James POV"Bakit ?" Hirap na hirap na ko, hindi ako mapakali, makatulog, hindi na ba niya ako mahal. Mag 1 week nang hindi kami nagkikita hindi naman niya masyado nagpaparamdam, mag txt o tumawag hindi sinasagot. Pumunta ako sa kanila wala naman dun. Isang araw nalaman ko na nakauwi na siya dahil nag hire ako ng private investigator. Bigla akong pumunta sa kanila at nadatnan ko si lance andun. Gulat na gulat nung pinuntahan ko.
"Asaan siya !!!??" Sigaw kung tanung na malakas.
"Ahh ehh.. Mabuti pang umuwi ka na james." Sagot niya
Pumasok ako ng bahay ngunit wala ang pamilya niya puro kasambahay lang. Hindi ko alam kung anong nangyayare ang importante lang sakin ngayon malaman kung asaan na siya gusto ko siyang makita. Paglabas ko kinuwelyohan ko si Lance at tinanong "asaan si bryan ?!!! Sabhin mo sakin" nagmamakaawang sabi ko.
"Boss asa airport siya may flight siya ngayon." Sagot ng private investigator ko
Binitawan ko si lance , pinigilan niya ko na wag makaalis pero sinuntok ko siya at sumakay na sa kotse at pumunta sa Airport para habulin siya. Hinarurot ko to ng mabilis wala akung pakielam ang importante sakin ay maabutan ko siya. Nang makarating ako sa airport tumakbo ako. Naghanap ako sa loob kung saan saan . Nang makita ko siya kasama pamilya niya at nakita ko ang tatlo kung tropa si zach, jiro at arjay. Nagtataka ako bakit andito sila. Pero gumaan na ang loob ko nang nakita ko siya ,sumigaw ako nang napansin nila ako. Tumakbo ako papalapit nang makita nila ako at pinipigilan makalapit ng mga tropa ko."Bitawan niyo ko!!! Bakit niyo ako nilalayo sa kanya" sigaw ko
"Umalis ka na bryan mahuhuli ka na sa flight mo" sabi ni zach
Nagulat ako bakit aalis siya, iiwan niya ko? Anung dahilan. Gusto ko siyang yakapin di ko magawa pinipigilan ako ng tatlo.
"Ma , papa sandali lang po magpapaalam lang ako" sabi ni bryan sa mga magulang niya
" sige anak bilisan mo baka maiwanan tayo" sagot ng papa niya
Lumapit sakin si bryan hinawakan ang pisngi ko. Nanlambot ako at nakaramdam ng unti unting humihinahon ako. Unti unting kumalma ung puso ko. Di ako makapaniwala sa mga sinabi niya sakin. Bumuhos ang luha sa mga mata ko walang tigil ang pagbagsak nito. Tumigil ang mundo ko nanlulumo ako.
"Aalis na ko... Di na ko babalik... Magpapakasal na ko sa iba hindi na kita mahal kaya pls tantanan mo na ko" malinaw na pagkakasabi niya. Bigla na siyang tumalikod at naglakad palayo unti unting lumalayo sakin. Nagpumiglas ako binuhos ko ang buong lakas ko para hindi ako mapigilan ng tropa ko. Tumakbo ako sa kanya nakatalikod siya at niyakap ko. Ang sarap ng yakap. Ung yakap na gusto ko siya lang. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakapalipot sa katawan niya. Tumaga nang sampung sigundo ang yakap at unti unti siyang humarap sakin.. At kumawala ng dahan dahan sa yakap ko tinignan niya ko pero hindi sa mga mata. At biglang....
PAKKKKKKK !!!
Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. "Hindi na kita mahal... Wala kang kwenta james hindi ka nararapat sakin." Tugon niya
Unti unti na kung nanghina at tumakbo na siya papalayo sakin. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya. Hinihiling ko na pls lumingon ka kahit huling beses na. Hanggang nawala na siya sa paningin ko. Nawalan na ko ng lakas. " AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Nagising ako asa kwarto ko. Pagdilat ng mga mata ko na tumutulo ang luha ko. Sanay isang masamang panaginip lang ang lahat.Kaso alam kung sa sarili ko totoo ang lahat ng ito. Mag iisang buwan ng nakalilipas nung huli ko siyang nakita. Sa mga sumunod na araw lagi akong tulala wala sa sarili nabulok na ko sa bahay. Dahil sa nalaman ni mama at papa umuwi sila para magbakasyon muna dito sa Pinas para magbakasyon at mabantayan ako. Hindi ko na pinapansin ang mga tropa ko dahil ayaw nilang sabihin sakin ang totoo. Kaya eto ako miserable ang buhay. Makaraan ang isang buwan malapit na ang pasukan kaya naghanda nadin ako. Nakapagisip isip na din ako at narealize na I need to move forward para sa pamilya ko, sa kaibigan ko , sa sarili ko at para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/40978901-288-k863830.jpg)
BINABASA MO ANG
My Badboy Chinito [BoyXBoy] "New"
LosoweKiligin, masaktan, mabroken, mapaiyak, matawa at mainlove. BoyxBoy