"SANA AY MAPANSIN MO RIN AKO"
written:by twinheartCHAPTER 21
Walang nakapagsalita sa kanila ng magkaharap na ang mga ito.Lumuha ang ginang ng makilala kung sino ang babaing bisita ng gabing iyon.Maging ang Don ay hindi rin nakapagsalita,ito man ay napaluha din.
"Ma,dad,kumusta po kayo,,?"Unang namutawi sa bibig ng dalaga,dahil sa emosyong nadarama.Tumakbo ang dalaga sa gawi ng mga ito at niyakap ito ng buong higpit.Naging emosyonal ang pagkikita nilang tatlo
.
"God,iha youre alive,,thank god,your alive",,wika ng ginang na parang batis ang luha sa mata."Iha what happen to you ? bakit ngayon ka lang nagpakita?,,ang buong akala namin ay patay kana,,?" tanong ng Don.
Matapos ang kanilang maluha-luhang yakapan."pwede ko ho bang makita muna ang nanay ko,bago ko sabihin sa inyo ang lahat!" Aniyang gusto nang makita ang ina.
"segi iha! ipatatawag ko ang nanay mo", ani ng ginang,masaya sila na bumalik na ang daughter in law nila para hindi na maghihirap ang kanilang anak. Pumasok sila sa loob ng bahay.
Hindi mapapantayan ang kaligayahan ng ina ni Luwalhati ng masilayan ang nag iisang anak.Tears of joy ang kanilang nararamdaman.
Doon sinabi ni Lu ang nangyari sa kanya,ang lahat lahat walang labis walang kulang,pati ang pagbubuntis niya ay sinabi niya sa mga ito.Sobrang saya ang mga magulang ng malamang may apo na ang mga ito.
"I can't wait to see my grandson,pwede bang papuntahin natin sila dito iha?",sabi ng Don."Kayo po ang bahala! matagal na rin ho kayong gustong makilala ni Kieth." Si Lu na yakap-yakap ang nanay nito.
"masaya kami na bumalik ka na Lu para maging masaya na rin ang anak namin",,ang ginang.
Napatingin bigla ang dalaga sa mga ito.
"Buhay ho si Kenneth?,,,na agad naglandas ang luha."Yes iha,,nasa kwarto ninyo siya naglalasing dahil na-,,
Hindi na pinakinggan ni Lu ang sasabihin pa ng Don,agad siyang umakyat sa taas para makasiguro kong totoo ba ang naririnig niya.
Napailing na lang ang Don,alam niya na matagal na din itong naghihirap ng maghiwalay ang dalawa.Tumawa na lang ang dalawang matandang ginang.
¤¤¤¤
Nakalock ang pinto,kaya bumalik ang dalaga para kunin ang susi.Agad namang binigay ng katulong ang susi ng kwarto.
Pagkabukas ng pintuan ay bumulaga sa kanya ang mga gamit na nagkalat at amoy na alak.Binuksan pa niya ang isang lampshade at nakita niya ang binatang nakahiga sa sahig,lasing na lasing ito,wala rin sa ayos ang sarili.Humagulgol ang dalaga ng makita ang binata,mis na mis na niya ito,umupo din siya sa sahig at dahan dahan kinuha ang ulo ni Kenneth para mayakap at maihiga sa kandungan niya.Wala paring tigil ang pag iyak ni Lu dahil nakita na niya ang lalaki.Hinalikan pa niya ito sa mga labi na hindi alintana ang amoy alak nitong hininga,but still mabango parin [heheh]
"Kenneth i mis you so much",,mula sa kaibuturan ng puso.Yakap yakap parin niya ito,ng mahimasmasan ay pinilit niyang ihiga ang binata sa kama,kahit nahihirapan ay nagtagumpay naman ang dalaga.Wala pa ring kamalay malay ang binata sa nangyayari dahil sa kalasingan.