( Ariana's P.O.V)
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Katatapos ko lang maligo at mas lalong katatapos ko lang magbihis.
Sa ngyon nag aayos na lang ako ngayon ng mga damit na dadalhin ko. Lilipat na kasi ako sa bahay nila Mark.
Yes, tama ang mga narinig nyo. Ibig sabihin non. Kasama ko ang cold na si Mark.
FLASHBACK:
" Sigurado po ba kayo sa gusto nyo?" tanong ko.
" Sasabihin ko ba sayo kung Hindi ako sigurado." sabi ni Mrs. SHerricole.
" Pero..." sabi ko pero biglang nagsalita ulit si Mrs. Sherricole.
" No but's ariana. Gusto naman kitang makasama eh." sabi naman niya.
END OF THE FLASHBACK
Ano ba naman kasing pumasok sa utak ko at pumayag ako sa gusto ni Mrs. Sherricole.
Dahil sa inis ko. Naibato ko tuloy yung cellphone ko na tumama naman sa pinto ng kwarto ko.
Sakto naman pagkabato ko non, biglang pumasok si Jessica.
" Ate may galit ka ba sa cellphone mo." sabi ni Jessica ng makita nya yung cellphone ko.
" Diba obvious, baka gusto mong gawin ko sayo." sabi ko naman.
" Oh ito oh." sabi ni Jessica sabay bigay saakin ng isang kahon.
" Ano ito. Bakit nakabalot pa." sabi ko.
" Buksan mo yan kapag nandoon ka na sa bahay nila ha. Tapos sana, magustuhan mo." sabi ni Jessica sabay labas ng kwarto ko.
Ano ba kasing laman nito. Di bale na nga.
Nilagay ko na lang sa bag yung kahon na binigay saakin nI Jessica. Pagkatpos bumaba na ako sa baba para magpahatid Kay Clifford.
Sakto non nakasulubong ko si Clifford.
" Ano Clifford. Are you ready." sabi ko.
" Para saan po." sabi naman ni Clifford.
" Edi para ihatid ako." sabi ko.
" Ayy, ma'am May ibang maghahatid sa inyo doon." sabi ni Clifford.
" Eh sinong maghahatid saakin?" sabi k0.
" Sino pa eh ako." sabat ng isang boses.
Paglingon ko sa nagsasalita. Muntik muntikan na akong madulas sa kinaroroonan ko at napalakI na lang ang mata ko sa nakita ko.
" Bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ni Mark.
Oo, si Mark ang nakita ko.
" Bakit ka nandito." sabi ko ng pagulat.
" Malamang para sunduin ka." sabi ni Mark.
" Pero..." sabi ko. Pero di ko na natuloy yung sasabihin ko pero bigla nya akong hinila.
" Alam mo, masyado kang maraming kang tanong na hindi ko naman kailangang sagutin." sabi ni Mark sabay hila saakin papunta sa sasakyan nya.
" Saan mo ako dadalhin, anong gagawin mo saakin." tanong ko kay MARK.
" Saan pa, eh di sa bahay namin." sabi nya ng cold tone.
Bigla naman ako napatahimik sa sinabi nya.Bakit parang komportable lang sakanya na hawakan ang kamay ko at hila hilain. Alam ba nya yung tungkol sa plano namin nila Mrs. Sherricole. Naku, hwag naman sana.
" Pasok, bilisan mo." sabi ni Mark.
" Ito na nga eh, pumapasok na." sabi ko.
Nakakainis naman itong lalaking ito.Sya na nga itong nagsundo saakin, tapos di man lang nya ako pinagbuksan ng pinto. Aba di lang pala sya cold, monster din.
BINABASA MO ANG
Mr.Cold Meets Mrs. Hot
RandomKatangian ni Mr. Cold 1.malamig na pagkatao 2. mayaman 3. matalino 4. gwapo 5. hindi matinong kausap ang boring naman kung ma iinlove ka sa isang cold guy. Katangian ni Mrs. Hot 1.maganda 2. matalino 3. mayaman 4. hot 5. sexy siguro ang swerte nang...