(Ariana's P.O.V)
Maaga akong nagising. Paano kasi, maaga ring nambulabog yung alarm clock ko.
Kahit na ayaw ko pang tumayo, pinilit ko dahil ayokong ma late. Pumunta agad ako sa banyo para maligo. Kaso pagdating ko sa banyo, May iba pang naliligo. Siguro si Yohan lang Yan oh di kaya si Aidan.
Umupo muna ako sa upuan katapat lang nang banyo dala ko yung cellphone k0 na binigay saakin ni Jessica.
Binuksan ko yun, nakita ko na nag txt saakin si Jessica.
' see you tommorow'
Yun ang sabi sa text. At kahapon nya pa ito tinext.
Rereplyan ko sana kaso biglang may nagsalita.
" Maliligo ka rin ba. Tapos na ako." sambit ng isang boses.
Nilingon ko kung sino yun. Tsk!! Sino pa eh di si Mark.
Unti unti kong binaba ang tingin ko hanggang sa makita ko ang 6 pack abs nya. Oh my g. He' s wet look makes him hot. Teka, ano bang pinagsasabi ko.
Nag shake head ako tapos tumayo. Medyo nahilo ako kaya natumba ako, pero sinalo naman ako ni Mark. Kaya yan tuloy, ramdan ko yung abs nya. Tiningnan ko yung mga mata nya. Cold nya akong tinitingnan. Yung mga mata nya. May naaalala ako sa mga mata nya.
Tang ina, naaalala ko na naman yung nangyari nung bata ako. Yung lalaking iniwan ako sa kadiliman.
FLASHBACK 10 YEARS AGO:
Andito kami ni Jessica sa isang Tom's World. Lagi kami ni Jessica dito. Mahilig kaming sumakay sa kabayo.
Kami lang ni Jessica ang laging pumupunta dito. Bakit ba, eh saamin naman itong mall kung nasaan nakatayo itong tambayan namin.
" Ate, nagugutom na ako. Punta tayo jollibee." sabi ni Jessica.
" Oh sige. Halika, Punta tayo sa jollibee." sabi ko sabay naglakad na kami papuntang jollibee.
Pagpasok naming dalawa. Pupunta na sana kaming dalawa ni Jessica sa isa sa mga table ng may magpapaputok ng baril. Nagkahiwalay kami ni Jessica pero nakita ko sya na bitbit ng isa sa mga gwardya dito. Ako naman, nakatago sa ilalim ng mesa.
Dahil sa takot ko. Kakaripas sana ako ng takbo palabas. Kaso May humatak saakin. Tinakpan nya yung bibig ko.
" Tumahimik ka kung ayaw mong mamatay tayo ng maaga." bulong nya saakin.
Hindi naman ako nagpumiglas pa. Ang mahalaga, may kasama pa ako na kasing edad ko lang yata.
Nang makaalis na yung mga nag babaril, bigla na lang ako hinila ng lalaki sa kung saan. Hindi ko alam kung saang sulok nya ako dadalhin.
Pumasok kami sa isang kwarto na medyo madilim. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Pero takot kasi ako sa mga madidilim na lugar na tulad ng ganito.
" Natatakot ako." sabi ko sabay hawak sa braso nya.
He just smirked. Cold nga ba sya?
1 month later.....
Kahit na one month na kaming magkasama. Kahit kailan, diko pa naitatanong kung ano bang pagkatao nya.
" Ooy, ano bang pangalan mo. Napapansin ko. Isang buwan na tayo na magkasama dito sa bahay mo pero di ko pa rin alam yung name mo." sabi ko.
" Mark." tipid nyang sagot.
" Ilang taon ka na ba?" tanong ko ulit.
" 9." tipid na naman nyang sagot.

BINABASA MO ANG
Mr.Cold Meets Mrs. Hot
AcakKatangian ni Mr. Cold 1.malamig na pagkatao 2. mayaman 3. matalino 4. gwapo 5. hindi matinong kausap ang boring naman kung ma iinlove ka sa isang cold guy. Katangian ni Mrs. Hot 1.maganda 2. matalino 3. mayaman 4. hot 5. sexy siguro ang swerte nang...