Zaiden
We are now at the cafeteria.
"Zai, dito" Pagkuha sa aking atensyon. Nakita ko naman don yong tatlo.
Inakbayan ko si lil'sis and usual. Nasa aming dalawa ang attention lalo na kay Zenny. Ang sama ng tingin nila sa kanya. Daig pang hindi makakalabas ng buhay dito ang kapatid ko.
"Asan si labidabs mo?" Tanong ni Alex
Yan yong gusto kong kaibigan, supportive.
"Nandon sa 3rd floor nakikipaghabulan don sa pinsan niya" Sagot ko.
Ipinaghigit ko ng bangko si lil'sis at kumuha din ng akin.
"Bakit hindi pa kayo umo-order?" Tanong ko dahil tanging mga cellphone lang nila ang kanilang kaharap.
May itinuturo sila sa may counter at kasabay non ang paglingon namin ni Zenny sa lugar na yon.
Kelan pa nag offer 'to si pres na mag-order?
Andami niyang dala sa isang tray tapos may ilan din siyang kasunod na may mga dala ding tray.
"Tulungan niyo si pres" Sabi ko sa dalawang abnoy.
"Kayang-kaya yan ni pres"
"Tama, kaya yan ng isang PEÑAVERDE" sabi ni Matheo at diniinan pa ang last name ni Pres.
Okay
"Yumi!"
Napatingin naman ako sa tinawag ni Cherry.
Andyan na si labidabs, wala siyang ibang kasama at nasa kanya naman ang atensyon ngayon.
Lalo na ang mga kalalakihan.
Wag lang silang magkakamaling agawin ang one and only ko.
"Zaiden, help me with this"
Nakakagulat naman 'to si pres.
Agad kung kinuha ang tray na hawak niya at ibinababa sa mesa.
Habang inaayos ang mga orders niya umupo naman ito sa kinauupuan ko kanina.
Mang-aagaw ng upuan ako nauna don e!
Palibhasa gusto niya makatabi si Zenny
Natapos kung ilapag ang mga nasa tray at tinulungan din ako ni Yumi sa iba pa.
May pa-fiesta na naman ata kasi itong si pres.
Sa bagay, pabor na naman 'to sa matatakaw na nilalang.
Iniabot kona kay Ateng cafeteries ang mga tray na pinaglagyan at kinuha niya naman agad ito. May pakindat pa nga e.
"Pres, Alam ko namang hindi icecream si Zenny pero baka matunaw yan" Nang-aasar na sabi ni Alex at kumuha ng isang sandwich.
Nahihiya pa, gusto lang naman kumuha ng makakain.
Hindi iyon pinansin ni pres at hindi na rin ako nag-aksayang mag bigay ng atensyon sa kalokohan nitong kaibigan naming may damaged sa whole body.
"Let's eat" malamig na anyaya ni Pres.
Tsk, kami na lang ang kakain total busog Kana sa katititig sa kapatid ko
"Sis, ito oh juice" Abot ni Cherry kay Zenny
Tinangap niya naman ito at nagpasalamat.
Napunta kung saan-saan ang usapan at hindi maitatanggi na talagang hobby na ni Alex ang pagiging siba pagdating sa pagkain.
"Restroom lang kami ah" Sabi ni Cherry at hinila si Zenny at Yumi.
Tumango lang ako habang si pres naman ay nakatingin doon sa papalayong tatlo.
"Hoy pres, Pinagpapantasyahan mo na ata kapatid ko" Pagsita ko at sinamaan niya lang ako ng tingin.
Ito naman hindi mabiro, Sobrang defensive, siguro totoo
tss
"Hoy Lex, nahiya kapa dyan sa isang chocolate cake sa harap mo. Baka gusto mo pang i-take out?" Si Math.
"Grabe ka naman sakin niyan Dre, pero to be honest hindi ako nahihiya talagang ipapa-take out ko yan. Sayang e" sagot naman ng mukong.
Nako naman talaga
Matagal pa kaming naghihintay don sa tatlo, nakuha na lang lahat ng mga pinagkainan dito wala parin sila, umuwi na ba yon?
Tagal!
"Math, Alex, mabuti pa ay bumalik na kayo. Malapit na ang class hour baka malate pa kayo" sabi ko sa dalawa na busy sa pagpindot sa kanilang cellphone
"Mabuti pa nga, ang tagal nila" sabi ni Matheo at tumayo na, ganon na rin ang Alex na dala-dala ang paper bag na naglalaman nong chocolate cake kanina
"What a covetous creature" nakakalokong sabi ni Matheo.
"Ano?"
"Wala"
Nag-aasarang sabi pa ng dalawa at tuluyan ng nawala sa aking paningin.
Ako at si Pres na lang ang nandito, naiinip na din ata
YOU ARE READING
Ssg President Obsession
Romance-His name is "Daviel Peñaverde" a type of man who has little patience. Always has a blank aura, always has a smoky nose when you don't immediately do what he orders. He always said "punishment" But... he has been looking for someone for a long time...