10(SPO)

284 12 0
                                    

ZAIDEN

Hindi maiguguhit ang gwapo kung mukha sa dulot ng saya na aking nadarama. Pakiramdam ko umiikot yong kinatatayuan ko.

"Hoy, Zai umayos ka nga 3.7 daw yong nangyaring lindol in a few minutes, bakit nalulutang ka dyan?"

Panira

Lumindol lang pala kaya parang umiikot ako.

Malalim na ang gabi kaya itataboy ko na itong mga 'to.

Umaabuso na sila, kanina pa sila nakahangka sa mesa.

"Umuwi na kaya kayo ano? May pasok pa tayo bukas kaya shuu, umalis na kayo" pagtataboy ko.

Nasa taas sila Mom magpapalit lang daw.

Kami lang ang narito sa baba at wala silang ginawa kundi lumamon.

Baka bukas ubos na ang pagkain namin dito.

"Mamaya na, diba sabi mo kukumbinsihin pa namin si Zenny para hindi na siya bumalik ulit don?" Si Cherry.

"Baliw, joke lang yung kanina tinetest ko lang naman si pres kung kakagat"

"Baliw ka talaga e kung sabihin ko kaya kay pres yan?" Sabi ni Yumi ko.

Tumutol agad ako at nagbaitbaitan sa kanyang harapan.

Kaibigan ba talaga kita?

Kung ka-ibigan, pwede pa.

"Nood tayo horror movie" Suggest ni Matheo at agad na kinuha yung mga CD.

Walang umawat sa kaniya sa kanyang ginagawa dahil wala namang takot yung dalawang babaeng kasama namin, maliban na lang kay Alex na ngayon ay nakatalukbong na ng unan.

"Ito, Wrong turn" sabi niya habang hawak-hawak yong CD.

Wala akong nagawa na paalisin sila kaya hinayaan ko na lang don sa sala.

Anong oras kaya dadating si lil'sis?

"Come on Alex, hindi naman to nakakatakot" pang-aasar ni Cherry sa kaniya.

Ngayon ka kay Cherry.

"Tumigil ka nga! Hindi naman ako takot ah!" Sagot niya at tinagkal ang nakaharang na unan sa mukha, pero sa gilid naman nakatingin.

Mahina.

Maya-maya pa ay may tunog ng sasakyan, I thought sa pinapanuod namin nanggaling yung tunog, sa labas pala.

Napabaling kami ng tingin doon at nakita namin si lil'sis papasok dito sa sala.

Sino yung kasama niya?

Masaya silang nag-kukukwentuhan at nabaling sa amin ang kanilang atensyon.

Tumigil sila sa pag-uusap at agad niyang hinila papunta sa amin ang lalaking kasama niya.

"Hi kuya, andito pala yung mga friends mo. Ito pala si Kim, Kim, Si Kuya Zaiden, ate Yumi, Cherry and ahm... —

"Alex, handsome for short"

"Matheo"

Pagpatuloy ng dalawa. Kawawa naman hindi sila kilala.

Mukang half American to ah

"Hi, I'm Kim Lester Haydn"

The accent is very Americano

©: Tianaaa

Ssg President Obsession Where stories live. Discover now