"SANA AY MAPANSIN MO RIN AKO"
Written by: twinheartCHAPTER ONE
TILAOK ng manok ang nagpagising sa himbing na tulog ng dalaga,mahihinuha mo sa kanya ang pagod at hirap sa bawat araw na pinag daanan,dahil sa isa siya full time cashier sa araw at gabi naman ang pag aaral niya.Nahirapan man
pero tiniis niya ang pagod,dahil ang pangarap niya ay makapagtapos ng pag aaral,hindi sapat ang kita ng mga magulang kung makikihati pa siya dito,pinagkakatiwalaang lubos ang ama.Si DonSebastian Cristobal ang nagmamay ari ng Rancho na sa sobrang laki at malawak na lupain sa Province ng Bulacan.Isa sa pinakamayang tao ng lugar nila,ang ina naman ay siya ang taga luto sa
Rancho,Mababait ang mga Cristobal hindi mata pobre at mapagbigay sa kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan.Si Luwalhati sa edad na desi nuwebe ay lihim na umiibig sa anak ng Don na si Kenneth
Cristobal,unang kita palang niya dito sa murang edad ay minahal na niya ,kahit magkasabay silang lumaki.Mas matanda ang binata ng dalawang taon,pero ni minsan hindi sila
naging mag kaibigan. Parang balewala lang siya sa binata,o mas tamang sabihin ni tingin o sulyap ay di siya tinapunan nito.Nangangarap sang dalaga na sana balang araw ay
mapansin rin siya nito.
"Luwalhati anak! Gising kana ba?"ang tanong ng ina bago kumatok sa pinto.Binuksan niya ang kwarto at nakita niya ang ina na nakangiti. "Magandang umaga po Nay,,!" Ang bati niya dito. Sabay mano at halik sa pisngi.
"wala kabang pasok ngayon?" Tanong nito sa kanya.
"wala po nay! nag day off po ako ng dalawang araw, kasi kailangan kong mag focus muna sa examination namin. Final na kasi, ayoko na
bababa ang grades ko."nangunguna siya sa
kanilang skwelahan,yan lang ang maipagmalaki
niya sa kanyang mga magulang ang karangalan
bilang isang Suma Com Laude."o siya sige, naghanda na ako ng agahan
mo,pagkatapos mo diyan ay kumain kana muna bago umalis." Anito bago tumalikod."ok nay,,!" na nakangiti, paglabas ng ina.
Naghanda na siya papasok sa skwelahan,dali
daling nagbihis, kumain at umalis agad baka malate pa siya."KENNETH open this door,,!" sigaw ng ina sa anak..Naalimpungutan ang binata,dahil sa boses ng
ina.Nagliwaliw kasi siya kasama ang mga kaibigan nito at nagpakalasing dahil cenilebrate nila ang
birthday ng isa sa mga kaibigan niya."Mom,,leave me alone for a while! I'm tired, my head is aching so pleaseee,,just leave.." sagot ng binata, ni hindi man lang nag abalang buksan ang pintuan.
"My goodness son! Will you please let me in your
room,,?im so worried about you Darling.,," sabi ulit ng ginang na si Donya Margarita.
Wala ng nagawa ang binata kundi papasukin ang ina sa silid nito.
"Son are you okay,,?" Nang makapasok."nope mom! I need to rest." At humiga sabay pikit ng mga mata.
"okay! If you want anything, just call me baby okay!" Hinaplos ang gwapong mukha ng anak.
Napadilat si Kenneth, nairita siya sa ina,dahil kahit kailan hindi nawawala
ang pagtawag sa kanya ng "BaBy",,
"mom please for once listen to me! Don't you ever call me again Baby,god mom! I'm a man now. What if one of my friends heared that your calling me that
way! Nakakahiya mommy." Maktol at busangot nitong sabi.