.

"Sa totoo lang Biance wala ka namang kasalanan eh. Nasaktan lang ako kasi nangako si Vince saakin, pero sinabi ko naman din na huwag siya maghintay; so iisipin mo no, sino kaya yung mali?..... Diba wala? At ngayon naman na nakausap niyo na ako ng matino. Naiintindihan ko Vince and Biance na mahal niyo ang isa't isa so please wag kayong magalala. Okay lang ako."  Okay ba talaga.... Maria?

Naging tahimik ang lahat. At ngumingiti lang si Maria kay Biance, pero tulad nga ng sabi ko madaling magsinungaling ang bibig pero ang mata hindi.

Tumayo sila pareho at nagyakapan sa isa't isa.

Pagkatapos namin kumain, naglakad nalang kami papunta sa hotel. Magkasabay kami maglakad ni Vince at magkasabay naman si Maria at Biance. Nagtatawanan sila at close na close na kung magusap.

"Merlin paano mo nakilala si Maria?"

"Ahh nagkakilala kami sa Calle Crisologo during that time napagkamalan niya na client niya ako. Diba? Ikaw dapat yung client nuon"

"Oo nga pala, dapat kasi that time sasabihin ko na sa kaniya yung tungkol saamin ni Biance. Merlin I am sorry na nadamay ka pa sa sitwasyon na ito. Dapat nga vacation to eh"

"Vince hindi mo kailangan magsorry. Mas okay nga na nakapag open up na kayo. Hindi mo naman kasi mapapatahimik yung puso kung hindi kayo magiging totoo sa isa't isa"

"Kailangan ko din makausap si Maria ng personal deserve niya ng apology saakin"

Ngayon ko lang naintindihan. Magaling pala talaga magsinungaling ang bibig pero ang puso kahit kailan hindi kayang dayain ang damdamin. Lahat kasi tayo gustong mapasaya ang iba. Hanggang dumating sa punto na napapaisip tayo kung nagawa ba nating pasayahin ang sarili natin? Hanggang saan natin kayang ipaglaban ang pag-ibig kahit pa dumating yung kawakasan ng mundo. Parehas din kasing pinaglaban ni Vince at Maria yung pag-ibig.

Si Maria sinubukan na ipaglaban ang pag-ibig nila ni Vince pero sumuko siya dahil gusto niyang unahin ang pamilya niya. Si Vince naman pinaglalaban na ngayon yung pag-ibig niya kay Biance. Ang sakit lang siguro na dati ikaw yung pinaglalaban pero ngayong iba na.

Pagkatapos ng mahabang lakad, nakarating na ako sa room ko. Humiga na ako sa kama at nakaramdam ng kapayapaan. Huminga ako ng malalim at pumikit. Pero kahit nakapikit ako, hindi ko parin magawang mapapikit yung isip ko. Nagagambala ako ng mga nangyari ngayong araw na ito. Kung hindi ko ba sinuot tong kwintas na to mangyayari ba tong mga bagay na ito?

"CGAPTER 12 SOON"

Calle Crisologo 4PMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon