"SANA AY MAPANSIN MO RIN AKO"
written:by TwinheartCHAPTER 14
Sa gulat ni Kenneth ay hinila agad niya si Lu at niyakap ito.
"What did you do gie? Why did you slap my wife huh?" Ang sigaw ni Kenneth sa dalaga."dahil inagaw ka niya sa akin,,! I hate her! " ani nito na dinuro pa si Lu.
"Wala siyang inagaw sa'yo! At para sa kaalaman mo,,she's my wife and your just only my Ex Girlfriend." Galit na galit ang binata sa babae.
"You have no right to hurt my wife! At kapag inulit mo pa ang ginawa mo sa kanya! I swear ako ang makakalaban mo.",,wika ni Kenneth na pinipigilan ang galit kay Angie.Akmang iiwan na nila si Angie ng magsalita ulit ito.
"Hindi ako papayag na magiging masaya kayong dalawa,akin ka lang Kenneth at walang sinumang pwedeng umagaw sa'yo mula sa akin. Kahit pa ang hampas lupang babaeng yan.",,wika ni Angie na nanlilisik ang mga mata.Hinarap siya ni Kenneth.
"Matagal ng tapos ang lahat sa atin,kung may nag mamay ari na sa akin ngayon. 'yon ay ang pagkakamaling iniwan mo ako noon na parang basahan.
Kaya wag mong kunin ang isang bagay na hindi na ikaw ang kailangan nito.",,wika ni Kenneth,walang sabi sabing umakyat sa taas na hila hila pa nito si Lu.Si Angie ay hindi makaimik sa sinabi ni Kenneth,tama ito kasalanan niya noon kung bakit nawala sa kanya ang binata.Pero nagbalik na siya at kahit di na siya ang kailangan nito ay gagawin niya parin ang lahat maangkin lamang ang pagmamahal ng binata.
Umalis siyang luhaan at nangako sa sarili na siya parin ang pipiliin ng binata sa huli.¤¤¤¤
Walang may nagsalita sa dalawa nang makapasok na ito sa kwarto.Hinihintay lang ni Lu na magsalita ang binata,dahil siya ay hindi alam kung ano ang gagawin ngayong si Angie ay hindi matanggap ang pagpapakasal nito sa kanya.Si kenneth naman ay palakad lakad hanggang sa napatitig sa asawa na nakaupo lang ito sa kama.Nilapitan ito ng binata,hinawakan ang dalawang kamay.
"Don't worry everything will be fine!",,ani niya.Napatitig din siya dito
"alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nasisira ang relasyon natin Kenneth.",,ani niya na kong tutuusin ay wala namang inamin ang lalaki sa kanya.Ano pa ba ang dapat niyang asahan. ? Kaya lang naman nagpakasal sila dahil lang sa gustong iwasan ni Kenneth si Angie ibig sabihin pag gumagawa pa ito ng paraan para maakit si Kenneth ay babalik ang dating pagtingin na inialay nito noon.
Paano na siya kung sakali,,? Tama ba na ipaglaban niya ang binata gayong kahit kailan ay hindi siya sinabihan kung mahal din ba siya nito,,? Sa isip ng dalaga,na bigla nalang naglandas ang mga luha.Hindi naman yon nakaligtas sa binata kaya napamura ito.
"Im sorry Lu,promise she will never hurt you! Hindi ako papayag na saktan ka niya.",,wika ni Kenneth na niyakap ang asawa."kaya ko naman siya Neth,,huwag mo na akong alalahanin.",,saad na lang niya dito para di na mag alala ang binata.Kumalas sa pagkakayap ang dalaga,hinarap naman niya ang binata.
"Hindi ako papayag na alipustahin nalang niya ang pagkatao ko. Lalaban ako hanggat kaya ko,so no need to worry okay!" wika niya,kunwari nakangiti.But deep inside she is afraid to do the move para isipin ng binata na matatag siya.Saka pa lamang ngumiti ang binata."Okay,,! But if she could do bad things to you just tell me at para ako ang haharap sa kanya.",,ani ng binata.
Napatango nalang ang dalaga para hindi na humaba pa ang kanilang usapan.At nagpasya ng mag ayos ang dalawa sa mga sarili.
¤¤¤¤
Tuloy parin ang pagtatrabaho ng dalaga bilang Secretary ni Kenneth.Nalaman na din ng buong kumpanya na siya ay asawa ng Presidente lahat ay naging masaya,at pinuri ang dalaga dahil sa ito ay maganda na at mabait pa.
Pinalipat na rin ni Kenneth ang mesa ng dalaga sa loob ng opisina nito para hindi na daw kailangan tumawag siya sa telephone.Wala na ring magawa ang dalaga kahit ayaw niya ay ang boss parin ang masusunod.