HAPPY READING <3
"I think I like you Jia,"
Di parin mawala sa isip-isip yung mga salitang binitawan niya. 'I think... ' anong ibig sabihin niya doon?
Iniisip niyang baka gusto niya ako as a friend? O gusto niya talaga ako more than that? Hindi ba siya sigurado dun?
Ewan.
Parang tanga akong gumulong-gulong sa kama dahil sa inis habang iniisip yung nangyare. Nandito ako sa kwarto ko habang iniisip kung ano ba talaga yung ibig niyang sabihin doon.
"Ja, kain na. Bumaba ka na diyan."
Doon lang ako napabalikwas ng bangon nang marinig ang tawag ng pinsan ko. Tumayo narin ako kaagad at lumabas na ng kwarto. Nakasabay ko pang bumaba si Jerick.
"Wala namang tawag galing kila mommy?" Tanong ko habang naglalakad papuntang kusina.
"Wala naman. si Lia lang yung tumawag,"
I smiled after hearing her name.
"Ano daw sabi?"
"When are you coming back daw. Magtu-two years na simula nung nangyari. Iniisip niya parin kasi na babalik ka kaagad. Namimiss kana nun. Kawawa naman yung bata,"
I left when Lia is only 3 years old. Nakababata ko siyang kapatid, I was a second child kaya medyo mahirap yung naging buhay ko. I experienced a lot of belittling from my dad.
Strikto kasi yun si Daddy. Konting pagkakamali ko ay napupuna agad. Kaya ginawa ko talaga ang lahat para makapasa dito sa school sa Korea at dito mag aral ng kolehiyo. Mabuti at napapayag ko rin sila. Dahil narin siguro sa kasama ko ang pinsan ko kaya nila ako hinayaan. Siguro ay para may mata parin sila sa'kin dito. Hindi lang nila alam na hinahayaan lang ako ni Jerick sa kung ano ang gagawin ko rito.
Sa totoo lang namimiss ko na rin naman si Lia eh. Hindi lang talaga ako makauwi kasi nag-aaral pako. Siguro kapag handang-handa na talaga akong umuwi.
"Don't worry, I'll call her later," sagot ko.
"Later ulit tapos hindi mo naman tatawagan yung bata," pagalit niyang nilapag yung pinggan sa harap ko ng makaupo na ako sa upoan sa dining area.
"Totoo! Tatawagan ko na nga mamaya, wag ka ngang suplado diyan. Nag away na naman kayo no?"
"Wala ah... " aniya at tinalikuran na ako at umalis ng dining area.
Hinayaan ko nalang kesa magalit pa yun sa'kin dahil sa kakulitan ko.
My day just went like that and evening came. Naisipan kong lumabas ng bahay at maglibot-libot muna sa night market na malapit sa'min. Parang gusto ko kasing kumain ng korean street food.
Nagbihis lang ako ng plain white fitted top at wide leg pants na nabili ko last month.
"Ano kayang magandang kainin?" saad ko nang makarating na sa lugar.
As expected, may iilang tao naman na nakatambay sa area at umu-order din ng gusto nilang kainin.
Bumili lang ako ng takoyaki at ilang fishcakes bago lumipat naman sa bilihan ng mga juices nila. Bumili lang ako ng fruitshake at dumiretso sa bench na bakante sa malapit.
I quietly ate my food before getting my phone to text my sister.
'Hi Lia, this is Ate. Are you busy?' I typed and waited for her response.
BINABASA MO ANG
2 𝐖𝐡𝐨 𝐅𝐞𝐥𝐥 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭? » 𝐉𝐇𝐒
Fanfiction2 I thought it was just an admiration of a fan towards her Idol. Little did we know, we're already building the relationship we didn't expect we can build. Who fell first? Was it me or him? Date published: November 8, 2021