Zaiden
Malapit na kami sa aming room at tanaw na tanaw din kami mula dito sa labas dahil ang pinto ng classroom ay nakatapat mismo sa may hallway.
Hindi man lang sila nag aksaya na tignan kaming tatlo imbes na tumutok na lang sila sa itinuturo ni ma'am Palon.
Sanay na rin sila sa amin na laging May ligta sa bawat araw na papasok. Ngunit ito na nga si ma'am! Magtatanong na naman kung saan galing e, iisa Lang naman palagi ang aming sagot.
Mabait naman si ma'am pero pinagsasabihan niya lang kami marahil gusto niyang maayos kami kapag hindi na siya ang mag-hahandle sa amin.
"Kayong tatlo saan na naman kayo nag susuot? Disoras ng klase pero kung saan-saan pa kayo nagpupupunta?" Ayan na nga nye nye nye sayang ka ma'am! Ganda mo pa naman tas laging red day...
"K-kasi ma'am..."
"Okay take your seat, Cherry and Yumi pahiramin niyo na lang sila ng lesson natin ngayon. May meeting pa rin ako pero hindi pa kayo pwedeng umuwi. Dito na lang muna kayo. Huwag lang kasyadong maingay! Okay I'll be back" mahabang saad ni ma'am na tama lang para marinig ng lahat.
Nandito na din kami sa aming upuan dahil noong nagsasalita pa lang si ma'am naglalakad na kami patungo rito. Magkakatabi lang din kami ng upuan.
"Oh" si Yumi ko.
Inabot niya sa akin ang isang notebook katulad ng sinabi ni ma'am Palon. Tinanggap ko naman ito at nagsimulang kopyahin ang bawat mahahalagang statement sa topic namin ngayon.
"Bakit ganito!? Ang pangit naman ng sulat mo! Hindi ko maintindihan!!" Angal ni Alex. Isa pa tong abnong ito! Ganda ganda ng sulat ni Cherry. Mapang-asar talaga!
"Mata mo yung' May problema! Kung ayaw mo akin na! Leche ka ah!" Sagot naman ni Cherry habang binabawi yung notebook niya kay Alex.
"Ang pangit talaga!! Tsk, O-ops w-wait!! Akin na yan! Sabi ni ma'am talon pahiramin daw! Uyy!!" Nagsisimula ng lumakas ang boses niya. Hindi na siya nagsusulat at nakikipagasaran na lang kay Cherry. Natapos din agad ako dahil kaunti lang naman pala ang lesson ngayon.
"A-arayy! Pahiramin mo nga daw ako sabi ni ma'am Talon!" Saad muli ni Alex habang itinataas taas yung notebook ni Cherry.
"Ang galing mo naman! Pahiram pero puro panlalait! Baka nga mas maganda pa handwritten ko kisa sayo! Akina yan!!" Sagot naman ni Cherry at patuloy parin sa pagtataas taas ng notebook ni Cherry na para bang nang-aasar.
Lahat ng classmates namin dito nakatingin na rin kila Alex. Pati ako tutok na rin sa kanilang dalawa.
"Aray! Napaka brutal mong babae ka!"Asal ni Alex ng sipain ni Cherry ang itlog niya.
"Akin na sabi yang notebook!" Sagot na naman ni Cherry na naiinis na.
"Ma'am!!! Ma'am Talon!! Si Cherry Andres po ginagahasa ako!!!! Huhuhu... MA'AM TALONNNN!! GUSTO AKO GAHASAIN NI MS.ANDRESS!! " isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Alex ng kurutin ni Cherry ang kaniyang bewang.
"Mr. Mendoza! Ma'am Palon not talon!" Pagtatama ni ma'am kay abnong Alex. "Hindi pa ako nakakaalis ang ingay mo na! Tapos mo na ba yung' pinapakopya ko sa inyo?" Dagdag na tanong pa ni ma'am.
Hindi naman ito nakaimik at lihim namin siyang binubungisngisan.
Deserve.
©:Tianaaa

YOU ARE READING
Ssg President Obsession
Romance-His name is "Daviel Peñaverde" a type of man who has little patience. Always has a blank aura, always has a smoky nose when you don't immediately do what he orders. He always said "punishment" But... he has been looking for someone for a long time...