SPOILER
"Total mag-e-end na ang school year, mag-shoot kaya tayo dito sa school?"
Maraming sumang-ayon sa kaniyang suhestiyon, may nagsisigawan at natutuwa sa opinyon na iyon
"Tama, ako na para sa mga pulutan" proud na sabi ni Ediel
Wala ang aming subject adviser kaya ang lakas ng loob nilang mag-ingay
"Ako ng bahala sa alak, kukuhanin ko mga imported liquor ni daddy sa mansyon" Masiglang saad ng isa pa naming classmate at nag saludo pa
Mga pasaway talaga
Napapailing na lang ako sa mga kabaliwang sinasabi nila at nag-fucos sa ginagawa kung letter para sa mga abno kung bff's
"Siguraduhin niyong hindi kayo nakita ni manong guard ha!" Nag-aalalang tanong ng room president namin.
Naka-set na ang lahat, tsaka hindi na nakatiis na lumabas ang mga naka-assign sa bibili para sa magaganap na kasiyahan.
"Ilagay niyo na yan sa lalagyan na hindi mahahalata" patukoy sa alak na kinuha.
Nagtipon-tipon na ang buong section at mga estudyante'ng galing sa ibang section katulad ng mga pulutan na ngayon ay naka-ayos sa gitna ng desk
Nagsimulang magsaya ang lahat, kwentohan, asaran, at hindi mawawala ang lambingan ng mga ka-klase kong feeling sila talaga hanggang dulo.
Kawawa na naman ang mga NBFSB/NGFSB
"Roselle it's your turn" patukoy sa aming class president na kinukulit ng kaniyang kaibigan.
"Shoot na!" Pag-cheer pa ng iba
Kukuhanin na ni Roselle ang baso ng may magsalita.
"ANONG GINAGAWA NIYO!?"
Galit na sabi ni Madam Gutierrez at pinagkatitigan ang lahat.
"Wala naman madam, nag memeryenda at nag ba-bonding lang naman kami"
Magsasalita pa sana si Ma'am or madam ng may tumawag sa kaniyang estudyante.
"Kayo ha, magsi-uwi na kayo mamaya at mauunang lumabas ang mga teachers" nakataas ang kilay na saad nito.
Agad naman kumindat kay Roselle yung student na inutusan na tawagin si Madam Gutierrez.
"Okay ma'am, No worries uuwi din po kami" mahinahong sabi ng vice president.
Tumango lang ito at nag-mostra na aalis na siya.
Hindi naging dahilan ang pagpunta ni Madam Gutierrez para itigil ang kasiyahan, natuwa pa nga ang nakararami dahil mauuna ang teachers na umuwi.
"Miss ko na siya pre" Maya-maya'y sabi ng aming secretary.
"Ansakit parin dito, gago" He added while nakaturo sa kanyang dibdib.
"Hindi ako makapaniwalang gagawin niya yon sakin" Nag-dadramang sabi nito. Langong-lango na siya sa kalasingan dahil kung magsalin ng alak sa baso kala mo naman mauubusan
"Balik kana oh mapapatawad naman kita" Rupok naman
Dinamayan nalang siya ng mga baliw pa naming ka-klase na may halong pang-aasar.
"Lasing na siya, hatid niyo na nga yan" Sabi ko at kumuha ng chips.
Weak naman ng mga 'to
"Guys, anong plano niyo pagkatapos ng graduation?"
Tanong ni Yumi na kumuha sa aming attention.
"Mag-aasawa na" nakakalokong sagot ni Andy.
"Ulol"
"Balak kong sa ibang bansa magpatuloy" matinong sabi ng aming presidente.
Maraming nalungkot at sinasabing wag na daw dahil mamimiss nila si Roselle
Mamimiss rin kaya nila ako?
Andito parin kami sa aming classroom habang pinagpapatuloy ang pagsasaya.
Walang nag-ayang umuwi kaya kung ilan kaming nagsimula ganon rin matatapos.
Mauubos na ang liquor pero hindi pa naman ako masyadong tinatablan.
Iniinit lang, may aircon naman pero kaya pang tiisin
Madami na ang mahimbing ang tulog, meron sa desk, sa upuan na pinagtabi-tabi, at sa papag.
At kaming malalakas gising parin.
"Hey that's enough" Si Alex habang namumula na ang mukha sa kalasingan.
Malakas 'to sa alak sa horror movies lang hindi.
"Wag ka nga, kunti nalang naman 'to" saad ko ngunit kinuha na niya ang hawak kung baso.
Hinayaan ko nalang at pumunta na sa isang tabi.
Nakita ko pang lumabas si Matheo habang hila-hila si Alex palabas ng classroom pero hindi ko na binigyang pansin. Baka magpapahatid
"Shury, beshfrimd" lasing na sabi ng katabi ko. Si Yumi
Weak
"Shut up, matulog kana baka kung ano pang kagagahan gawin mo" direktang sabi ko dito.
Ngumiwi lang siya at itinagilid ang mukha
Muka silang dinaya
©: Tianaaa

YOU ARE READING
Ssg President Obsession
Romance-His name is "Daviel Peñaverde" a type of man who has little patience. Always has a blank aura, always has a smoky nose when you don't immediately do what he orders. He always said "punishment" But... he has been looking for someone for a long time...