"Omg! For the first time! Walang deadlines!"
It had been four days since I last saw Kleo. Today was Friday again at based sa sinabi niya, Friday raw uli sya babalik dito sa campus, 'di ba? Minsan,gusto ko nalang magkasakit para ma-admit ako sa ospital para naman makasama ko sya pag na-admit ako sa ospital! Pero siyempre, hindi naman ako aabot sa ganoon! Ayaw ko pa!
"Inom?" Tanong ni Ali sa amin habang nasa Bayan kami ,sa tapat ng mga nagbebenta ng street food,kumakain ng cheese stick.
"Tama na'ng kakainom nyo. Maawa kayo sa mga atay nyo" payo ko sa kanila.
Napatingin silang dalawa sa akin at sabay pang napahinto sa pagkain. "Di ba kaiinom mo lang nung isang araw?" Paninira ni Ali.
"Excuse me! Isang beer lang yun tsaka nung isang araw pa yun! Ayaw kasi mag-function ng utak ko pag nakakainom ,di tuloy ako makabuo ng plates." Pagpapalusot ko.
Tumango-tango silang dalawa,not really convinced with what I said kahit iyon naman talaga ang totoo! May mga oras talaga na hindi gumagana ang utak ko. Ang hirap kayang mag-isip palagi ng bagong ipapakita sa prof. Hindi pwedeng paresa-recycle ka.
"Sus! Sigurado ka bang di nagfu-function utak mo?" Puring-puri ka nga ng mga prof natin eh. Ikaw na ata ang favorite." Umirap si Sheena.
Kaunti nalang,iisipin ko nang may sama ng loob sila sa akin! Hindi ko naman kasalanan sa naipasa sa akin ang talento ng mga magulang ko. I had high expectations for myself kaya nga hindi ako sanay na nagca-cram. Nasisira n'on lahat ng ideas ko. Marami akong naiisip kapag relaxed ako kaysa under pressure. Palagi akong nakakakuha ng uno so I did everything to maintain it ang keep my grades stable. Yong last na kinram ko sa Library Building ,hindi ako naka-uno. Bad trip nga eh... Pero kinalimutan ko na lang din. Wala naman na akong magagawa r'on. Kasalanan ko ring nakalimutan kong tapusin.
"Sira-ulo 'yong history of Archi,daming sabe." Umirap si Ali. "Tina-try ko namang gandahan yung gawa ko pero ,pag nagpasa na si Sol,luluhod na lang talaga kami ,eh. Talong-talo talaga. Hindi pa kami nakakapagpasa ,nasa acceptance stage na kami.
"Nag joke pa nga! Hindi bagay sa inyong masyadong ma-drama! Ako lang dapat! "Guys wag nyo kong purihin masyado. Baka manlibre ako!" Tumawa ako at bumili ng fish ball.
"Nasaan na ang crush mo?" Tanong ni Sheena bigla.
Saka ko lang naalala na hinahanap ko nga pala 'yong baby ko na yon! Ang sabi nya kasi sa akin sa last DM ay huwag daw akong magulo kaya hindi ko na siya ginulo. Marami pa ata ang readings niya. Balita ko kasi, mahirap daw ang Marketing. Isinusumpa raw nila yon.
"Hoy!" May bumatok sa akin kaya halos mabulunan ako sa kinakain kong fishball.
Tiningnan ko ng masama si Kairi na nakangiti pa sa harap namin,nakahawak pa sa strap ng bag niya at naka-uniform. Suot din niya 'yong glasses niya. Hindi naman talaga malabo ang mata niya. Pakiramdam lang daw niya ay kailangan niyang bumagay sa mga taga-Engineering. Mukhang matatalino raw kasi. Mas sira-ulo pa siya sa sira-ulo!
"Punta kayo sa game ha?" Pag aaya niya.
"Mananalo ba kayo?" Pang aasar ko kaagad.
"Pag nanood ka ,trust me,mananalo kami." He smirked at me and I immediately rolled my eyes.
"May libre bang tickets? Sino ba'ng kalaban niyo?" Tanong ni Sheena,interesadong pumunta. Feel na feel ang pagka-panther.
"Bibigyan ko kayo ng tickets. Dali lang kumuha eh! Tigers ang kalaban namin kaya 'nood kayo" pagpupumilit pa niya.
Tumingin siya sa'kin habang kumakain ako. "Sige na,Sol,pumunta ka na. "Kapag pumunta ka ,ililibre kita samgyupsal!"
"Oo na leche!" Sabi ko,sabay tapon ng baso sa basurahan. Umalis na rin si Kairi dahil may training pa raw siya. Nang maiwan kami nina Ali,hindi ko maintindihan ang dalawa. Parang nag-uusap sila kahit wala namang sinasabi at nagngingisihan pa.
"Anong problema nyo?" Tanong ko.
"Wala! Guwapo ni Kairi, 'no?" Nakangiting sabi ni Ali.
"Guwapo? Eh ,di ligawan mo",walang pakiramdam na sabi ko habang umiinom ng softdrinks.
Nang matapos kaming kumain,sabi ko ay babalik na ako sa campus dahil may gagawin pa ako at iyon ay ang hanapin si Kleo. Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an ang tapat ng campus. Inilagay ko iyon sa IG story ngayong araw kaya napagdesisyunan kong i-stalk nalang ang friends niya. Fina-follow naman ako nina Duke at Jay.
Tiningnan ko ang IG story ni Jay. May libro... May libro... May business... Napatigil ako nang makita ang IG story niya sa loob ng classroom. Stolen picture iyon ni Kleo na nakatayo sa likuran niya,tapos ang caption:
"Sana all maraming recit."
Ang hindi ko maintindihan ,marami siyang recitation sa klase nila pero kapag nakikipag usap na siya, daig pa ang fast talk. Isang tanong ,isang sagot talaga. I wondered if may mga nagkakagusto pa sa kanya kahit ganoon siya.
Duh,meron! Ako!
Saka mukha namang marami ngang nagkakagusto sa kanya. Noong nagpunta kami sa CEFI,ang daming babaeng bumabati sa kanya, eh. Partida,tahimik. Kapag friendly pa yan ,baka alayan na yan ng mga bulaklak.
Buti nalang talaga hindi siya friendly.
Tiningnan ko naman ang IG story ni Duke at nakitang nasa gym sila ngayon! Posted four minutes ago lang. Nanlaki ang mga mata ko nang mahagip sa video si Kleo na nagwo-workout. Naka navy blue siyang sleeveless shirt at black shorts. Inaayos niya ang gloves niyang itim at medyo pawisan ang hitsura dahil medyo basa na ang buhok. Nang makita niyang bini-video siya ,pinakyuhan niya si Duke at tinalikuran.
Shet,ako rin pakyuhin mo ,please.
Four minutes ago lang yun so siguradong naroon pa rin sila. Tumayo na ako at pumunta na sa may SM para mag abang ng jeep. Mukhang naghintay lang din ako sa wala. Dinelete ko na rin kaagad 'yong IG story ko dahil nahiya na ako.
Pagkauwi ko, wala pa si Sheena kaya nagbihis na lang muna ako ng shorts bago bumaba. Maggo-grocery na lang muna ako dahil wala na kaming makain. Habang naglalakad ako ay nag-text si Kairi.
YOU ARE READING
Circling Back To You
RomanceFamily, Friendship or Love, What will you choose? Solene Arienne Salvañera, an Archi Student from MSEUF who madly fell in love with Kleo James Sanchez, a Marketing Student from CEFI, they did everything to improve their relationship but the world wa...