05(SPO)

469 17 0
                                    

Cont.

Niyakap nila ang kapatid ko na kanya namang ipinagtaka, marahil hindi pamilyar sa kaniya ang dalawa. pati ako! Kung hindi pa siya nagpakilala hindi ko pa malalaman!

"Matagal na ba tayong mag kakilala?" Humiwalay siya sa yakap ng dalawa at Takang-taka sa nangyayari.

Baka naman hindi niya ako mamukaan? Ang pogi ko kasi e!

"Zai! Pakilala mo naman ako sa kapatid mo!" bulong ng katabi kong si Alex.

"Hindi mo naman sinabi! Ang ganda pala ni Zenny!" Isa pa itong si Mathematics.

PSH!

Babaero!

"Mana mana lang yan Dre, Pogi ang kuya e!"nagmamayabang kong sagot sa dalawa na nagkabit-balikat lang.

Hindi kasi matanggap na ako yong pinaka handsome sa aming mag kakaibigan. tsk tsk tsk

"S-sorry I forgot, Hindi kasi kayo pamilyar sa akin. but it's ok, atleast kilala ko na ngayon!" Nabalik ang atensyon ko sa tatlo. Nakabusangot na ngayon yong dalawa at ito namang kapatid ko, halata namang pilit lang na ngiti yung ipinapakita niya.

"Walasstik naman Zenny! Why naman nakalimutan mo ang isang Dyosa like me?!" Nagmamaktol na asal ni Cherry the childish.

"Uy tama na yan! Tara na sa cafeteria!" Aniya ko at inakay naman si lil'sis patungong caf.

Naglalakad na kaming anim papuntang cafeteria at ngayon ko lang din napansin na wala na pala si pres. na kasama namin kanina

Nasa daan lang yun kanina e!

Asan na yun? Hoy ikaw kita mo? Where is he?

Parang kahapon lang e, galit na galit! Tapos ngayong nandito na bigla na lang nawala!

Asan na yon?

"Mat, nakita mo ba si pres?" Tanong ko.

"Hindi" wow as in wow! Ang galing ng sagot mo tol!

"Ayan na silaaa!"

"Fafa Alex! Date me!"

"Sino yung kasama nila?

"Ewan ko? Baka gusto mong itanong. Go!"

"Nilalandi niya si baby Zai ko!"

Mga utak niyo! Kapatid ko yan!

"Crush kita Cherry!!"

"Yumi! Baka pwedeng pabahagi ng ganda!"

"That bitch! Nilalandi niya ang future ko!"

Samot saring komento ang mga narinig ko magmula sa kanila habang papasok sa entrance ng caf.

Shimpre tumabi sila habang dumadaan ang gwapo.

"Che, Yumi ko, Hanap na muna kayo ng table. Isama niyo na si lil'sis, kami na lang o-orde-"

"No need na dre! Nag text sa akin si pres, ayon oh!" Giit ni Mat at inimostra naman niya kong saan naroon si pres.

Ay, ayun pala ang ogag! Wow! May pa pyesta ata si Mr.peña de apple?

"Tara na don" aya ko sa kanila patukoy kung saan nasan si pres ngayon.

Naging maamo ang kaniyang muka na dati ay blangko. Hindi katulad kahapon! Kulang na lang patayin kaming lahat ng makaharap niya.

"Kanina ka pa ba diyan pres?"tanong ko pero wala man lang kahit na anong sagot, Dahil ang atensyon niya ay na kay Zenny. Ang matagal na niyang pinapahap at hinahanap sa matagal na panahon.

Tsk. Iba talaga pag in-love!

Umupo kami isa isa at si lil'sis na lang ang natitirang nakatayo. At ang isang vacant na upuan ay ang katabi ni pres. Kaya wala na siyang choice.

Lumapit siya sa tabi ni pres na bangkuan at hihilain na sana niya ito ng si pres na ang gumawa para sa kaniya. Pagentleman yan!

Umupo naman agad siya at tinignan niya si pres ng inosente, na parang hindi niya nakasama noong mga childhood memories nila, kung paano siya tumakas sa mansyon haha

"Thank you?" Nagpapasalamat siya kay pres ng may pagtatanong kung anong pangalan ng pasasalamatan niya.

Hinintay namin kung anong next na gagawin ni pres pero tinignan lang niya kami ng nagsasabing "Iwan niyo muna kami" agad naman naming naintindihan kung bakit at isa isa kaming tumayo sa aming kinauupuan. Nagtaka naman si Zenny ng nagsitayoan kami.

"Where are you going guys?" Nagtatakang tanong niya, pero ako na lang ang natitirang nakatayo sa harap ng table at nila pres.

"Babalik rin kami, o-order lang kami ng gusto namin." Pagsisinungaling ko.

"Look at this." Turo niya sa mga nakahain. "Ang dami kaya nito!" Dagdag pa niya.

"Babalik rin kami, bye bye" aniya ko sabay talikod. May tiwala naman ako kay pres. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko pero nag dire-diretso na lang ako, kung nasaan ang mga kaibigan kong abno.

©:Tianaaa

Ssg President Obsession Where stories live. Discover now