(Ariana's P.O.V)
Pagkatapos kong ma overdose kakatawa kasama si Clifford. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa school.
" Ma'am Andito na po tayo sa school nyo." sabi ni Clifford.
" Ay. Grabe Hindi ko namalayan na nandito na pala tayo." sabi ko.
" Maging maganda sana yung araw mo ma'am." sabi ni Clifford.
" Thank you Clifford, promise. Napasaya mo Ko." sabi ko.
Nginitian lang ako ni Clifford. Ang saya pala nya kasama.
Nasa school gate na Siguro ako ng may biglang humatak saakin. Halos kaladkadin na nga ako eh.
Pero, I think. Babae yung humatak saakin. Ang sexy tapos yung kuko nya. May nail polish.
Hinayaan ko nalang. Eh ano naman kayang kailangan ng babeng ito saakin.
Maya- maya, Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa rooftop ng building.
" Hoy, ano bang kailangan mo saakin." sabi ko.
" Pasensya na, Ariana. Napag utusan lang ako ni Mommy eh." sabi nung babae. Nakatakip pa kasi yung mukha eh.
" Sino ka ba talaga ha. At anong kailangan mo saakin. " sabi ko.
Maya maya. Tinanggal ng babae yung nakatakip sa mukha nya. And nakita ko ang mukha nya. Tang ina, kinabahan pa naman ako kung sino tong humatak saakin, si Jessica lang pala.
" Jessica, anong kalokohan naman ito." sabi ko.
" Sorry Ate, si Mama kasi inutusan ako na gawin ito." sabi ni Jessica.
" Bakit, ano bang inutos sayo ni Mama." sabi ko.
Bigla na lang nilabas ni Jessica yung phone nya. Tapos nag dial sya, Hindi ko alam kung sino yung tinatawagan nya eh.
" Oh ito, dinayal ko yung number nya. Gusto ka daw nyang makausap." sabi ni Jessica..
Kinuha ko na lang yung cellphone nya. Wala na rin akong magagawa kasi late na rin ako sa klase ko.
" Hello, Ma. Si Ariana ito." sabi ko.
( Oh Anak, Pinapunta ko diyan si jessica para kausapin kita.) sabi ni Mama.
" Eh ano po bang sasabihin nyo saakin?" tanong ko Kay Mama.
(Tutal late ka na rin sa klase mo diba. Punta ka na lang dito sa cafe sa tapat ng school nyo.) sabi ni Mama saka ako pintayan.
Magsasalita pa sana ako kaso pinatayan na ako eh.
" Jessica oh." sabi ko tapos inabot ko kay Jessica yung phone nya.
" Anong sabi ni Mama?" sabi ni Jessica.
" Pumunta daw ako sa coffee shop dyan lang sa tapat ng school." sabi ko.
" Sama ako, sasabay na rin ako kay Mama." sabi ni Jessica.
" Tayo na." sabi ko.
At ganun na nga ang nangyari. Pumunta kami sa coffee shop at nakita si Mama.
" Ma." sabay naming sabi ni Jessica.
" Upo kayo." sabi ni Mama.
" Bakit ba ma. Ano bang pag uusapan natin." sabi ko.
" Mamaya, hintay hintayin lang natin sya." sabi ni Mama.
" Sinong sya ma?" sabi ni Jessica.
" Oh, andyan na pala siya." sabi ni Mama.
Tumingin kami ni Jessica kung saang direksyon nakatingin si Mama. And nakita namin si Mrs. Sherricole. The owner of Sherricole Academy.
" Hi mare. Musta." sabi ni mama kay Mrs. Sherricole.
" Hi rin Mare." sabi naman ni mrs. Sherricole.
" Upo ka." sabi naman ni Mama.
At umupo naman si Mrs. Sherricole sa upuan. Ano ba talagang meron?
" Hi Ariana. Siguro nagtataka ka kung bakit kasama ako sa usapan nyo. Tama ba ako." sabi ni Mrs. Sherricole.
" Opo." tipid kong sagot.
" Andito ako kasi para sabihin sayo na. Ariana. Please do me a favor." sabi ni Mrs. SHERRICOLE.
" Ano pong favor?" sabi ko.
" Tulungan mo naman ako kay Mark. Yung anak ko na ka seat mate mo. Masyado kasi Shanghai cold. Gusto ko sana, tulungan mo akong patinuin sya." sabi ni Mrs. Sherricole.
Anong klaseng favor yan Mrs. Sherricole. Patinuin yung anak nyong napaka cold. Isa pa Mrs. Sherricole. Hot ako, si Mark cold. Hindi kami perfect combination, at paniguradong magiging aso't pusa lang kami.
" Mrs. Sherricole, diba parang ang hirap ng pinapagawa nyong favor saakin." sabi ko.
" Well kapag napatino mo yung anak ko ibibigay ko ang lahat sayo." sabi nya.
" Pero ma'am, walang katiyakan kung mapapatino ko sya." sabi ko naman.
" Sige, kung ayaw mo. Si Jessica na lang." sabi nya.
" Ok, fine." sabi ko.
Ay. Pakiulit nga nung sinabi ko. Sinabi ko bang ok. Naku, kahinaan ko talaga itong si Jessica.
" Kahinaan mo pala talaga ang kapatid mo." sabi ni Mrs. Sherricole.
Tumango tango na lang ako. Totoo naman kasi iyon eh. Ayoko kasing idinadamay pati kapatid ko.
" Sige, pag usapan natin kung anong plano." sabi ni Mrs. Sherricole.
I think it will be a big deal for me.
BINABASA MO ANG
Mr.Cold Meets Mrs. Hot
SonstigesKatangian ni Mr. Cold 1.malamig na pagkatao 2. mayaman 3. matalino 4. gwapo 5. hindi matinong kausap ang boring naman kung ma iinlove ka sa isang cold guy. Katangian ni Mrs. Hot 1.maganda 2. matalino 3. mayaman 4. hot 5. sexy siguro ang swerte nang...