Chapter 3. (Message)

24 2 0
                                    

"Hoy nagmamadaling umalis?"

Kumaway ako kay Sheena pagkapasa ko ng gawa ko sa Secretary namin. Siya na raw ang magpapasa kay Sir kasi absent ito. Mabuti na ngalang at absent dahil binigyan kami ng konting oras ng pagpapasa kaya natapos ko rin by four PM 'yong plates ko.
Hindi ko parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Kleo kagabi. Is it may time to landi him na? Ito na ba yung exciting part? Kaso wala akong contact sa kanya ,wala pa din akong data kaya di ko mahanap tong socials neto. Magpapaload nalang ako mamaya.
Lumabas muna ako ng campus para bumili ng kwek-kwek,bumili na rin ako ng milktea tsaka ako pumasok uli sa loob ng campus. Patingin-tingin ako sa paligid ,nagbabakasakaling makikita ko si Kleo,alam ko kasi nagpupunta yun dito ng gantong time at gantong araw para bisitahin ang parents nya.
"Hoy!"
Napalingon ako kay Kairi nang tawagin nya ako. Tumatakbo na sya palapit sakin galing sa field. Huminto ako saglit at naupo sa bench malapit sa canteen namin,hinintay ko syang makalapit sakin.
"Anong kailangan m-" Napatigil ako nang kinuha niya ang milktea ko. "HOY!" Hinatak ko ang buhok nya para hindi nya inuman ang milktea ko pero nauna na sya.

Tiningnan ko sya ng masama nang ibalik nya sakin ang milktea ko,tuwang-tuwa pa. Napaka-kapal talaga ng mukha!
"Pakyu ka Kairitot!"galit na sabi ko.
Tinawanan nya ako habang nagpupunas ng pawis. Naririnig kong pinagbubulungan siya ng mga babaeng dumadaan sa likuran ko. Hindi naman talaga kasi maipagkakaila na guwapo tong si Kairi. Tapos "Captain" pa sya ng basketball team.
Full package!
Tarantado nga lang! Hayup na yan! Ininuman ang milktea ko!
"Kapag ako nagkasakit at namatay dahil sa laway mo,ikaw talaga ang sasagot ng hospital bills at funeral ko!" Halos sakalin at sabunutan ko na siya.
"Luh,OA mo naman Sol!" Inismiran niya ako at iniwasan ang kamay kong handa ng sakalin siya.
"Bumalik ka na ron! Hanap ka na ng instructor nyo!" Itinulak ko sya pabalik habang pinupunasan ang straw ng milktea ko. Ngumisi sya sa akin at may kinawayan pa sa likuran ko bago tumakbo sa field.
Umirap ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. May mga nakasalubong akong kakilala ko na kinakawayan ko lang. Halos maikot ko na ang buong Enverga pero hindi ko parin nakikita si Kleo. Naupo nalang ulit ako sa isang bench sa harap ng main building at doon ay nagmasid ng mga dumadaan.
Nag-retouch pa naman ako para sa kanya. Nag powder ako at naglagay pa ng cheek tint at lip tint. Nagpabango pa ako at inayos ang bun ng buhok ko. Naglaglag ako ng kaunting hibla ng buhok sa magkabilang gilid ng mukha ko para kunwari ay messy bun.
Pinaghandaan ko to! Kaya dapat confident parin ang atake!
Sumimangot ako sa harap ng main building. Para talaga siyang painting eh no? Isa to sa mga dahilan kung bakit dito ako nag-enroll,eh. Pakiramdam ko ay nare-relax ako kapag tinitingnan ang building na to pagkatapos ng klase.
"Hey!"
Napaawang ang labi ko nang makita si Kleo sa harap ko. Umupo siya sa tabi ko at tumingin din sa main building habang may hawak na coffee cup sa kabilang kamay. Hindi ako makapag-salita. Na-starstruck ako. Wow! Artista ang datingan ha!
Hindi ko siya gaanong napagmasdan kanina. Naka-gray shirt lang siya at black pants. Naka tuck-in yung shirt nya at may belt siyang itim tapos naka white shoes. Bakit kahit simple lang ang isuot nya ,ang lakas ng dating sakin? Inlove na ba ako? Char.
"Hi,bango mo naman ,galing oxgn perfume mo no?" Agad na tanong ko para masimulan na ang usapan. Kung ano ang itanong sa kanya ,yon din ang isasagot.
"That's not important" sagot niya.
Wow bago! Hindi nya na ako sinagot ng deretsahan!
"Musta plates?"
Napalingon ako sa kanya nang siya naman ang magtanong sa akin. Wow, kinakausap niya na ako ngayon ha! Mabuti naman! Kung hindi sasakit na tong braso ko ,kakabuhat sa usapan naming dalawa.
"Tapos ko na ,pinasa ko kanina lang." Buti absent yong prof kaya natapos ko. Nakalimutan ko kasi nong weekend. Pano dun kami nakatulog kina Aye, di ba?
Tapos nag-mall pa kami. Tapos nong gabi pagkatapos nating mag inom ,dumiretso kami sa bar. Hindi pa naman ako sanay na nagka-cram. Never ko nang gagawin yon!" Pagdaldal ko.
"Ganoon sana eh! Edi sana perfect ako sa essay diba?"
"Ikaw? Musta as a marketing student?"
"Its okay,medyo mahirap pero go lang."
Grabe ,nag-iimprove na talaga siya sumagot sakin, sana mapasagot mo din ako ng "oo" kapag nag propose ka na. Char. Tumayo ako ,kaya't napatingin siya sa akin.
"Tara bili tayo ng Kwek-kwek ,treat ko."
Tumango siya at sumama din sakin. Hinawakan ko na ang kamay niya at tumakbo dahil sobrang bagal niya maglakad. Varsity walk.
Pagkatapos naming bumili ay bumalik na kami sa campus. Nagtanong ulit ako ng ibang bagay sa kanya. Medyo personal.
"Your parents? They're both working here right?"
"Yes,you just asked that last night." Tumango siya habang kumakain nung Kwek-kwek na nilibre ko sa kanya,halatang galit. May mga napapadaang mga babae sa harap namin at pinagtitinginan siya. Napairap nalang ako. Hindi ko alam kung naga-gwapuhan ba sila or just he is a civillian here. Halatang hindi taga rito.
Tumagal pa ang pag uusap namin ni Kleo ng ilang minuto,di namin namalayang mag gagabi na pala.
"I have to leave now Kleo ,hinihintay na ako ni Sheena sa condo,thanks for this day."
"I"ll drive you home."
Wow! Ihahatid nya na ako sa condo ngayon? Baka mafall na ako neto Kleo.Char.
Pumunta kami sa carpark kung san nakapark ang car ni Kleo.

Circling Back To YouWhere stories live. Discover now