Chapter 1. (First Meet)

39 2 0
                                    

Hoy!Tapos ka na ba dyan sa binabasa mo?

Umupo sa tabi ko si Sheena at kinalabit ako.Nasa tapat ako ng Library Building ,nakaupo sa bench na di kalayuan habang kumakain ng cheesecake na binili ko sa canteen kani-kanina lang.Anlayo ng ipinunta ko para lang makapagbasa ng iba't ibang libro na may kinalaman sa Science,meron naman dun malapit sa condo ko pero ,mas maganda parin talaga ang mga libro dito sa library ,tsaka mas feel mo yung pagbabasa pag nasa library ka.

"Mukha bang tapos na ako ha?" Inirapan ko ang pinsan ko.Hindi na nga kami naghihiwalay netong babaeng to ,simula pagkabata hanggang sa mag college kami ay magkaklase parin kami,Hanggang ngayon,blockmates parin kami.

"Malay ko ba!mabilis kang magbasa ng libro eh!" pagrarason niya naman."Ako,tapos na pwedeng pwede na makipag hangout then inom inom na! ,pagpaparinig niya.

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya.
"Saan?" Tanong ko agad.

Konting kembot na lang naman ang babasahin ko at tapos na tong binabasa ko,ewan ko ba kung bakit ako masyado nagpapakabusy sa buhay imbis na relax lang ako sa condo at nakahilata sa malambot kong kama.

Tutal ,friday naman ngayon at wala naman kaming klase bukas .Pwedeng-pwede!

Charot.Gumagawa lang talaga ako ng rason para hindi makasama sa inuman ,pag kasi nagkatopak tong si Sheena ,minsan pinagbabayad nya ako sa ambagan kahit na madalas ay nililibre nya lang ako,syempre nasanay narin akong nililibre nya ako ng pambayad ,laking tipid din non para sakin,HAHAHAHA.

"Perya.Sa may convention" sagot ni Sheena na naghihintay ng reaction ko.

"Layo" Agad na nag iba ang mukha ko.
Iinom na ngalang,dadayo pa sa malayo ,andami dami dyan sa tapat oh ,pwedeng pwede nga sa parke e ,malapit na sa condo ,malapit pang umuwi.Bakit kailangan pang dumayo sa Peryahan dyan sa Convention ,eh ang layo non ,lalo na kapag traffic?Isang oras siguro o higit pa ,depende nalang.Rush hour pa ngayon dahil uwian ng ibang estudyante.

"Choosy ka pa?Libre ko na transpo at ambag mo.G na? Inaya ko na din sina Alyssa ,Pupunta sila.Saka manlilibre daw si Yesha kasi may bago raw syang crush na madalas nagpupunta doon.

" Hmm,pag iisipan ko"Kinuha ko na ang phone ko st tinignan lahat ng kailangan kong gawin.Kaunti palang naman.Humarap ako kay Sheena at ngumiti "Sige na nga"

"Pabebe ka pa ,papayag rin naman amputa". Inirapan ako ng pinsan ko at hinatak patayo. " Tara na,magta-traffic na!Mag da-drive ako.Susunduin ko pa si Leigh!"

"Jusko ,ang lapit-lapit lang niya kailangan pang sunduin?" Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa car park.

Hindi pinansin ni Sheena ang mga reklamo ko hanggang sa makasakay kami sa kotse niya.Gusto ko pa sanang bumili ng andoks dahil nagugutom pa ako pero siya naman ang nagreklamo.Mangangamoy raw sa kotse niya at mata-traffic na kami.Kaya sige,oo nalang, te! Arte talaga! ,Kapag ako namatay sa gutom,ewan ko lang!

Sinundo namin si Leigh sa Pagbilao kaya lalo kaming na-traffic! Nagreklamo ako pero mukhang wala siyang pakialam dahil may itinatype sa cellphone.

"Hoy,nakikinig ka ba? Tanong ko.
" O,ano ba 'yon?!" Tinaasan nya ako ng kilay."Hay nako ,Solene Arienne Salvañera ,wala akong panahong pakinggan ang kadaldalan mo at may hangover pa ako!"
"Wow,may hangover pa 'tapos iinom uli ngayon? Malupet ka sis!" Pang aasar ko."Kamusta na kayo nung nilalandi mo?"
"Anong landi? Tanga ,ghinost na nga ako non!" Lalo syang nabadtrip sa akin.

Natawa ako ng malakas.Si Leigh,na-ghost? Hindi ba siya dapat ang nang-iiwan? May nakakatiis pa pala sa babaeng to.

"Tinatawa-tawa mo dyan? Wala ka namang jowa!"
Natigil tuloy ako sa pagtawa.Aray! Masakit yon ah! "Atleast ,hindi ako ghinost" ganti ko.

Circling Back To YouWhere stories live. Discover now