Chapter Five

14 2 1
                                    




(Jia's POV)

"Kamusta tulog mo?" agad kong tanong nang makita si Lilly na kakalabas lang ng Bakanteng kwarto sa share house.



Nauna na akong nagising kahit walang klase kasi maagang tumawag si Hobi para sabihing magiging busy siya at hindi daw siya makakapagchat ng ilang araw o buwan.


Kinibit-balikat ko nalang kasi wala naman akong magagawa doon kasi trabaho niya yun at career. Wala namang kami, eh nagpapaalam pa siya.

"Okay lang naman. Nakatulog naman nang maayos. Nasaan nga pala si Jerick?" tanong niya at umupo sa tabi ko sa sofa at nakisalo sa inalok kong chichirya.




"Bumili lang ng pananghalian natin na nasa malapit lang."


Ilang minuto rin ang nakalipas nang dumating ang pinsan ko. Galit siyang pumasok sa bahay at padabog na nilagay sa counter top ang lunch na'min.


"Oy may problema ba?" tanong ni Rose na kakalabas lang ng banyo.

Kumuha siya ng juice sa ref at ininom yun.


"Nakita ko si Angel sa sidewalk kanina."


Nung marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko, lumapit na kaagad kami kay Jerick. Tatlo na kami ngayon ang nasa harap niya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.


"Eh bakit galit yang mukha mo? may nangyari ba?" mahinahong tanong ni Rose.


"I saw people chasing her earlier... She looks so scared and had her asthma attack."

"Dahil ba to sa V-video na kumakalat na kasama niya yung grupo?"

I felt bad all of a sudden. She doesn't deserve this. Paano nalang kung hindi siya nakita kanina ng pinsan ko? Baka kung napano na siya kapag nagkataon.

Kinuwento niya ang iba pang nangyari kanina. Sinubukan kong tawagan si Angel pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Hinayaan ko nalang at bumalik sa paglilinis ng bahay. Baka sakaling kapag binigyan ko siya ng oras eh sasabihin niya rin sa'kin ang problema niya.




Months had passed, Hobi and I are still contacting each other. He even helped me study when he had time.

"Here's your coffee," Hobi lend me the coffee he made.


"Thank you..." I smiled.


I'm at his house and studying. Nagpaalam naman ako kila Jerick na dito muna ako kahit hindi pa nila alam kung sino yung kaibigan na tinutukoy ko. May tiwala naman siya sa'kin kaya pumayag siya.


Matapos kong aralin ang ilang subjects ay sinarado ko na kaagad ang libro ko at tiningnan ang relo ko.

"1:24 am" rinig kong sabi niya.



Gising pa pala toh. Hindi ko siya napansin buong oras na nasa harap ko siya.


"Sorry it took me a while..." inayos ko ang mga libro ko at pinasok yun sa bag.

"Nah. It's okay. You can take your time. Besides I'm not sleepy yet." he said in his raspy voice.


Sabi niya hindi pa naman siya inaantok e halata na nga sa boses niya.

"Your voice doesn't sound like what you said..."


He chuckled.



Here we go again... I kept listening on his laugh until I realized I'm laughing with him again.

2 𝐖𝐡𝐨 𝐅𝐞𝐥𝐥 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭? » 𝐉𝐇𝐒 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon