Chapter 2.(Your Name?)

23 2 0
                                    

"Makakalabas na raw ako"

Nakangising salubong samin nitong si Kairi. Buti na nga lang at makakalabas na tong mokong na to dahil kung hinde,matatalo kami sa basketball.

"O kamusta katangahan natin ngayon?"
Black panther pa naman pangalan ng team nyo tapos para kang kuting na nakaupo sa kama ngayon. Pang aasar ko sa kanya.

"Kuting mo yang mukha mo Sol!"
Nasan pala si Sheena?di nya na ako dinadalaw ah. Sabi nya naman sakin kagabi hindi sya busy kaya makakabisita sya ngayon dito,pero bakit wala pa din?

"Andami mo namang dada bes"
Kainin mo nalang tong chicken na tinake-out ko pa sa KFC. Bayaran mo yan ha.

Umupo ako saglit sa upuan upang tapusin ang mga hindi ko natapos na plates kagabi. Napuyat kasi ako kaka-review ng mga lessons namin. 4hrs nga lang ata ang itinulog ko kaya halos antukin na ako dito sa loob ng Hospital.

"Huy! Gising! Ano yang ginagawa mo?"

Nagulantang ako dahil sa boses netong bwiset na to.

"Plates ko ,di ko natapos kagabi kasi nag all nighters ako sa acads, may exam kasi kami mamayang 1pm. Alam mo naman ,napaka-strict ng Prof namin pagdating sa plates and examinations ,kaya ito,tinatapos ko na"

Habang tinatapos ko ang plates ko ay biglang may pumasok sa loob.

"Sheena!" Nakangiting bati ni Kairi

"Oh sabi ko naman sayo makakadalaw ako e ,may ginawa lang kami sa school kaya na-late ako ng punta dito. By the way ,ito na pala yung special request mo.

"Thankyou She ,the best ka" pambobola nito kay Sheena.

Agad namang umupo si Sheena sa tabi ko para asarin ako at guluhin sa ginagawa ko.

"Ano?hindi ka parin tapos? Bagal mo naman"

"Halata bang tapos na ako? Palibhasa kasi napaaga ang uwi mo kagabi kaya nagka-time ka pa para sa review. Eh ako halos 8pm na yata ako dumating,tulog ka na nga e. Napatingin ako sa gawi nya at inirapan sya.

"Sus,kunwari ka pang na-late pag-uwi ,siguro nag-meet pa kayo ni Kleo ,kaya natagalan ka" Pang-aasar nito.

"Sinong kleo?" Narinig ata ni Kairi ang sinabi ni Sheena ,kani-kanina lang.

"Si kleo! Yung bagong nilalandi nitong si So-l"...... Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil tinakpan ko ang bibig nya. Masyado syang madaldal.

"Ah ,gwapo ba yang Kleo na yan?" Tanong ni Kairi habang nakataas ang isang kilay.

"Malamang sa malamang ,gwapo si Kleo ,lalandiin ko ba yun kung hindi gwapo,tsaka happy crush lang naman ,pampa-inspire lang ba ,ganun".

"Pampa-inspire?bakit kailangan mo pa nyan eh nandito naman ako." Tumingin sya sakin at kinindatan ako.

"Yuck,eew ,kadiri naman. Bakit kita lalandiin eh mukha kang zombie" Pang-aasar ko sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami sa loob ng Hospital ng ilang oras at di namin namalayang magta-tanghali na pala. Umalis na kami ni Sheena sa Hospital at pumunta na sa School dahil may Exam pa kami.

"Bilisan mo Sol! Mala-late na tayo" halata namang kinakabahan sya dahil sa boses nya .

"Oo na ,eto na nga. Ambilis-bilis na nga ng takbo natin e"

Narating namin ang room namin at buti nalang nakaabot kami sa eksaktong time. Pag kasi nalate ka at may exam ,automatic 0 na ang exam mo ,No scores,No remedials.

"Pass the answer sheets ,backward." Nasa badmood ang Prof namin today kaya ang tahimik ng classroom namin ngayon. Mahigpit din kasi talaga tong Prof namin.

Circling Back To YouWhere stories live. Discover now