PROLOGUE

51 5 0
                                    


PLAGIARISM IS A CRIME.

ALL THE NAMES AND EVENTS INSIDE MY STORY IS JUST PART OF MY IMAGINATION.

Sa isang tahimik na silid na tanging tunog lamang ng mga butiki at ibon ang maririnig isang babae na may maamong mukha na gaya ng sa isang diyosa ang mahimbing na nakahimlay. May mga galos at may benda na maayos na nakabalot sa kanyang ulo.

Until unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at inilibot sa silid ang mata na puno ng pagtataka. Nang mapagtanto na hindi ito ang kaniyang silid wala pang isang sigundo ay napabalikwas sya ng bangon mula sa pagkakahiga na naging sanhi ng pagkirot ng kaniyang ulo at ng kaniyang mga sugat sa katawan.

Hawak ang kanyang ulo ay tumayo siya at nilibot ang silid sa kabila ng iniindang sakit makikita ang pagkamangha sa kanyang mga mata sa kanyang nakikita, isang silid na puno ng mga bagay na halos sa buong buhay niya ay ngayon niya lang nakita.

Nang matapat siya sa isang salamin kung saan kita ang kaniyang kabuuan ay labis ang kaniyang pagkabigla at ang tanging iniisip ay 'Sino ito?' dahil hindi ang kaniyang sarili ang kaniyang nakita kundi isang babae na may napakagandang mukha at hubog ng katawan na nakasuot ng hanfu habang nakatitig sa repleksyong kaniyang nakikita sa salamin muli niyang binalikan ang nangyari bago niya matagpuan ang sarili sa silid na kanyang kinaroroonan.

Habang nagsasalita sa harap ng maraming tao isang bala ang tumama sa kaniyang puso na naging sanhi ng kaniyang kamatayan. Nabalik siya sa ulirat ng maalala ang nangyari.

" Am I dead?" Tanging na ibulalas lang niya sa kawalan at malalim ang iniisip.

Sa kabilang banda isang babae ang komportableng nakaupo sa isang trono hawak ang isang kopita at may mala demonyong ngisi sa kanyang mga labi na tila may isang magandang bagay ang nangyari.

" I will erase you in this world my dear friend. " Sabi nito at tumawa na parang baliw at tila ba nasisiraan na ng bait.


Author's Note

There might be some errors while reading but please be understanding thank you!

Alora_Vin'nyla

The Villain's Reincarnation: The RulerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon